CHAPTER FORTY THREE

20 16 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Moving up...

Huling araw na nila bilang isang Grade 11. Madaming naging ganap sa isang taon nila bilang magtotropa.



Habang naglalakad si Trisha, nakita niya sina Sam at John.



"Buti nalang wala siya." sa isip isip niya.



"Trishaa!!" sabi nung dalawa nang makita nila si Trisha.



"I miss you guys! Congrats sa atin!" masayang bati ni Trisha sa kanila.


"Congrats din Trisha." sabi nila.


"Hindi ka ba galit sa amin?" sabi ni Sam.



"Sorry ulit, Trisha." sabi naman ni John.



"Guys, wala kayong kasalanan okay? Hinding hindi ako magagalit sainyo. Wala naman kayong ginawa eh." sabi ni Trisha.



"Pero yung kaibigan namin, mag ginawang masama sayo..." sabi ni John. Nakayuko na ito.


"John, Sam, siya yung nagkamali. Hindi kayo, okay? Isa pang sorry niyo, kukutusan ko na kayo. Joke." sabi ni Trisha. Lumiwanag naman ang mukha ng dalawa. Ang inaakala kasi nila, magagalit din si Trisha sa kanila. Pero hindi.


"Sige na, mauna na ako. See you when I see you guys!" pagpapaalam ni Trisha sa kanila.


Bago matapos ang event, hindi inaasahang magkita sina Jun at Trisha.



Nasa isang lugar sila kung saan wala masyadong tao at nagkataong nagkasalubong sila.



Bago sila magkalapit ay nagtitigan muna ang dalawa.



Masakit.


Isang salita lamang para masabi ang nararamdaman ni Trisha.


Hindi na sana papansinin ni Trisha si Jun pero nahawakan ni Jun ang mga kamay ni Trisha. Pilit namang inaalis ni Trisha ang kamay niya.


"Bitawan mo ako." malamig na sabi ni Trisha.


"Trisha, let me apologize sincerely." sabi ni Jun. Hinayaan lang ito ni Trisha.



"Bitawan mo muna ako. Hindi ako gagalaw." sabi niya.


Huminga ng malalim si Jun bago nagsalita.



"First of all Trisha, sorry. Sorry dahil nagawa ko yon. Pero pangako, totoong minahal kita." sabi niya.



Unti unting nadudurog ang puso ni Trisha sa mga naririnig niya.


"Sorry Trisha, mahal ko pa kasi si Wendy." sabi niya.


Wala na bang mas isasakit pa?


"Sorry kung naging gago ako, Trisha. Sorry kung ginawa ko sa iyo yun. Sorry." sabi niya.



"May sasabihin ka pa ba?"



"Trisha, you can hate me all you want. Ibuhos mo lahat sa akin yung galit mo. Hindi ko deserve yung pagmamahal na binibigay mo." sabi niya.


"Jun..." paninimula ni Trisha. "Sa totoo lang? Hindi ko kayang magalit. Nasasaktan lang ako sa fact na minahal mo ako kahit na may mahal ka pa palang iba. Hati pala yung pagmamahal mo eh? Pero buo yung binibigay ko sayo. Walang kahati. Pero ano? Ganito ang nangyari. Dito na tayo nagtatapos. Ah wait- wala palang tatapusin dahil wala namang nasimulan. Haha." sabi ni Trisha. Hindi siya umiyak habang sinasabi niya iyon.


"Sana next time, Jun. Kapag nagmahal ka pa, huwag kang magmahal ng iba habang may mahal ka pa. Kasi hindi mo alam yung hirap sa pagmamahal ng taong may mahal pang iba." sabi ni Trisha sakanya. Wala siyang ipinapakitang emosyon pero ramdam na nasasaktan siya.



"Sorry, Trisha." lamang ang sambit ng isa.


"Tama na kakasorry. Okay lang ako." sabi naman ni Trisha.


"Trisha, aalis na ako dito sa bansa." sabi ni Jun.



"Ganun ba?"


"Oo. Trisha, sana mapatawad mo ako." sabi ni Jun.



"Pinapatawad na kita, Jun. Sa huling pagkakataon, gusto kong sabihin na masaya ako dahil nakilala kita. Salamat sa mga ala ala. Mag-ingat ka ha? Paalam." sabi ni Trisha at pilit na ngumiti. Siya na ang unang umalis.



Lumingon siya at pinanood kung paano lumayo si Jun hanggang sa nawala na siya ng tuluyan sa paningin niya. Doon na siya bumagsak.


Pero may isang taong sumalo sa kanya bago pa siya matumba.



"Kevin.." pagkabigkas niya ng mga pangalan ni Kevin, sunod sunod nang pumatak ang mga luhang kanina pa gustong lumabas..



"Nandito na ako Trisha. Bakit ka umiiyak?"


"Nakausap ko siya, Kevin. Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin." sabi ni Trisha pero tuloy tuloy paring umaagos ang mga luha niya.


"Bakit ba palagi niyang sinisira tong mga masasayang araw?" sabi ni Kevin habang inaalalayan si Trisha.


"Iiyak mo lang Trisha. Hindi kita iiwan dito mag-isa." sabi ni Kevin.


"Salamat ng marami, Kevin. Nakakahiya, palagi nalang akong umiiyak sayo." sabi ni Trisha at pinunasan ang mga luha.


"Hindi yon nakakahiya, Trisha. Kaibigan mo ako. Kahit umiyak ka pa ng magdamag, nandito lang ako para makinig at damayan ka." sabi naman ni Kevin.


"Kaya tama na muna ang kakaiyak, Trisha. Hinahanap na tayo nina mommy mo. Baka nag aalala na sila." sabi ni Kevin at nagsimula na silang maglakad ni Trisha pabalik sa venue.


Nakita naman nila ang kanilang mga kaibigan at magulang.



Ang kaninang malungkot na mukha ni Trisha ay naging masaya na muna.


"Congrats to us!" masayang sabi ni Rhylie. "Group hug!!" sabi niya at nagyakapan silang lahat.



"Hindi pa naman tayo gagraduate, Rhylie. Hahaha." sabi ni Trisha.



"Sana next academic year, tayo parin ang magkakaklase." sabi ni Kelley.



"Sana nga. Baka mashuffle tayo eh." sabi ni Shelley.



Kanya kanya na silang umuwi sa kanila at nagcelebrate. Sina Trisha at ang mommy niya naman, sa isang restaurant na sila nagcelebrate.


"Congratulations again, baby. I'm very proud of you." sabi ng mommy ni Trisha sa kanya.


"Thank you mom. I love you." sabi naman ni Trisha.


Ngayong natapos na sila sa Grade 11, madami man ang naging pagsubok, pero dapat lalaban parin. Marami pang pagsubok ang malalagpasan kaya huwag sumuko.

💎

FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon