CHAPTER FIFTY EIGHT

20 16 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"May one week break daw tayo. Outing tayo? Saan niyo gustong pumunta?" tanong ni Kevin.


"Tagaytay?"

"Batangas?"

"Baguio?"

Napatingin lahat sila kay Travis.


"Baguio? Sure ka? Ang layo!" sabi ni Trisha.


"Oo nga. Tsaka ba payagan ni tita si Trisha." sabi naman ni Kevin. Nagusap usap pa sila at napagdesisyonan nilang pumunta ulit kung saan sila nag camping noon.


"Overnight tayo kina Trisha bago tayo pumunta don." sabi ni Rhylie.


"Sure." sabi ni Travis.


"Kami lang. Hindi na kayo. Hahaha." sabi ni Kelley.


"Ang dayaaaa!" pagrereklamo ni Justin.


"Girls night!" sabay sabay na sabi ng mga babae. "Chat nalang namin si Frances para alam niya." sabi ni Trisha. Wala nang nagawa ang mga lalaki.

Fastforward

Ang mga babae ngayon ay nasa bahay nina Trisha. Bago sila matulog, nagusap usap muna sila habang kumakain.


"Kailan mo balak sagutin si David, Rhylie?" tanong ni Frances. Napunta naman kay Rhylie ang atensyon nila.


"Balak ko sana after grad eh." sagot naman ni Rhylie.



"Parang dati lang talaga inaasar ko siya sayo, tapos gusto niyo pala ang isat isa." sabi ni Frances. Nasabi niya ito dahil ang alam talag ni Frnaces noon ay magjowa sina David at Rhylie.


"Eh ikaw Kel? Paano naging kayo ni Justin?" tanong ko kay Kelley.


"Oo nga. Parang biglaan eh." sabi naman ni Shelley.


"Matagal na siyang nanligaw sa akin. Nung prom natin nung grade 11. Tapos sinagot ko lang siya nung July." sabi ni Kelley. "Papatagalin ko pa ba? Gusto ko rin naman siya eh. Hahaha." sabi ni Kelley.


"Marupok ka lang talaga." sabi ni Shelley at nagtawanan sila.


"Ikaw Frances? Kumusta lovelife?" tanong ni Trisha kay Frances.


"Eto, wala pang dumadating na tamang tao. Hahahaha." sabi niya. "Tsaka masaya naman ako ngayon, tsaka na muna yan." pagpapatuloy niya.


"Tama." pagsasangayon ni Trisha.


TRISHA MEI

"Eh ikaw, Trisha? Nakamove on ka na ba?" tanong ni Shelley sa akin.


"Oo naman. Alam niyo yun? Yung kahit na naaalala ko pa siya, hindi na masakit." sabi ko.


"Aww. We're happy for youu!" sabi ni Rhylie. "Deserve mo yung taong mamahalin ka kung gaano mo sila kamahal." tumango naman sila. Nakakatouch naman.


"Parang may kilala ako." sabi ni Kelley. ETO NANAMAN! MAGSISIMULA NANAMAN SIYA!


"Sino naman?" tanong ni Shelley.


"Di niyo kasi nasasight eh. Ako lang nakakawitness kasi ako lang ang classmate ni Trisha." sabi pa niya at tinignan ako ng parang inaasar ako. ALAM MO KELLEY MAISSUE KA HA!


"Sino? Classmate niyo rin ba?" tanong ni Frances.


"Hindi. Classmate nina Rhylie." sagot ni Kelley.



FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon