CHAPTER FIFTY FOUR

17 15 0
                                    

RHYLIE

"Rhylie! Tulala ka nanaman!" nagulat ako kay Travis. Ha?


"Kanina pa ako nagsasalita dito di ka pala nakikinig. Sabog ka ba ha?" sabi pa niya.


"Sorry." lang ang nasabi ko. Napatingin naman siya sa akin.


"Huy, okay ka lang ba?" sabi niya. Kita sa tono niya ang pagaalala.


"Travis.." paninimula ko. "Alam na ni David na gusto ko siya. Kaya lang.."


"Kaya lang?"


"Gusto niya rin daw ako." sabi ko sakanya.


"Oh ayun, gusto ka rin naman pala ng gusto mo. Bakit ka malungkot? Diba dapat masaya ka?" tanong niya.


"Yun nga eh. Pero nagkasagutan kasi kami." sabi ko sakanya.


"Teka, kailan pa? Kailan pa kayo nagusap? Kailan kayo nagkaaminan?" sunod sunod na tanong niya.


"Dalawang linggo na nakakalipas." sabi ko. Ang tagal na pala. Hanggang ngayon nagiiwasan pa kami. Hindi ko siya kayang harapin.


"Ayaw niyo bang magusap? Para naman malinawan kayo sa mga sarili niyo." sabi niya.


"Gusto ko na nga siyang kausapin eh. Pero nahihiya ako." sabi ko sakanya.


"Bakit ka mahihiya? Bestfriend mo yun diba? Kahit na ano pang sabihin mo, maiintindihan niya." sabi niya sa akin.


"May sasabihin ako, Rhylie. Makinig ka." sabi niya. Tinignan ko naman siya.


"Diba nung unang magkakakilala palang tayo, akala namin magjowa kayong dalawa. Ang sweet niyo nga sa isa't isa eh. Tapos kahit na nagbabardagulan kayo, kita parin sainyo kung gaano kayo kaclose. Tsaka siya yung nandiyan sayo parati. Kinekwento mo nga sa akin diba? Lahat nilalaan niya para sayo. Siya yung unang nakakaunawa sayo." sabi niya sa akin. Napaisip naman ako sa mga sinabi niya.


"Hindi ko nga alam kung maniniwala ako na gusto niya ako o ano eh." sabi ko sakanya.


"Siya na mismo nagsabi, Rhylie. Yung mga maliliit na bagay na ginagawa niya sayo, hindi mo ba nakikita? Alam mo rin bang sinusundan niya tayo kapag hinahatid kita sa dorm mo?" sabi niya sa akin. Ha? Sinusundan?


"Nakita ko siya mga ilang beses, Rhylie. Kahit na ginagabi tayo ng uwi, sinusundan parin niya tayo." sabi niya. Ba..kit?


"Hindi ka parin ba naniniwalang gusto ka niya?" tanong niya.


"Kaya habang maaga pa, dapat magusap na kayo. Magiiwasan nalang ba kayo habang buhay?" sabi niya.


Magpapasalamat na ba ako at nakita niya yung diary ko?


DAVID

"Hindi pa rin ba kayo naguusap?" tanong ni Luna sa akin.


"Hindi pa eh. Hinihintay ko siya." sabi ko.


"Paano pag naghihintayan lang kayo? Try mo kayang kausapin na siya. Papatagalin niyo pa ba?" tanong ni Belle.


"Nagtataguan lang pala kayo ng feelings eh. Tapos ngayong nalaman niyo nang dalawa, tsaka kayo magiiwasan." sabi ni Kyle.


"Sana all crush ng crush." sabi ni Ash. Napatawa naman kami.


"Sino naman crush mo?" tanong ko kay Ash.


"Ikaw bro. Labyu." sabi niya. Napatawa naman kami. "Biro lang. Wala akong crush no." sabi pa niya.


FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon