CHAPTER FORTY FIVE

25 16 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Sino pang wala?" tanong ni Kevin.


"As usual, si Rhylie nanaman." sabi ni Trisha. Natawa naman silang lahat.



"At si David." sabi ni Travis.


"Bakit ba ang bagal bagal nung dalawang yon pag magkasama sila?" tanong ni Frances.


"Alam mo na. Nagbabangayan pa bago makarating sa pupuntahan. Hahaha." sabi ni Justin.


"Para nga silang magjowa eh. Trisha, sure ka bang magkaibigan lang yung dalawang yon?" tanong ni Frances.


"Oo. Ganyan na sila dati pa. Tsaka wala rin naman silang sinasabi sa akin. Tsaka knowing David, hindi nagsasabi yun sa amin. Sinasarili niya lang haha." sabi ni Trisha sa mga kaibigan.


"Iwas muna tayo sa love life ngayon. Mauwi tayo sa camp sawi eh." sabi ni Frances nakitawa na rin silang lahat.


"Anong itinatawa tawa niyo jan ng wala kami ha?" sabi nung kakarating na Rhylie.


"Ang tagal mo! Muntik ka na naming iwan!!" sabi ni Kevin.


"Ay ganon ba? Kaiwan iwan ba ako?" pagdadrama. i Rhylie.


Binatukan naman siya ni David. "Aray!!"


"Ang drama mo bwiset ka. Ang tagal tagal mo na nga gumalaw kanina." sabi ni David.


"Jusko kayong dalawa talaga. Tara na sakay na tayo." sabi ni Kevin.


Bago sila pumunta sa pupuntahan nila, nag stop over na muna sila sa isang kainan.


"Belated happy birthday Travis!" sabi nilang lahat kay Travis.


"Salamat guys." sabi niya.


"Wala akong regalo ha? Tong kagandahan ko lang dinala ko eh." sabi ni Rhylie. Napatingin naman silang lahat sakanya.


"Bwiset ka. Hahaha. Di ka naman maganda." sabi ni Travis. Natawa naman sila.


"Tse. Grabe ka."


Pagkatapos nilang kumain, dumeretso na agad sila sa pupuntahan. Namangha naman sila sa ganda ng nakita nila.



 Namangha naman sila sa ganda ng nakita nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Grabe ang ganda dito!!" sabi ng mga babae.


"Galing mo naman pumili, Travis." sabi ni Justin.


"Ako pa? Haha." sabi niya.


"Magligpit muna tayo ng mga gamit natin tapos magiikot ikot tayo." sabi ni Kevin.


"Sinong magkakatent?" tanong ni Justin.


"Kaming limang babae magkakasama." sabi ni Frances.


FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon