CHAPTER FORTY

19 15 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Kevin." paninimula ni Trisha. Tinignan naman nito ni Kevin.


"Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?" tanong ni Trisha. Natawa naman siya sa sarili niya. Napailing naman si Kevin.



"Maganda ka Trisha. Hindi ka kapalit-palit. Hindi ka dapat iniiwan." sagot naman ni Kevin.



"Pero bakit hindi parin ako sapat?" natahimik naman silang dalawa.


"Akala ko yun na eh. Nagugustuhan ko na ng tuluyan si Jun pero biglang ganito?" pagkekwento niya.


"Narinig ko siyang may kausap kanina. Kung hindi ako nagkakamali, babae yong kausap niya kanina. Sinabi niyang mahal pa niya yung kausap niya. Naging rebound lang pala ako?" naiiyak nanaman siya.



"Sa ilang buwan na yon, nasaan ako? Nasaan ako sa puso niya?" That hit them hard. Walang assurance kung ano ba talaga ang relationship nilang dalawa. Walang label pero gusto ang isa't isa.


"Mahal niya ba ako? Oh wait. Minahal niya ba talaga ako?" sabi pa ni Trisha at itinawa niya nalang. Ramdam naman sa tawa niya na nasasaktan siya.


Nakinig lang si Kevin sa mga sinasabi ni Trisha.



"Hindi mo siya deserve, Trisha." sabi nito.



"Ang tanong, deserve ko bang mahalin?" tanong ni Trisha.


"Kasi kung deserve ko, bakit ako iniiwan?" natahimik sila.



"Trisha, you deserve the world. Nandito parin kaming nagmamahal sayo. Nanjan si mommy mo, nandito ako, kami, mga kaibigan mo." sabi ni Kevin.


"Kung nagdadoubt ka sa sarili mo, alalahanin mong nandito parin kami para sayo. Kami ang magpapaalala sayo na mahalaga ka." sabi ni Kevin.


"Salamat, Kevin." sabi ni Trisha.



"Tara na sa loob? Hinahanap ka na rin nila Rhylie. Nagaalala na sila sayo." sabi ni Kevin kay Trisha. Binigay naman ni Kevin ang kamay niya para hawakan to ni Trisha at tumayo. Hindi niya to binitawan hanggang sa nakabalik sila sa loob.



Niyakap ni Rhylie si Trisha agad nung makita niya ito.



Walang nagsalita sa kanilang lahat. Pati na rin sina Sam at John, walang masabi. Tumayo naman si David at nilapitan sina Rhylie at Trisha na magkayakap. Niyakap niya ang dalawa. Wala paring nagsasalita sakanila. Pati sina Art hindi nila alam ang gagawin.


Natapos ang event at nagkakausap na sila.



"Trisha, want us to come over?" sabi ni Rhylie. Tumango lang si Trisha.



"Kami na ni Rhylie ang maguuwi kay Trisha." sabi ni David.



"Hatid ko nalang kayo." sabi ni Kevin. Tumango naman sila.



"Trisha, nandito lang kami okay? If kailangan mo ng kausap, makikinig kami." sabi ni Art.


Niyakap naman nina Kelley at Shelley si Trisha. "Thank you girls."


Bago umuwi sina Trisha, nilapitan nila Sam at John ito.



"Trisha.." panimula ni Sam nung nakalapit sila.



"Uy! Sam! John. Uwi na rin ba kayo?" sabi ni Trisha at pilit na ngumiti.


"Trisha, I don't know what happened pero i'm sorry." sabi ni John.


"Uy, wag ka mag sorry. Wala ka namang kasalanan eh." sabi ni Trisha.



"Still, sorry Trisha.." sabi rin ni Sam.



"Ano ba kayo, okay lang. Tsaka umuwi na kayo, late na oh." sabi ni Trisha. Tumango lang ang dalawa.



Nasa kotse na sila nina Kevin. Walang umiimik sa kanilang apat hanggang sa naihatid na sila sa bahay nina Trisha.


"Thank you, Kevin. Mag ingat ka pauwi." sabi ni Trisha. Ngumiti naman si Kevin pabalik.


Sinalubong naman sila ng mommy ni Trisha nung nakapasok na sila sa bahay nila.



"Hello tita. Dito muna kami ngayon hehe." sabi ni Rhylie.



"Sure baby. Pagod ata kayo eh. Pahinga na kayo." sabi nung mommy ni Rhylie.



Umakyat na sina Trisha at Rhylie pero si David, nahuling tumaas. Kinausap naman ito ng mommy ni Trisha.



"David. Pwede bang magtanong?" tanong niya.



"Sige tita. Ano po yon?"



"May nangyari ba? Bakit mugto ang mga mata ni Trisha?" tanong niya kay David.



"Umiyak po siya kanina Tita. Pero hindi po namin alam ang nangyari." sagot ni David.



"Ganun ba? Hindi rin siya nag oopen up sa akin ngayon eh. Tsaka wala na rin ang daddy ni Rhylie." sabi niya. Nagulat naman si David.


"Po?"



"Hindi ba sinabi sa inyo ni Trisha? Umalis ang daddy niya dito. Matagal na." pagkekwento ng mommy ni Rhylie.



"Sorry tita. Hindi po namin alam. Hindi rin kasi nagsasabi si Rhylie sa amin eh. Sinasarili niya kasi minsan yung problema niya." sabi ni David.



"Pasensya na kayo ha, David. Intindihin niyo nalang siya." sabi niya.



"Opo tita. Nandito lang naman po kami para kay Trisha." sabi ni David.



"Salamat, anak. Oh siya, sumunod ka na sa taas." kaya nagpunta na rin si David sa kwarto ni Trisha.


Nadatnan naman niya itong nagiiyakan.


"Loh? Anyare na sainyo? Di niyo man lang ako inintay?" sabi ni David. Natawa naman ang dalawa sa sinabi nito. Medyo gumaan narin ang pakiramdam ni Trisha.


Ikwinento lahat ni Trisha ang mga nangyari.



"Ang gago naman talaga." sabi ni Rhylie.



"Makita ko talaga yon, susuntukin ko." sabi ni David.



"Sira wag na. Madamay pa kayo eh." sabi ni Trisha.



"Wag na wag mo nang lalapitan yon ha?!" sabi ni Rhylie.


"Oo naman." sabi naman ni Trisha.


"Trisha. May hindi ka sinasabi sa amin." sabi ni David.


"Ha? Ano?" takang tanong ni Trisha.


"Yung tungkol sa daddy mo..." sabi ni David. Napayuko naman si Trisha.



"Sorry, hindi ko sinabi sainyo." paninimula niya. "Iniwan na kami ni Daddy last year. Sumama na siya sa mistress niya." naiiyak nanaman na sabi ni Trisha.


"Trisha..." naiiyak rin si Rhylie.


"Ayokong sabihin sainyo dahil ayokong dumagdag sa mga sariling problema niyo." sabi niya.


"Para ka namang others, Trisha. Para saan pa at naging kaibigan mo kami? Makikinig kami sayo parati trisha. Nandito lang kami." sabi ni David.


Niyakap naman ni David ang dalawa.



"Simula ngayon, wala nang lalapit sainyong lalaki." sabi niya. "Walang nang taong sasaktan kayo." sabi niya. Yumakap naman pabalik ang dalawa. "Mahal ko kayo."


"Ang cheesy mo david haha. Pero mahal ko kayo too." sabi ni Rhylie.


"Ang conyo amp. Mahal ko kayang dalawaaaa." sabi ni Trisha.


Malas man sa pag-ibig. Swerte naman sa kaibigan.

💎

FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon