CHAPTER FIFTY NINE

16 16 0
                                    

KEVIN

"Tara na?" tanong ko sa lima. Nandito ako ngayon sa bahay nina Trisha. Sinusundo sila. Yung mga lalaki naman, susunduin ko sa bahay nina Art.


"Tulungan na kita magbuhat." sabi ko kay Trisha at kinuha yung mga hawak hawak niyang mga gamit niya. Nagpaalam naman kami sa mommy niya at dumeretso na kami sa bahay nina Art.


"Whats up madlang pipol! I miss you mahaaaal!" sabi ni Justin. Ang ingay neto. Katabi ko naman ngayon si Trisha. Yung mga iba, nasa likod. Ako ang nagdrive.


"Kevin! Gusto pa naming mabuhay!" sabi ni Justin.


"Ang ingay mo! Manahimik ka!" sigaw ko pabalik. Nagtawanan naman sila.


Shempre magdadrive ako ng safe dahil nandito si Trisha sa tabi ko.


"Natulog ka ba kagabi?" tanong ko sakanya.


"Ah- oo naman." sabi niya.


"Weh? Parang hindi eh. Inaantok ka ba?" tanong ko sakanya. Nasa daan yung mga mata ko pero kinakausap ko parin siya at nililingon.


"Hehehe." sabi niya.


"Idlip ka muna. Mukhang inaantok ka nga." sabi ko. Yung mga maiingay kanina, natahimik. Nagsitulugan. Aba????


"Hindi na. Tsaka wala kang kasamang gising. Natutulog sila oh." sabi niya. Napangiti naman ako.


"Sasamahan nalang kita. Tsaka para may makausap ka." sabi niya. Now tell me, paano ako hindi maiinlove sakanya?? Haha. Dumaldal naman siya kahit papaano para hindi kami mabore.



"Buti nalang may break. Para naman makapagrelax tayo ng onti." nakikinig lang ako sakanya. Tumango naman ako.


"Kevin, diba sabi mo may nagugustuhan ka.." sabi niya. Napatingin naman ako saglit sakanya. Oh, alam ko na kung saan papunta tong usapan. Tumingin ulit ako sa likod at tinignan kung natutulog nga sila. Naka earphones pa yung iba.


"Oo. Bakit?" tanong ko sakanya.


"Sino? Pwede na bang makilala?" tanong niya. Ayoko pang sabihin, Trisha. Pero kilala mo. Kilalang kilala mo.


"Saka na." sabi ko sakanya.


"Ha? Why naman?" tanong niya. Mapapasabi ba ako ng wala sa oras? Malalaman na ba niya ngayon? Hindi ako tinatantanan eh.



"Sasabihin ko kapag alam kong okay na. Okay na siya at handa na siya ulit." sabi ko. Napatango naman siya.


"Paano kapag okay na siya?" tanong niya. Ha? "De biro lang. Oo na di na ako magtatanong. Nag kulit kulit ko eh. Hahahaha." sabi niya. Hay nako Trisha.


"Eh ikaw? May nagpapatibok na ba ulit ng puso mo?" tanong ko.


"Ha? Eh wala pa naman. Naghihintay lang. Joke." sabi niya.


"Ganun ba.."


Mabilis lumipas ang mga oras at nakarating na ulit kami sa destinasyon namin. Ilang buwan na rin nung huli kaming nagpunta dito.


FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon