FAST FORWARD
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Mabilis lumipas ang mga araw. Ngayon, mageenroll sila para sa Grade 12. Nagusap usap ang mga kaibigan para sabay sabay silang mag enroll.
Naunang dumating si Rhylie sa skwelahan kaya pumila agad siya. Dumating naman agad ang T-4. Sina Kevin, Art, Travis, at Justin.
"Ikaw palang ang nandito?" tanong ni Kevin kay Rhylie.
"Oo. Galing pa ako sa province eh. Kaya marami pa akong dalang mga gamit." sabi ni Rhylie.
"Tulungan ka na namin mamaya. Ihahatid ka namin sa dorm mo." sabi ni Travis.
"Thank you." sabi ni Rhylie. "Nandiyan na rin si Kelley at Shelley oh."
"Hello guys!" bati nilang dalawa.
"Buti nalang wala pa masyadong pila." sabi ni Justin.
"Nasaan na sina Trisha?" tanong ni Art.
"Papunta palang siya." sagot naman ni Rhylie.
"Eh si David?" tanong naman ni Kevin.
"Di ko alam?" sagot niya.
Dumadami na rin ang mga mag-eenroll. Pero sina Trisha at David, wala pa. Pumila nalang din sila.
Nakita naman ni Rhylie si Trisha na paparating. Sinenyasan ni Trisha na pipila nalang siya. Ayun, nasa dulo na siya ng pila. Ilang minuto pa ang dumaan, si David naman ang dumating.
Natapos na sila Rhylie at hihintayin nalang nila sina Trisha at David. Dinaanan naman nila ang dalawa.
"Hintayin namin kayo sa mini forest." sabi ni Kevin. Tumango naman ang dalawa.
"Miss you bff." sabi ni Rhylie kay Trisha. Hindi niya tinignan si David. Hindi niya ito pinansin.
Naglakad naman sila papunta sa mini forest para hintayin ang dalawa hanggang sa natapos na rin sila.
"Sana magkakasection parin tayo." sabi ni Rhylie.
"Sana nga." sabi naman ni Travis.
"Okay ka lang ba Rhylie?" tanong ni Kelley sakanya.
"Okay lang ako. Napagod lang ako sa byahe haha." sagot naman ni Rhylie. Dumating naman na sina Trisha at David.
"Tara na?" sabi ni Kevin.
"Hatid na namin kayo." sabi pa ni Justin.
"May pupuntahan pa kasi kami ni Shelley. Kayo nalang muna. Bye guys! Namiss ko kayo!" sabi ni Kelley. Nauna na rin silang umalis.
Binuhat ni Rhylie ang iba pa niyang gamit. Nakita naman ito nina David at Travis. Akmang tutulong na sana sj David pero naunahan siya ni Travis.
"Ako na magbubuhat." sabi ni Travis at ngumiti lang si Rhylie.
"Next time na tayo gumala, pagod ako haha." sabi ni Rhylie.
"Sure bff. Let's go!!" sabi nila at sumakay na sa kotse nina Kevin.
Naihatid na nila si Rhylie pero bumaba rin si David.
"Dito na muna ako kina Rhylie." sabi niya.
Nagulat naman si Rhylie.
"Bakit ba to bumaba? Sasamahan nanaman ba niya ako dito sa dorm?" sa isip isip ni Rhylie.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021