TRISHA MEI
"Trisha, sunduin kita sa sunday. Simba muna tayo bago tayo pumunta sa school." sabi ni Kevin sa akin.
"Okayy." sagot ko nalang. Kakatapos lang ng Christmas party namin sa school kanina.
Umalis na siya agad nung nagpaalam siya. Ako naman, pumasok na sa bahay. Nadatnan ako ni mommy. Nandito pala siya. Magpapaalam na rin ako.
"Mom, may event yung school namin sa sunday. 6 pm po." sabi ko. "Papayagan mo ba ako mom?" tanong ko.
"Oo naman baby. Basta kasama mo si Kevin." sabi niya. Ha...
"Mom, may sasabihin pala ako sayo.." paninimula ko. Unang beses ko palang sasabihin sakanya na may nagkakagusto sa akin.
"Ano yun, baby?"
"Mom, may gusto raw sa akin si Kevin." sabi ko sakanya.
"Alam ko." sabi niya. HA? ALAM NIYA? SAGLIT????
"Mom?"
"Oo baby. Alam ko na gusto ka ni Kevin." sabi niya. TEKA NAGUGULUHAN AKO!!! "Sinabi niya sa akin noon."
"Naglakas loob siyang sabihin sa akin na gusto ka niya, anak. Tinanong ko naman siya kung bakit hindi pa niya sinasabi sayo ay hindi ka pa niya nililigawan. Ang sagot niya, hinihintay niyang maghilom yung puso mo at maging masaya ulit. Hindi ko man alam ang mga nangyari sa iyo, anak. Pero ramdam ko kung malungkot ka o masaya." pagkekwento niya. BAKIT PARANG ANG INIT NITONG MUKHA KO???
"Lagi siyang nagkekwento sa akin kapag hinihintay ka niya kapag nagsisimba kayo. Alam mo ba kung ano yung mga laman ng mga dasal niya palagi?" umiling naman ako. "Ikaw."
Naramdaman kong bumibilis yung tibok ng puso ko. Teka lang naman... Bakit ganito tong puso kooo hdjsjs.
"Napakabait na bata niyan ni Kevin, anak, kaya gusto ko siya para sayo. Pero nasa saiyo ang desisyon, anak." sabi pa niya. HINDI AKO MAKASALITA.
"Halika nga dito." sabi niya. Lumapit naman ako sakanya at niyakap niya ako. "Huwag na huwag niyong papabayaan ang pagaaral niyo ha? Ingatan niyo ang isa't isa at wag kayong magkasakitan."
"Mooom! Wala pa nga eh. Hindi pa nga ako nililigawan eh." sabi ko. Natawa naman siya sa akin.
"Pero mom, i want to fall in love with him." sabi ko. Napangiti naman siya.
"I'm happy for you, anak." sabi pa niya. Ang saya talaga sa feeling ng nasasabi mo sa magulang mo yung mga bagay bagay. Nakakagaan ng pakiramdam.
Pagkatapos naming magkausap ni mommy, pumunta na muna ako sa kwarto ko. Doon ko narealize na iba si Kevin. Iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Yung standards ko tumaas nanaman. Pero yung kanya, sobra sobra pa.
Meaningful silence...
Siya yung taong nasa gilid ko parati. Siya yung taong nakikinig sa akin. Kapag siya ang kasama ko, nakikita ko talaga yung tunay na ako. Hindi ko kailangang magpretend kapag kasama ko siya.
Sakanya ko nakita yung worth ko. Pinahalagahan niya ako gaya ng pagpapahalaga ng mga kaibigan at pamilya ko.
Gabi na at napagdesisyonan kong lumabas. Naalala ko naman yung pinagusapan namin ni Kevin noon.
"The moon is beautiful, isn't it?" niya sa akin. Napatingin naman ako sakanya. Alam ko yung meaning niyan ah?
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021