Date: 03/11/2015
Penname: FreeWordsToSay
1. Introduce/describe yourself…
- Matangkad ako, 5’5” matangkad ba yon?LOL. Mukha akong masunget at suplada kase tahimik lang ako sa isang sulok kapagka di ko kilala mga tao sa paligid ko pero kapagka nakilala ko sila maingay na ako, alam ng ibang LIB writers yan :D mukha din akong maarte well, medyo lang pero sa tingin ko nasa lugar naman. Sa pagkain lang ako masehan madali kasi ako magkasakit. Ano pa ba? Ah! Madaldal ako! Sobra kaya siguro ako mahilig magsulat. Mahiyain din ako sa umpisa pero makapal ang pagmimukha ko promise! Mabait naman ako oo mabait talaga ako. Tapos wag na kayong mag imagine kung maganda ako sa totoo lang pangit ako .. LOL.
2. When did you start writing?
- Elementary palang ako nagsusulat na ako writer ako non sa school publication namin may award pa nga ako nun e, Outstanding Little Dragon Staff-Writer. Biruin niyo yon? Nagka-award pa ako. Tapos sinali din ako non sa isang inter-school competition, natalo ako nun kase di ako nakapag-concentrate kase ang lamig sakin nakaharap ang aircon tapos umuulan pa o di ba? Nanginginig ako nun hindi sa kaba kundi sa lamig. Hahaha!! Tapos may naalala ako nung highschool sumali ako sa isang writing contest tapos lumipad yung papel ko sa bintana tas di na ako nagpass dahil sakin natalo kami! Nakakahiya yun pero okay lang. HAHAHA! Hanggang ngayon college na ako nagsusulat parin ako, pero di ako kasali sa school publication. Kilalang school kasi kaya takot akong sumubok baka wala nanaman.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- FreeWordsToSay. Di ko alam. De joke! Nag-re-revise ako nun tapos naisipan kong magpalit ng PN kasi nga walang nag-fa-follow kaya naisip ko si wattpad na free online books kaya nakuha ko yung FREE tapos naisip ko ano yung mga libre di ba yung mga salita na shinare ng writer? Kaya WORDS then SAY, Katunog niya ang nickname ko sa motherside ko which is Sey, kaya FREEWORDSTOSAY. Bow!
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- July 31, 2014 around 7pm. It’s our welcome freshman yata, basta may event kami non sa school. Tapos lowbat na phone ko 1% nalang then rereplyan ko na sana si ma’am Agnes biglang namatay kaya aligaga ako nun umuwi pero bawal pa. Tapos pag-uwi ko agad ko hinanap ang charger at i-on ang phone ko at nireplyan si Ms Agnes. “Totoo po? Aling story po?” hindi ako makapaniwala non. Kasi ang dumi ng manuscript ko kasi hindi ako nag-final editing. Binasa ko nalang siya ng mapasa ko na. Tapos sabi niya “Oo approve na” sabi ko “Ano po title? Unexpected Romance po ba?” mangiyak ngiyak nako non na tumatawa. Guys baliw ako! Tapos reply niya “Si Kathleen Camille Sanchez ba to?” akala siguro niya na wrong send siya. “opo.” tapos tinanong ko po kung totoo basta ang kulit kulit ko nun. Yung reaksyon ko umiiyak na tatawa tapos patalon talon sa kama. Nakakabaliw guys promise!
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Ako lang. Inspirasyon ang mga writers, kase para sa akin kung kaya nila kaya ko din o siguro nasanay na akong magsulat? Pero frustrated parin hanggang ngayon. Si mama nagsusulat din kasi kaya sa tingin ko siya ang naka-influence talaga sakin.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- BRIEFLY? Nakikinig ako kanta tapos nagmumukmok ako sa sulok. Kung nasa bahay ako pero kung nasa school, kapagka boring ang discussion ilalabas ko na nun ang hardbound kong notebook tsaka na gagawa ng sariling libro. Basta gusto ko pag nagsusulat ako tahimik para bang ako lang ang tao sa mundo? Sarap kaya mag-imagine ng kung ano anong bagay.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Marami akong naranasan na ganito. Lalo na nung soon to be pub. Na ang story, sinasabihan nilang basura, walang kwenta. Oo aaminin ko naapektohan ako sensitive kasi akong tao, konting bagay lang iniiyakan ko. Umiyak ako non .. Pero sabi ng mga co-LIB ko gawin ko daw silang inspirasyon pero di ko alam. Hanggang ngayon kapagka nakakakita ako ng ganon umiiyak parin ako di ko maiwasan dahil ganon talaga ako.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Beauty Queen! Siyempre maging CPA kaya nga Accountancy course ko e, pero gusto ko maging Beauty Queen mahilig ako sa mga pageants pero di ako maganda, sumasali akong pageants since 8 years old ako hanggang ngayong 17 na ako dahil dream ko talaga yon.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Marami akong favorite pero hindi ko naisip yon, kase naniniwala ako kay destiny. Kung destined yon sayo ibibigay sayo ni God pero kung hindi alam ko may mas nakakagandang bagay na ibibigay sayo si God. Magtiwala ka lang at Maghintay sa panahon mo.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Si sir Jun! Mahilig akong magbasa ng kwentong bata lahat ng sinulat niya nabasa ko na. Siya talaga ang pinaka hinahangaan ko kaya siguro napadpad ako sa LIB kase hinahangaan ko siya sa pagsusulat lalo na si MOYMOY ay naku!
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- wala kung ano lang maisip ko, minsan nagtatanong ako sa mga kaibigan ko kaklase ko ganun. Minsan sa kanta.
13. Titles of your published and to be published book…
- Unexpected Romance (to be published)
12. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Wala naman talagang connect si wattpad dun e, kase sa huli nasa sayo parin kung ibibigay mo ang kaluluwa mo. Bakit si Wattpad ba ang mayhawak non? Di ba ikaw? Look for the brighter side of Wattpad the stories na nababasa mo. Hindi porque ganito ang ginawa ng character na yon ay gagawin mo, isipin mo nalang iba iba ang mga magulang, halimbawa sa istoryang yon natanggap ng magulang ng character wag mo itulad sa magulang mo iba iba yan. Kaya sana wag sisihin si Wattpad kase ikaw parin ang may hawak ng buhay mo. Mapupunta ka rin sa pagkakaroon ng anak.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Gusto kong mag erotic na alam kong hindi ko kaya. Hirap ako sa mga romantic scenes. SOBRA!!
Payo mo sa mga aspiring writers?
- Be YOUSELF! Hintayin mo ang panahon na ikaw naman wag magmadali. At kapagka nakuha mo na ang gusto mo, KEEP YOUR FEET ON THE GROUND BE HUMBLE. Yun ang pinaka importante.
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^