TRISHA MEI
"Kevin? Ang aga mo naman? Akala ko mamaya ka pa?" tanong ko kay Kevin na nandito na sa bahay. Inaya niya kasi akong magsimba. Ewan ko ba bat bigla niyang naisipan?
"Wala lang. Gusto ko lang naman pumunta. Hindi ba pwede? Sige aalis nalang muna ako." sabi niya. Tinawanan ko naman. Sira to.
"Hindi naman sa ganon, baliw. Hahaha. Sige diyan ka muna manood, magbibihis lang ako." sabi ko sakanya at pumunta na ako kwarto ko. Si mommy, umalis muna, pero alam naman niyang aalis ako.
Mabilis lumipas ang oras at nagpunta na rin kami sa simbahan.
Natapos na ang misa at nagbalak kaming kumain na muna bago umuwi.
"Ang tagal na rin nung huli akong nagsimba. Si Ben pa kasama ko noon." kwento ko sakanya.
"Namimiss mo nanaman? hahaha." pangaasar niya sa akin.
"Hindi ah. Hindi ba pwedeng naaalala ko lang?" sabi ko sakanya.
"Edi every sunday na tayong magsimba. Okay ba? Palitan natin mga memories mo dito." sabi niya. Hmm? Pwede naman.
"Sure. Tsaka mas okay na to, para makausap ko si Lord every week." sabi ko sakanya. Nangiti naman siya.
"Anong pinagpray mo?" tanong niya.
"Hmm.... Secret." sabi ko nalang. Ayokong sabihin no. Charr. Happiness lang namin ni mommy, tsaka ng mga kaibigan ko.
"Ikaw? Ano?" tanong ko sakanya.
"Panalangin ko?" sabi niya at nagisip pa.
KEVIN
"Panalangin ko?"
Ikaw. Ikaw, Trisha. Ikaw yung panalangin ko. I prayed to God that He will give you strength and compassion to move on from what you have been lost. And lastly, your happiness.
Sana maging masaya ka ng tunay at hindi ka na masaktan, aking panalangin.
RHYLIE
"Bakit ka nandito? Sunday ngayon ah?" tanong ko kay David. Nandito nanaman siya sa dorm ko. Ngayon lang ulit.
"Matutulog." sabi niya at humiga nanaman sa kama ko. Aba? Parang siya na ata ang may dorm dito kesa sa akin?
"Gago ka ba? Wala ka bang sariling bahay?" tanong ko sakanya.
"Wala rin naman akong kasama sa bahay. Ang hirap kaya mag isa." sabi niya. Shoot. Nakakalungkot naman non. Gusto ko siyang tanungin pero hindi na. Hindi rin naman siya nagkekwento. Matagal na kaming magkakilala ni David pero marami pa akong hindi alam sakanya. Siya yung taong gusto niyang kinikeep lang niya mga problema niya sa sarili niya. Naiintindihan naman namin ni Trisha yon. Siya itong palaging nagsasabing nandito lang ako, makikinig pero siya mismo hindi niya alam na nandito lang din naman kami para makinig sakanya.
"Hindi ka ba magtatanong?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sakanya. Magkekwento na kaya siya?
"Hmm?" nakita ko naman siyang nagpipigil ng luha niya kahit hindi siya nakatingin sa akin.
"Mababaw lang naman tong rason kung bakit ako nagkakaganito." sabi niya.
"Kahit na mababaw pa yan, may nararamdaman ka rin naman. Alam kong hindi mo pa kayang sabihin pero always akong nandito para makinig." sabi ko. Ngayon ko lang nakita si David na ganito.
"Rhylie, our house doesn't feel like home anymore." sabi niya. Shit. Alam kong strong na tao to si David pero ngayon ko lang siya nakitang nagbreak down ng ganito. David ... :(
Nagsimula nang pumatak yung mga luha niya. Naiiyak ako tangina. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ang tanging naririnig lang namin ay ang mga ingay na nanggagaling sa labas. Hinintay ko lang siya hanggang sa magsalita siya ulit.
"Palagi nalang wala mga magulang ko. Alam kong nasa trabaho lang naman sila palagi, pero parang nakakalimutan na nilang meron pa silang anak. Gusto ko rin lang naman maging tulad ng dati." sabi niya. Ramdam ko yung sakit na pinagdadaanan niya. Ang bigat pala netong dinadamdam niya, tapos sasabihin lang niya na mababaw?
"I know na hindi dapat ganito ang nararamdaman ko dahil sila naman yung bumubuhay sa akin. Binibigay naman nila lahat sa akin." sabi pa niya.
"Pero gusto mo ng atensyon nila? Yung atensyon na gusto mong iparamdam nila sayo, hindi ba?" sabi ko at tumango rin siya. Lumapit naman ako sakanya. Nakaupo na siya ngayon.
"Alam kong hindi madali, alam kong mabigat, kaya kapag kailangan mo ng makikinig sayo, punta ka lang sa akin. Kahit na may ginagawa pa ako, maglalaan ako ng oras para sayo." sabi ko sakanya. Ako na ang unang yumakap sakanya at niyakap niya ako pabalik.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng comfort dito sa yakap namin. Gumaan ang pakiramdam ko. Dahil ba yakap ko siya? O dahil sa yakap niya?
Isasantabi ko muna tong nararamdaman ko sakanya. Kailangan niya ng kaibigan ngayon.
Nanatili kami sa ganong posisyon. Natigil na rin siyang umiyak.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sakanya. Umiling naman siya. Hays.
"Diyan ka lang magluluto ako." sabi ko sakanya. Tumango naman siya.
Habang nagluluto ako, nanonood lang siya sa cellphone niya habang nakaupo siya. Ngumingiti na ulit siya.
Yan. Mas okay kapag nakangiti ka. Napangiti rin naman ako.
"Oh? Bakit ka nakangiti?" tanong niya sa akin. Sinamaan ko agad siya ng tingin.
Nagfocus nalang ako sa pagluluto at tinalikuran ko siya. Naramdaman ko naman siyang papalapit. Titignan ata niya niluluto ko.
WTF? DAVID??!!
Bigla niya akong... niyakap. Back hug? DAVID?! BAKIT KA GANYAN?!?!
"H-hoy? Anong ginagawa mo?" tanong ko sakanya. SHUTA YUNG PUSO KO ANG BILIS NANAMANG TUMIBOK?!?!
"Hmm. Ano yang niluluto mo?" tanong niya. DAVID?! Pwede bang lumayo ka??!!?! HINDI AKO MAKAPAGLUTO NG MAAYOS DAHIL SAYO EH!!
"A-ah et-eto." sabi ko sakanya. SHET BAT AKO NAUUTAL?! HINDI PARIN SIYA BUMIBITAW! NAKABACK HUG PARIN SIYA SA AKIN!!! MABABALIW NA AKKKOOOOO!!!!
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Bumigat ulit yung pakiramdam ko.. Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon.
Ano nga ba tayo, David? Bakit may paganito ka?
💎
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021