CHAPTER FIFTY TWO

17 16 0
                                    

RHYLIE

"Sige iyak ka lang." sabi ni Travis sa akin.

"Sorry. Palagi mo nalang akong sinasamahan kapag malungkot o umiiyak ako." sabi ko sakanya. Nasa park kami ngayon. Malapit sa school. Hindi muna ako umuwi sa dorm. Siguro mamaya nalang. Hindi na rin ako nakapagpaalam kina Trisha.


"Kaibigan mo ako. Ako lang ang nakakaalam sa sikreto mo. Kaya nandito lang ako sa tabi mo para damayan ka." sabi niya.


"Bakit kasi hindi nalang ikaw?" biro ko sakanya.


"Anong ako?" naguguluhang sabi niya.


"Sana ikaw nalang ang nagustuhan ko." sabi ko sakanya. Ewan ko na. Di ko na alam kung anong lumalabas sa bibig ko.


"Rhylie, nasasaktan ka lang. Kaya nasasabi mo yan." sabi ni Travis.


"Ikaw? Hindi mo ba ako gusto?" tanong ko pa. Rold, sorry na. Hindi ko na napipigilan tong sarili ko sa kakatanong haha.


"Bakit? Gusto mo bang magkagusto ako sayo?" sabi niya at tumingin sa akin.


"Ha? Ah eh. Hindi biro lang." bawi ko. Mga pinagsasasabi ko kasi eh.


"Gusto mo bang malaman na gusto ka rin niya?" tanong niya sa akin.

"Ha? Paano naman?" tanong ko.


"Magpanggap tayo." sabi niya. "Magpanggap tayong magjowa." sabi niya.


"Ha? Naririnig mo ba mga sinasabi mo?" tanong ko sakanya. Ikaw Travis, di ko gusto yang mga iniisip mo ha.


"Ikaw na nga tutulungan eh. Tsaka nakita mo naman kanina, parang papatayin na ako ni David kaninang inagaw kita sakanya." sabi ni Travis at natawa.

"Baliw." sabi ko nalang. As if naman.


"Pero ano? G ka ba?" sabi niya.


"Pag meron lang si David, dun tayo magpapanggap." pagpapatuloy niya.


"Sigurado ka ba?" tanong ko sakanya. Hindi naman sa ayaw ko pero hindi natin alam ang mangyayari.


"Iniisip mo ba kung mafofall ako? Wag kang magalala, kapag nangyari yon edi mangyari. Tsaka ako naman ang may gusto neto eh." sabi niya.

"Masasaktan ka lang kapag ganon." sabi ko. Ayoko ng ganun.

"Ayokong gamitin ka, Travis." sabi ko.


"Asa ka namang mafofall ako? Ewww. May nagugustuhan kaya ako." sabi niya. HOY?

"Aba?! All this time????" sabi ko sakanya.

"Oo. Kaya wag kang maingay sa mga kasama natin. Sasabihin ko sayo, soon." sabi niya. Omg ka Travis!!!

"Sige. Papayag na ako. Pero siguraduhin mo lang ha? Ayokong makasakit." sabi ko sakanya.

"Ako pa?" sabi naman niya. Hinatid naman niya ako sa dorm.


"Start tayo sa monday. Bye! Tulog ka na agad!" sabi niya sa akin. Nagpaalam na rin ako sakanya at umuwi na siya.


Gagana kaya tong plano ni Travis?

Fastforward.

"Ang daming tambak na gawain amp. Buti naimove yung intrams natin sa October." sabi ni Justin.


"Kaya nga eh. Dobleng pagod pag ganon." sabi naman ni Kevin.


FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon