CHAPTER THREE

49 18 0
                                    

TRISHA MEI

Grabe ikaapat na araw palang ngayon pero tambak na kami. Ano kayang magandang gawin?


"Psst!" rinig ko. "May bond paper ka?" tanong niya. Si Art.



"Oo. Bakit?" tanong ko.



"Pahingi?" sabi niya sa akin kaya binigyan ko na.



Si Art nga pala yung katabi ko noong orientation. Si Travis naman yung isa. Pinakilala kami ni Kevin sakanila nung minsan inaya niya kaming sumama sa kanila maglunch. Mababait din naman. Si Art pala yung sinasabi kong mukhang masungit na nakatabi ko noong orientation hahaha. Baliktad pala. Makulit rin naman pala siya hahaha hindi lang masyado madaldal.



"May balak ba kayong gawin sa weekend?" tanong ni Kevin sa amin.



"Wala naman. Bakit?" tanong ni David.



"Ayaw niyo gumala?" tanong ulit ni Kevin.



"Hoy chow, alam mo namang marami tayong ginagawa ngayon ano? Tapos mag aaya kang gumala?! Saan ba?" sabi ni Justin at natawa kami. Hahahaha. Pucha. Akala ko pa naman ayaw niya eh.



"Sus. Pero ano nga? Gusto niyo?" sabi ni Kevin.



"Pwede naman." sabi ni Rhylie.



"Ge lang din." sabi naman ni David.



"Sasama sila, edi sasama na rin ako." sabi ko sakanila.




"Ayos yan. Haha." sabi ni Justin.



"Teka. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sakanila.



"Sa tagaytay!" Sabi nina Art at Travis.



"Sasama rin sila?" tanong ko.



"Malamang! Magkakaibigan sila diba!!?" sabi naman ni Rhylie. Hindi naman ako bingi sa pagkakaalam ko. Pasigaw sigaw pa to.



"Oo na!" medyo pasigaw na sabi ko rin sakanya.



"Nga pala, mauuna na muna ako mamaya, Lili. Hindi na muna ako magkaklase sa last subject natin." sabi ko.



"Why naman?" tanong niya.



"May pupuntahan lang." sabi ko nalang. Masama lang talaga pakiramdam ko.



Gaya nga ng sinabi ko kay Rhylie. Umalis na ako bago pa dumating yung teacher namin sa last subject namin. Hindi naman yun major kaya okay lang. Hahahaha. Wag niyo po akong tularan.



Pagkadating ko sa bahay, nagsimula nanaman sila. Palagi nalang silang ganito. Bigla silang nahinto nung napansin na nilang nasa bahay na ako.



"Trish? Bat ang aga mo ngayon?" tanong ni Daddy.




"Masama lang pakiramdam ko." sagot ko naman.



"Anak? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong ni Mommy.



"I'm okay, mom. Don't mind me." sabi ko kay mommy at nginitian siya. Habang papataas na ako, nagsimula nanaman silang magbangayan. Lagi nalang..



Hays. Hindi ako makakatulog pag ganito. Mas lalo lang sasama ang pakiramdam ko. Aalis na muna ako. Ayoko silang marinig. Napagisip isip kong pumunta muna sa malapit na park dito sa bahay. Marami rami rin naman ang mga tao dito.



FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon