CHAPTER FIFTY FIVE

21 16 0
                                    

RHYLIE

Maglalunch break na pero hindi parin namin macontact si David. Pati ako hindi niya nirereplyan. Ano kayang nangyari sakanya? Nagaalala ako.


"Oh? Bakit hindi ka mapakali?" tanong ni Travis sa akin.


"Nagaalala ako." sabi ko sakanya. Magsisinungaling pa ba ako?


"Ngayon lang siya umabsent eh. Tsaka nagsasabi naman sa amin yun kung hindi siya papasok." pagpapatuloy ko. Kanina pa ako di makapirmi sa upuan ko. Puntahan ko kaya siya?


Nung natapos na yung class namin, nagpaalam na ako sakanila.


"Trav, paexcuse nalang mamaya. Thank you." sabi ko sakanya at kinuha na ang mga gamit ko.



"Sige ingat ka." sabi naman niya.



Tangina neto ni David, ANO BANG NANGYARI SAYO????


Dalidali akong sumakay at dumeretso sa bahay nina David. Saktong palabas na yung mom niya.


"Hello po, tita. Si David po?" tanong ko. Matagal ko na rin siyang di nakita.


"Rhylie? Tagal mo nang hindi napunta dito ah? Wala ka bang class? Nako, si David may lagnat kasi." sabi nung mom niya. Napabuntong hinga naman ako. May lagnat pala siya.


"ganon po ba?" sabi ko ag tumango siya.



"Puntahan mo nalang sa kwarto niya. Siya lang kasi mag isa eh. Tsaka ngayon pa lang ako papasok." sabi nung mom niya.


"Sige po tita. Ingat po." sabi ko. Nagpaalam naman siya sa akin at pumasok na ako sa bahay nila. Kabisado ko naman na dito eh. Umakyat agad ako at pumasok sa kwarto ni David.


Natutulog siya.



Eto nanaman tong puso ko. Nagiging abnormal nanaman ang tibok.


Kumain kaya siya ng breakfast? Idinampi ko yung palad ko sa noo niya, medyo mainit. Nakita kong napamulat siya pero pumikit ulit. Hoy?!


Naghintay ako ng ilang minuto bago siya magising. Tulok mantika nga pala to.


"Rhylie?" sabi niya. Tinignan ko naman siya kung gising na.


"Tangina mo." sabi ko. Ewan ko.


"Bakit mo ko minumura? Haha." sabi niya at tumawa pa.


"Nagalala ako sayo bwisit ka. Ano bang nangyari sayo? Ha? Bakit ka nagkalagnat? Lagi ka bang nagpupuyat?!" derederetsong sabi ko sakanya pero itong si David ngumiti lang.


"Anong ningi ngiti ngiti mo diyan?!" kunwari galit na sabi ko.


"Namiss kita." sabi niya. HA? ANO RAW??



"Tigilan mo ko." sabi ko naman.



"Hindi mo ba ako namiss?" tanong niya. HDHSJAJAK DAVID?!?!? Tumingin naman ako sa kanya.



"Namiss. Sobra kitang namiss." sabi ko. Napangiti naman siya.



"Iiwasan mo parin ba ako?" tanong niya. Huh....



"Ikaw kaya umiiwas sa akin." sabi ko naman.


"Rhylie. Gusto kita." HA ANO? TEKA LNG? NAMBIBIGLA? DAVID?


"Totoo yon. Kailan pa? Nung Grade 7 pa tayo." sabi niya. GANON KATAGAL?!?!


Pwede bang kiligin?


FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon