Date: March 11, 2015
Penname: Empress_Cath
1. Introduce/describe yourself…
- I’m Cathryn, 19 years old. Maingay po ako both personal at sa social medias. Isa po akong Certified KPOPPER, official member ng BlackjackPH (Fandom ng 2ne1). Mahilig akong sumayaw at gumuhit. Kalahating DYOSA, kalatahing BITTER. Hindi ako naniniwala sa happy ending at forever pero ganon pa man, naniniwala pa rin naman ako sa LOVE at DESTINY.
2. When did you start writing?
- Nagsimula akong magsulat ng mga kwento nang high school palang ako. Nagsimula akong maging online writer noong 2011 sa AFF, lumipat lang ako sa Wattpad noong 2012.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Nang magsimula akong magsulat online, CATHERINA talaga ang penname ko. Adik kasi ako sa Walang Hanggan noon. Haha! Nang matapos ang walang hanggan, naisip kong palitan. Una kong naisip ang Queen Cath kasi reyna-reynahan ako rati pero naisip ko no’n na parang hindi bagay iyong queen kaya naghanap ako ng synonyms niya at doon ko nakita ang empress. Iyon ang dahilan kung bakit nabuo ang Empress_Cath.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Madaling-araw ng ika-19 ng Pebrero taong 2014 ko na nabasa ang magandang balita. Halos mahalikan ko na iyong screen ng laptop ko sa sobrang pagkagulat. Pero syempre hindi ko iyon pinaniwalaan kaagad kasi sa Wattpad ako m-in-essage. Akala ko baka trip-trip lang kasi hindi iyon iyong unang beses kong makatanggap. May nanloko na rin kasi sa akin dati pa. Nang makita ko iyong contact number sa baba ng pangalan ni Ma’am Agnes, t-in-ext ko siya, nag-email din ako sa kanila. Gabi na ng Feb. 20 ko nakumpirma na totoo ang message na iyon. At oo, masaya talaga! Hindi ko ito pinangarap pero masaya ako na dumating ang biyayang ito sa akin. Iba iyong feeling.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Nagtulak? Siguro iyong adviser namin sa School Pub noong high school. Sports Writer lang ako rati pero kinumbinsi niya akong magsulat ng Feature Stories at Literary. Iyon ang naging dahilan kung bakit nawili na ako sa pagsusulat ng mga kwento.
- Inspirasyon ko naman iyong mga idol ko siyempre. Si @MarieDelle ang naging inspirasyon ko noong writer palang ako ng AFF. Siya ang una kong naging close sa AFF. At sa Wattpad naman, si @Alesana_Marie at @ForgottenGlimmer ang naging inspirasyon ko. Gusto kong maging katulad nila kaya hinuhusayan ko pa.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Wala masiyado. Kapag meron akong maisip, type kaagad. Wala akong plot na sinusunod. Sulat lang ng sulat at post kahit na hindi binasa uli at in-edit. Tsaka lang ako mag-e-edit kapag tapos ko na ang istorya.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Tinatanggap ko ang mga negative feedback o comments. Isang way rin kasi iyon para ma-motivate ako. Pero siyempre Dyosa lang ako at nasasaktan din kaya bago ko tanggapin ang mga negative comments na iyon, minumura ko muna kung sino man ang kasama ko at kung wala naman akong kasama, sarili ko nalang minumura ko. Ayoko kasing matawag na masungit o suplada kaya minsan kinikimkim ko nalang kahit na gustong-gusto kong awayin iyong nagcomment. Sa huli, sinasabi ko nalang na AKO ANG WRITER kaya ako ang masusunod sa kwentong isinulat ko.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Una, hindi ko pangarap ang maging writer. Masakit man ay alam kong iiwan ko rin ito. Ang pangarap ko talaga ay maging POLITICIAN. Gusto kong maglingkod sa mga tao sa pamamagitan ng pagiging Politiko. Ito iyong gusto kong maging ako sa future. Pero hindi ko balak maging president ng Pilipinas, hanggang CONGRESSWOMAN lang. Haha!
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Montello High. Hindi ko naman naisip na sana ako nalang iyong nagsulat no’n pero naisip ko na sana ganoon din ang pagkakasulat ng mga likha ko. Sobrang ganda at iba… kakaiba.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
-Ate Glimmer, dahil sa kanya nag-stay ako sa wattpad at hindi na bumalik sa AFF. Dahil sa SM, nagkapag-simula ako ng kwento. Hinahangaan ko rin sila @Alesana_Marie, @SiMarcoJoseAko, @YGDARA, @NayinK, sila lang iyong mga writer na sobrang nag-udyok sa akin na magsulat pa.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Experience ko at nang mga kaibigan ko.
12. Titles of your published and to be published book…
- My Prince is a Celebrity Book 1 of 2 – Published
- My Prince is a Celebrity Book 2 of 2 - TBP
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Seriously, may gano’n? Haha! Kung dahil sa wattpad ay marami ng nabubuntis o nag-aasawa ng maaga, baka buntis na rin sana ako o may asawa na. Sa mga nagsasabi no’n, mukha silang tanga! (Excuse me) Maraming pwedeng sisihin sa early marriage at pregnancy at huwag na huwag sisihin ang wattpad. Sisihin ang sarili kasi hindi pinigilan ang sarili.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Pangarap ko na ito noon pa, FANTASY at HORROR. Gusto kong magsulat ng Fantasy at Horror story. Nag-try na ako rati pa pero ang kinalabasan ay basura. Ewan ko ba! Walang effect sa akin. Kaya kung mabibigyan ako ng chance, siguro chance muna na matuto para kapag magaling na ako, magsusulat na ako.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Mag-sulat lang ng mag-sulat. Mahahasa rin kayo. Magbasa rin para makakuha ng mga writing techniques. Huwag na huwag kayong manggaya ng kwento ng iba. Masama ang mag-plagiarize. Hindi masamang mangarap pero sana kapag nagsulat kayo, isipin niyo lang na nagsusulat kayo kasi gusto niyong maibahagi ang mga kwentong likha niyo at hindi iyong nagsusulat lang kayo dahil gusto niyong maging libro ito. Kung hindi naman fulltime writer, unahin ang mga dapat unahin bago ang pagsusulat.

BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^