TRISHA MEI
"Trisha may practice mamayang after calss." bungad sa akin ni Art.
"Para san?" nagtaka naman ako.
"Para sa Mr and Ms University. Foundation Week na next week." pageexplain niya. Oo nga no. Nalimutan ko hahaha.
"Sina Kevin at Justin ba? Alam na nila?" tanong ko sakanya.
"Oo. Nasabi ko na rin." sabi ni Art.
"Anong pinaguusapan niyo?" tanong ng kararating na Rhylie.
"Late ka nanaman!" sabi ni David.
"Tse! So ano nga?" tanong niya.
"May practice raw kami mamayang hapon." sagot ko naman.
"Nako. Para next week ba? Excited na akoooo!" sabi ni Rhylie.
"Ayaw mo lang magklase eh." sabi naman ni Travis.
"Parang ganon na nga. HAHAHAHA." sagot naman ni Rhylie. Tong babaeng to talaga hahaha.
"Magbago ka na huy!" sabi ko naman. Natawa nalang siya.
Natapos ang klase namin ng pang-umaga at ngayon kasama ko naman si Jun, kumakain. Sina Rhylie, ayaw naman kami samahan.
"Nga pala Jun, may practice kami mamaya." sabi ko sakanya.
"Ganun ba? Anong oras?" tanong niya.
"After class eh. Tsaka wag mo na akong hintayin ah? Baka gabihin kami eh." sabi ko sakanya.
"Ha? Eh sinong maghahatid sayo?" tanong niya sa akin.
"Sina Kevin na siguro. Kasama ko naman yung tropa eh." sagot ko.
"Ganun? Sige. Ingat kayo ah?" sabi niya. Ahe. Pa-fall. Char hahaha.
Hanggang sa natapos na rin ang klase namin ng hapon at sabay sabay kaming nagpunta sa band room ng mga kasama ko.
Tagal na rin nung huli kaming nagpractice haha. Nakakamiss.
Nandito na rin si Sir at nagsimula na kaming ipractice ang mga tutugtugin.
Natapos kami ng 7 pm. Nakakapagod naman haha.
"Una na kami." sabi nina Art at Justin.
"Ikaw Trisha, sinong kasama mo uuwi? Ihahatid ka ba ni Jun?" tanong ni Kevin.
"Hehe. Yun na nga eh. Wala siya. Pwede bang sabay na ako sayo?" tanong ko kay Kevin.
"Sige. Tara na?" sabi niya at nagpaalam na rin kami kina Justin at Art.
Eto na nga ba ang sinasabi ko. Nagugutom na akooo huhu.
"Kain muna tayo?" tanong niya. Teka bat niya alam nasa utak ko???? HAHAHAH.
"Sige ba. Nagugutom na rin kasi ako eh." sabi ko sakanya.
As usual, sa KFC kami napunta.
Kumain na kami at naglibot libot muna bago umuwi.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021