WalangMagawa1210 (March 12, 2015)

330 18 0
                                    

INTERVIEW WITH THE LIB WRITER

Date: 3-12-15

Penname: Walang Magawa 1210

1.      Introduce/describe yourself…

Hmmm... paano bang introduction ang gagawin ko dito. Informal naman tayo diba? You can call me Ate Liz, since I know na matanda akong lahat sa inyo (hindi lang masyadong halata dahil batang isip ako.heheheh). I’m a certified bookworm. My idea of having a great time is spending the whole day in a quiet place and read my heart out. I’m not a very sociable person but I’m an active FB member.

2.      When did you start writing?

2 years ago? Late bloomer ako, or I just didn’t know that I had it in me.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

My pen name is the exact opposite of my lifestyle. It was one of the rare moments na wala akong magawa noong gumawa ako ng account sa wattpad. Since taken na yung first choice ko na penname, wala na akong ibang maisip kundi ‘walang magawa’. So I used it, unfortunately, hindi ko na nabago. Pinanindigan ko na lang.

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

Hindi ako aware sa mga publishing houses noon. Wala din naman akong balak na ipa-publish ang mga works ko, since libangan ko lang naman ang magsulat. And I don’t think that I was good enough for that. Puro ka-ek-ekan lang naman kasi mga sinusulat ko. Kung ano lang ang pumasok sa isip ko, diretso na sa watty. So when Ms. Agnes sent me a message, I was a bit suspicious. Pero noong nakita ko na legit, natuwa ako kasi may gustong mag-publish ng story ko!

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

Wala lang, I kept it a secret nga e. Walang ibang nakakaalam na nagsusulat ako noon. Nahihiya ako e.. hahahahaha! Inspiration? Marami. Of course my family. The books that I read, Movies, songs... etc etc.

 

 

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

Wala e. Basta may maisip,, sinusulat.. kapag walang maisip,, hindi magsusulat. Ganon lang.

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

I take it constructively. Sabi ko nga, baguhan lang ako. Wala akong alam sa mundo ng pagsusulat and I intend to learn. Nandito na rin naman kasi ako, kaya panindigan na. So whenever I see negative comments, tinitignan ko kung may point sila o wala. Kapag may pinatutunguhan, I try to learn from it. We need those things dahil doon tayo matututo. Especially me. I’m not a born writer.

Kapag naman naninira lang, I ignore them. Walang patutunguhan kapag pinapatulan ang mga ganon.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

Pangarap? Hehehehe... Maging superhero! Hahahahahaha! Jowks...

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

Madami! Like “left behind” seried, “legend”series, “red queen” etc etc. Ang gagaling nilang magsulat and ang wild ng immagination. I want my future stories to be like that, yung hindi lang sa romance nakafocus ang takbo ng story.

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

Martha cecilia, Sonia Francesca. Wish ko lang talagang maimpluwensya nila ako, ang galing kasi nila.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

Depende, sa movies, sa books, sa anime.. hehehehe... kahit saan, basta may tumama sa puso ko at tumakbo ang utak ko.. iyon na yon!

 

12.  Titles of your published and to be published book…

I love you kuya – published

Finding Mr. Wrong – TBP

Falcon university season 1 – TBP

The air I breathe - TBP

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

 

Dahil ba sa wattpad lang yon? I think that it’s the influence of the media as a whole.

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

Action/Fantasy/ Romance with a touch of comedy.

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

Keep on reading. You’ll learn from it.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon