TRISHA MEI
Naguusap usap kami ngayon ng mga kaibigan ko. Next week na ang Intrams. Parang kailan lang nung nakaraan.
"Sasali ba kayo?" tanong ni David sa apat.
"Oo. Nakapalista na ako sa soccer." sagot ni Art.
"Ako rin. Sa badminton parin." sabi naman ni Travis. Bakit kaya di ako biniyayaan ng kagalingan sa sports? HAHAHA.
"Kami ni Justin sa Basketball. Sina Ash ba? Hindi sasali?" tanong ni Kevin kay David.
"Ewan. Tanungin ko nalang sila." sabi ni David. Etong si David, hindi talaga mahilig sa sports. Kahit na anong pilit namin sakanya, ayaw niya. Hahaha.
"Kayo girls?" tanong ni Justin.
"Manonood nalang kami sa game niyo." sagot ni Kelley.
"Tama. Magchicheer nalang kami. Hahaha." sabi ko naman. "Dapat galingan niyo ah! Huling laban niyo na to." pagpapatuloy ko.
"Kami pa?" sabi naman ni Art.
Fastforward.
Lunes na at ngayon ang unang araw ng intramurals. Ang daming tao sa bawat sulok ng school. Maraming mga booths. Sina Rhylie at David, magkasama. Umiikot ikot sa grounds pero sa mga food booths lang naman sila pumupunta. Lord, when kaya? Anak mo rin ako oh hdjsjs. Ang saya nila tignan.
Kasama ko ngayon sina Kelley at Shelley. Yung mga lalaki naman, nasa mga area nila. Unang laro yung basketball kaya naghihintay lang kami bago magsimula. Tinawag na namin yung dalawa at nagtungo na kami para manood. Sina Justin at Kevin, nakita namin sa gilid. Nagreready. Kasama rin nila si Ash.
"Bakit ako kinakabahan? Hahahaha hindi naman ako yung maglalaro eh." sabi ni Kelley.
"Syempre, laban ng bebe mo kaya ka kinakabahan." sabi ni Shelley.
"Sana manalo sila." sabi ni Rhylie. Kitang kita ko si Kevin, parang kinakabahan. Kaya mo yan bff!
Nagsimula na yung laban at lamang ngayon ang senior high. Buti naman. Tuloy tuloy ang laro nila at nakikita kong nasisiyahan naman sila. Nananalo sila eh.
"Kel. Icheer mo naman si Justin." sabi ni Shelley. Umayaw naman agad si Kel.
"Ayoko nga! Nakakahiya kaya." sabi naman ni Kelley.
"Kinahihiya mo ba si Justin?" pangaasar pa ni Shel. Natatawa naman kami.
"Dali na Kel. I cheer mo na." sabi ni David.
"Gora na. Ipagsigawan mo." sabi ni Shel.
"Bakit? Balut ba siya para ipagsigawan ko?" sabi ni Kelley. HAHAHAHAHAHAHAHAHHA. Tangina sorry natawa ako hahahaa.
"Gaga." nalang ang nasabi ni Shel.
"Oo na eto na." sabi ni Kel. Naghintay naman siya hanggang sa hawak na ni Justin ang bola.
"HOY NUMBER 28! GALINGAN MO NAMAN!" sigaw niya. Ha?
Nashoot naman ni Justin ang bola at nagapir sila ni Kevin. Tumingin naman si Justin dito sa gawi namin at kinindatan pa si Kelley.
Teka...
"Do you get Deja Vu huh?" pakanta nila Rhylie at David. TANGINAAAA????
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
Hayran KurguA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021