ART
"Ganun talaga. Ikaw nga unang nakilala pero hindi ikaw ang minahal."
Parang natamaan ako dun ah? Oo, ako nga yung unang nakilala ni Trisha, pero hindi ko naman kasi sinabi ang nararamdaman.
Kanina pa paikot ikot sa utak ko ang mga salitang yan.
"Okay ka lang Art?" tanong ni Rhylie kaninang nagkita kita na kami.
"Okay lang. Nasaan sila?" tanong ko.
"Hindi namin alam eh." sabi ni Rhylie.
"Knowing Trisha, baka nasa KFC sila." sabi ni Kevin.
"Edi tara sa KFC." sabi ko.
"Sure ka?" tanong ni Travis.
"Oo naman. Bakit? Bawal na bang pumunta sa KFC pag nandoon sila?" sabi ko. Tss.
"Easy lang bro. Alam naming nagseselos ka." sabi ni Justin. Huminga naman ako ng malalim.
"Gusto ko lang siyang makita." sabi ko.
"Yan. Dapat ganyan." sabi ni David.
"Art.." sabi ni Rhylie. Hinintay ko naman ang mga sasabihin niya.
"Wala hehe. Hayaan mo na." sabi lang niya. Ano kaya yun?
Nakarating naman kami sa KFC. Nakita ko silang dalawa.
"Lalapit ba tayo sakanila?" tanong ni Kevin.
"Wag." sabi ko. Gusto ko lang naman siyang makita sa malayuan.
"Bakit?" tanong ni Travis.
"Hayaan na muna natin sila. Gusto ko lang naman siyang makita kahit malayo." sabi ko.
"Ako nasasaktan sa mga pinaggagagawa mo eh." sabi ni Rhylie.
Bakit ba kasi ang torpe ko kay Trisha?
TRISHA MEI
Natapos na rin kaming kumain ni Jun. Habang palabas na kami, nakita kong nandito rin pala sina Rhylie.
Dito sila kumain??? Bakit hindi sila lumapit sa amin???
Lumapit naman kami ni Jun sakanila.
"Dito rin pala kayo? Di man lang kayo nagsabi." sabi ko sakanila.
"Dito yung gusto ni Art eh." sabi ni Kevin.
"Aba. Naiimpluwensiyahan ko na kayo ah? Hahahaha." sabi ko.
"Jun, ilayo mo na sa amin si Trish please para makakain na kami." sabi ni Rhylie. Aba!!
"Tara?" tanong niya sa akin.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya.
"Arcade muna tayo habang naghihintay sakanila." sabi niya. ARCADE??? UWU!!
Habang naglalakad kami, nagkekwentuhan lang kami.
"May klase na pala sa Monday no?" tanong ko sakanya.
"Oo nga eh. Ang bilis ng araw." sabi niya.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021