ShaniahMystiqueBlue (March 14, 2015)

180 6 1
                                    

 

Date: March 14, 2015

Penname: ShaniahMystiqueBlue

1.      Introduce/describe yourself…

I’m ShaniahMystiqueBlue. Writer. Dreamer. Believer. I live in dreams and travel in books. I don’t write love stories, I write stories about love.

-

2.      When did you start writing?

-          Elementary days, around grade two siguro. I started with poems and child fiction, usually flash fictions. Madalas kasi akong mag-isa, and I ended up daydreaming and talking to my stuffed toys, these things basically started my love for writing.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-Shaniah. Pangalan ito ng isa sa mga karakter na sinulat ko noong high school, around 2007, I think. I found it cute kaya inangkin ko na.

-Mystique. Mula ito sa pamagat ng isang libro na hiniram ko pa sa best friend ko.

-Blue. Obviously, ito ay favorite color ko, sa sobrang pagmamahal ko nga raw sa kulay blue ay ginawa ko pang apelyido.

Napakarami ko ng naging pennames. Iba ‘yung penname ko kapag English na story, iba sa tagalog, iba kapag tula at flash fictions, pero itong ShaniahMystiqueBlue, ito talaga ‘yung tumagal.

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-It felt surreal when I received an email that they wanted to publish my story. Ilang beses ko nga yatang tinanong si Ms. A kung totoo talaga na napili ‘yung kuwento ko.

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-I used to be a loner, I still am, sarili ko ang madalas kong kasama while growing up, iyon siguro ang nagtulak sa akin na magsulat, gaya nga ng sabi ko kanina, ginawa kong mga characters ‘yung mga laruan ko until na develop na ‘yung hilig ko sa pagsusulat.

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-Nocturnal ako, basically, madalas kapag malalim na ang gabi ako nagsusulat like most writers. There are just few things that I need— music, coffee and silence.

When writing about sensitive topics, I read a lot and watch a lot. Maraming researches, nagbabasa ako ng testimonials, theories, nanonood ako ng documentaries, mga ganoon.

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-Wala pa naman akong nakukuhang negative comment sa stories ko na below the belt. Ako kasi iyong tipo na sobrang open sa constructive criticisms, so if negative ‘yung comment but constructive magpapasalamat pa ako.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-Pangarap kong makarating sa Mt. Olympus at maging isang ganap na Diyosa. Char!

Gusto kong maging part ng professional theater production (and films)

9.      Meron ka bang paboritong libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Ang dami kong librong gusto pero wala akong maisip na sana ako na lang ang sumulat niyon.

Pero kung kailangan ko talagang sagutin ang tanong na ito, sige, iyong Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang by Sir Jun Matias, for years, I have wanted to read and write a story that features the rich culture of our country and our mythology, actually may nasimulan na ako noon pa, few years ago kaso hindi ko rin natuloy dahil naging busy sa college.

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-          Sir Ricky Lee and Bob Ong, I love their fearlessness in delivering sensible and socially relevant issues and information through the use of fiction. Mapapatawa ka nila at mapaparamdam ng sari-saring emosiyon. But at the end of the story you’ll realize it isn’t just about the plot, the flow, the story but the fine line from fiction to reality.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          I get ideas from random things. From a name, a place, a word, a song. There were times that I could come up with a title and everything goes swiftly, or I could come up with a name of a character.

12.  Titles of your published and to be published book…

Published: Just Believe

Soon to be published:

      Silenced By A Kiss

      Unreachable Star

      My Miss Blue Rose

      Catching A Falling Star

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-Kailan pa nagkaroon ng reproductive organ ang wattpad?

Well, people are people, they always want something to blame for the mishaps no matter how absurd the whole idea is.

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-Writing humor story is really out of my league. Siguro darating ‘yong time na makakasulat din ako ng humor na mapaninindigan ko. Usually kasi, sisimulan ko siya ng humor pero biglang pumipihit sa drama.

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-Just Believe. Huwag na huwag mong isusuko ang pagsusulat dahil lamang sa mga sinasabi ng iba. Dahil ang pakiramdam mo ay wala kang patutunguhan. Alalahanin mo, gaano man kabagal ang iyong takbo, makakarating at makakarating ka rin. Patuloy lamang sa paghakbang. Patuloy lamang sa paglilimbag ng damdamin gamit ang mga titik at panulat. Huwag basta titigil. Ilabas mo ang laman ng utak at puso mo, huwag mong ikulong ang isang ibon na may kakayahang lumipad.

Malay mo, isang araw ay magising ka na lang na narating mo na pala ang gusto mong marating nang hindi mo namamalayan.

At kapag naroon ka na sa posisyong gusto mo, huwag mong kalilimutan kung paano ka nagsimula.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon