TRISHA MEI
"Trisha!" rinig kong sigaw sa akin ni Rhylie. Nilingon ko naman siya.
"Oh? Bakit?" sabi ko naman.
"Di mo raw pinapansin si Jun. Bakit?" tanong niya. Tss. Bahala siya jan.
"Hoy wag ka ngang umirap!" sabi niya. "Nagaway ba kayo?"
"Excuse me? Bakit naman ako makikipagaway???" sambit ko. Tss.
"Babatukan na talaga kita. Bakit nga????" eto na nangungulit na. Wala na akong choice kundi sabihin sakanya kung bakit.
"Eh paano ba naman, sabihin niyang susunduin niya ako, edi umasa ako na susunduin niya ako kagabi. Eh ayun, walang pumuntang Jun." pagkekwento ko.
"Aba!? Siya pala may kasalanan eh!" sigaw niya.
"Shh. Wag kang maingay." sabi ko sakanya. Baka marinig to ng iba eh.
"Tapos hindi man lang niya ako sinabihan na hindi siya makakapunta. Eh naghintay ako kagabi." sabi ko pa.
"Ha?! Eh sinong kasama mo umuwi kahapon? Magisa ka lang?"
"Hindi." sagot ko.
"Eh ano? May kasama ka?" tanong niya.
"Oo. Nihatid ako ni Kevin. Kasama ko rin kasi siya nung hinihitay ko si Jun eh." kwento ko.
"Aba buti nalang at meron si Kevin. Kaltok sakin yang Jun na yan!" sabi niya.
"Hayaan mo siya." sabi ko nalang.
Pagkatapos ng morning class namin, maglalunch na sana kami nung nakita namin sina Jun, Sam at John sa harap ng room namin. Tss. Bahala siya jan.
"Trisha!" rinig kong pagtawag sa akin ni Jun. Tinignan ko lang siya.
"Trisha. Sorry na. May emergency lang kasi kagabi kaya di ako nakapunta. Sorry hindi rin ako nakapag text." pageexplain niya.
"Oh, ano to?" tanong ni Trisha.
"Shh." rinig kong sabi naman ni Art.
"May emergency naman pala eh. Pansinin mo na." sabi ni Kevin.
"Nako Jun, pag yon inulit mo pang gawin sa bff ko kaltok ka sakin. Hahaha." sabi ni Rhylie. Sira talaga to.
"Sorry na. Please?" nagmamakaawa niyang sabi. Hoy!! Wag ka ngang ganyan! Marupok ako! HAHAHAHA.
"Hmm." sabi ko lang.
"Luh. Pansinin mo na. Ganda ka?" sabi ni Rhylie. Aba!?
"Tse!" sabi ko nalang.
"Oh ano Trisha, sasama ka pa ba sa amin maglunch?" tanong ni Justin.
"Hindi na yan. Si Jun naman palagi niyang kasama pag lunch eh." sabi ni David. Nagtawanan naman sila. Aba David ginanyan mo na ako ah?
"Oh siya, una na kami Trisha." sabi ni Art.
"Bye Trisha! Wag kang papalate!" pagpapaalam ni Rhylie na kasama rin sina Kelley at Shelley. Nauna na rin sila.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanficA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021