CHAPTER FORTY NINE

16 16 0
                                    

TRISHA MEI

"Dani! Tara na!" sabi ko kay Dani dahil tapos na ang klase namin. Magmimeeting kami ngayon dahil sa Battle of the Bands. Malapit nanaman kasi.


"Una na kami, Kel! Ingat ka!" pagpapaalam ko kay Kelley.


"Hi Sam!" bati ko kay sam. Nandito na rin sina Kevin, Justin at Art. Hinihintay nalang namin yung teacher. Kami parin ang magrerepresent sa STEM this year pero sa Grade 12 na. Dumating naman na si sir.


"Next week Friday na ang Battle of The Bands. Akalain niyo yun? Ang bilis ng panahon?" sabi nung teacher na assigned sa band namin. Siya rin nung last year.


"Oo nga sir." sabi naman namin.


"Diba birthday mo na nextweek Kev?" tanong nito kay Kevin. Hala oo nga! Saktong Friday pa!


"Kaya nga sir. Sana manalo ulit tayo haha." sabi naman ni Kevin.


"Sige, magusap usap na kayo sa mga kakantahin niyo." sabi ni Sir at umalis na muna. May pupuntahan daw.


"Ienjoy na natin tong battle of the bands. Huli na rin kasi to eh. College na tayo sa susunod." sabi ni Justin.


Hays. Ang bilis ng panahon... Nakakalungkot man isipin pero ganon talaga.


"Tama." sabi naman namin.


Nagusap usap naman kami para sa mga kakantahin namin.


KINABUKASAN...

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Uy nood kayo mamaya ng practice namin." sabi ni Trisha kina Rhylie at Kelley. Magkakasama silang lahat ngayon maliban kay David. May klase.


"Oo naman." sabi naman ni Rhylie.


"Sabay na tayo mamaya. Hintayin ka nalang namin nina Rhylie." sabi ni Travis kay Kelley.


"Si David nga pala? Kumusta na siya? Hindi ko siya nakakausap these past few days ah?" sabi ni Trisha sa mga kaibigan.


"Busy ata sila." sabi naman ni Kevin.


"Siya lang yung palaging wala sa atin. Nakakapanibago talaga." sabi ni Justin.


"Oo nga eh. Wala akong kasamang tahimik." sabi naman ni Art.


"Tahimik eh palagi nga silang bardagulan ni Rhylie?" pangaasar naman ni Shelley.


"Loh." sabi lang ni Rhylie.


"Di niyo ba pansin? Mula nung hindi na natin nakakasama si David, hindi na rin nagsasalita masyado si Rhylie?" sabi ni Shelley. Tumawa naman si Travis.


"Pinagsasabi mo ha Shel? Pagod lang ako hahaha." sabi ni Rhylie. Natatawa pa rin si Travis. Siya rin lang kasi ang may alam ng nangyayari kay Rhylie.


"Yan na pala si David oh. Napaaga ata sila." sabi ni Justin. Kakatapos lang nila kumain pero sina David, kakain palang.


Hindi napansin ni David na nakikita siya ng mga kaibigan niya. Nakikipagtawanan lang siya kina Ash.


"Nakakainis talaga si sir!! Bat ako ang ginawang leader sa PE!!" sabi ni Luna.


"Dancerist!" biro naman ni David.


"Hahahaha. Patingin nga ng sayaw!" sabi ni Ash. Nagtawanan naman ang tatlong lalaki.


"Hoy binubully niyo si Luna!" sabi ni Belle.


FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon