TRISHA MEI
Bukas na yung audition. Ang bilis naman ng araw huhu. Nandito ako ngayon sa may mini park ng university. Nagiisip kung ano ang pwedeng kantahin. Sa dami ba naman ng requirements na ginagawa ko, nawala sa isip ko yung kakantahin ko? Hahahaha.
Sina David at Rhylie, nasa classroom lang. Pati narin yung tropa nina Kevin. Kinakabahan ako shuta hahaha.
"Trisha! Bakit ka nandiyan?" biglang sulpot ni Art.
"Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko sakanya.
"Pupunta sana ako sa canteen eh pero nakita kong nandito ka." sabi niya. "Kinakabahan ka ba?" tanong niya.
"Oo. Huhuhu. Wala pa akong kakantahin!" sabi ko ng may kunwaring pag iyak. Hahaha.
"Daming kanta jan ah? Di ka makapili?" tanong niya.
"Uu." sagot ko at tumango tango.
"Hintayin mo ako dito ah? Wag kang aalis." sabi niya at biglang umalis. Potek akala ko naman tutulungan niya ako.
Nagisip isip pa ako ng ilang minuto. Pero wala talaga. Ben and Ben kaya? The Juans? December Avenue? Agsunta? Dami nilang magagandang kanta pero wala akong mapili.
Araw-araw kaya? Ay wag na. Hindi naman ako pinili araw araw. Hahahaha. Hindi Tayo Pwede kaya? Tss. Naalala ko nanaman siya. Hindi talaga kaya kami pwede?
Kung di Rin Lang Ikaw? Hmm. Oo di talaga ako magmamahal kung hindi rin naman ikaw... Joke lang one half. Kung Di na Ako? Doon ko napagtanto na, paano kung di na talaga ako yung mahal niya sa panahong iyon?
Natawa nalang ako sa mga pinagiisip isip ko. Potek kasalanan niya to!!
"Luh bakit ka tumatawa mag isa jan?" biglang sulpot nanaman ni Art.
"Grabe nakakagulat ka naman. Bigla bigla kang nagaappear." sabi ko.
"Magaling ka mag gitara?!" bigla akong napasigaw nung narealize kong may dala siyang gitara. May dala rin siyang makakain.
"Hindi. Pero alam ko lang." sabi niya. "Ano nakaisip ka na ba?" tanong niya.
"Alam mo yung araw araw?" tanong ko sakanya. Bigla siyang nagstrum. Wowers naman. Sana all magaling.
Sumabay ako sa pagstrum niya. Medyo nadala narin ako sa kanta. Shet eto nalang kaya?
"Galing naman." sabi niya. Ahehe.
"Nako nambola pa." sabi ko sakanya. "Ikaw nga. Try mo nga kumanta."
Nagstrum na siya at kumanta.
"Yes, I do, I believe
That one day I will be where I was
Right there, right next to you" pagkakanta niya.Lay Me Down?
Maikli lang yung pagkakakanta niya pero ang galing! Iba din.
"Nahiya pa ako." sabi ko sakanya. Tumawa lang siya.
"Ay may alam na ako!!" sabi ko sakanya. Napasigaw pa ako haha.
"Ano?" tanong niya. Sinabi ko naman yung title ng kanta at nagstrum ulit siya. Kumanta naman ako.
"Oh, yan nalang. Maganda naman." sabi niya. "May pang battle of the bands na!" masayang sabi niya.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021