CHAPTER SEVEN

39 18 1
                                    

TRISHA MEI

Ngayon irerelease yung lists ng mga nakapasok sa mga clubs and such. Shet kinakabahan ako.



"Chill ka lang Mei. Masyado ka namang kinakabahan." sabi ni Travis sa akin. Wow lang galing pa sayo ah? Eh kinakabahan din to eh hahaha.



"Chill chill ka jan. Eh bat ka nanginginig?" tanong ko sakanya.



"Oo nga. Namumutla ka pa." Biro rin ni Art sakanya.



"Anong namumutla? Eh maputi naman talaga ako!" pagdedefend niya sa sarili niya. Natawa nalang din kami.



"Okay lang yan Travis. Wag kang kabahan. Pag pasok ka, libre mo kami." sabi ni Kevin.



"Aba?! Bat ako lang! Dapat si Mei din!" sabi niya. Aba dinamay pa ako!!?



"Anong ako rin!? Nilibre ko na kayo noon ah!! Tsaka di naman sure kung pasok ako!" sabi ko sakanya.



"Oo nga naman Trisha! Iba yon! Iba rin to!!" sabi ni Rhylie. Epal din to eh.



"Alam mo epal ka talaga." sabi ko sakanya.



"Baka naman Trisha? HAHAHAHA." sabi rin ni Justin. Ano pa ba nagagawa ko?



"Oo na!! Jusko!" sabi ko nalang. Potek di rin naman ako titigilan ng mga to. Lakas naman nila mangonsensya.




"Yun oh!! Samgyup ulit!!" sabi ni David. Nako mauubos nanaman pera ko neto.



"Napost na!!" biglang sigaw nung classmate ko.



"Sana all naman, Jaden. Pasok sa Campus Journalist! Dancer pa!" rinig kong sabi nung classmate namin.




"Wow galing mo naman, Jaira. Sana all dancerist!" sabi naman nung isang classmate ko. Shet kinakabahan ako.



"Yown!! Pasok!!" sigaw ni Travis. Uwaaaa! Galingggg! Paano kaya ako?



"Ako nalang ang titingin." sabi ni Rhylie. Tumango lang ako.



Habang tinitignan ni Rhylie yung cellphone niya, hindi ko maiwasang manginig. Hinawakan naman ni Art yung kamay ko. Tinignan ko siya. Ngumiti lang siya.



Sa reaksyon palang ni Rhylie, parang di na maganda yung result. Haha. Okay lang naman. Tuloy parin naman ang buhay. :')



"Okay lang guys. Haha. Baka hindi talaga para sa akin to." sabi ko.




"Sure ka na ba jan Rhylie?" tanong ni Kevin.




Hindi kumibo si Rhylie. Okay lang. Okay lang talaga.



"May next time pa naman, Mei." sabi rin ni Travis. Biglang tumawa si Justin habang nakatingin sa cellphone niya. Bigla siyang natigil nung tignan siya ni Rhylie.



"Ikaw nalang tumingin, bff." sabi niya.



Kinuha ko yung cellphone niya at tinignan.



A-ano to?



"Pasok? Ako?" tanong ko. Ngumiti sina Rhylie at David. WAAAAAAAHHHHHHH!!! PASOKKKKK!!!!!!



"AAAAAAAAAAAA!" biglang sigaw ko. Napatingin naman lahat ng classmate namin sa akin.



"Ay sorry guys. Ge pagpatuloy niyo lang ginagawa niyo. Dont mind me po." sabi ko at umayos ng umupo.



FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon