hindi ko alam kung sino ang ita-tag sa sarili kong interview sa sarili ko. gulo. tanong ko, sagot ko. self-selling lang. thank you.
(Basta tatlo lang naman ang namimilit sa akin na sumagot sa sarili kong tanong. si freakmetadzy, chris yui, at elitesigmabee.) Salamat sa pamimilit. ahahaha.
heto na...
Date: 3/13/15
Penname: Rill Heart
1. Introduce/describe yourself…
- Ito ang mga tanong na gustung-gusto ko sa lahat. Bakit? dahil malayo akong makakapagyabang. Mehe. Three words lang sapat na. Opinionated. Wallflower. At cute. Sa totoo lang, ayoko ng cute, kasi, medyo matanda lang yon sa tuta. K.
2. When did you start writing?
- Di ko alam eksakto kung anong year yon, pero sa pagkakatanda ko. Nagsusulat na ako di pa man ako nag-aaral. Grade 5 ako nang magsabi ang teacher ko ng: “Magaganda ang mga sentence construction ni Rill.” Pagkatapos ay ibinigay na niya sa amin ang ¼ sheet of paper, quiz namin ng nakaraan. 5 items yon. akala ko perfect, di pala. Paasa! 4 lang! di ko makakalimutan yon dahil naging paborito ko noon ang history. Bakit? namemorya ko na yata ang libro—exag lang, chosss—sa pagpapakopya nya sa amin. From page 5 to the end. Di ko alam kung anong trip nya noon. Basta pinapakopya nya kami ng galing sa libro kahit tig-iisa naman kami. Alam ko nang may sapi sya, di ko lang maaamin noon. Ngayon lang.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Pa-iba-iba ako noon ng codename. Na naging penname kalaunan. “rill” lang naman dapat. Kaso naisip kong ang dull kung “rill” lang. apat na letra, 1 syllable. Walang impact sa tao. (makapal ang mukha ng writer!) maraming word ang ikinabit ko sa “rill.” Di ako makuntento. Di ako mapakali. Pabiling-biling ako sa higaan palagi. Alam kong may saltik din ako (pero minsan lang)
- Naalala ko na paborito ko pala si Jessica Soho. Yes! Si Jessica Soho. Palagi akong nanonood ng show nya every Sunday. Walang palya. (wag mo na lang itatanong kung hanggang ngayon ay nanonood pa ako. dahil sasagutin kita ng: ‘hindi na.’) ayun, ikinabit ko na si Jessica Soho sa penname ko. Naging apelyido. Naisip ko rin ang crush kong si Heart Yngrid ng PHR. Maganda sya. Hihihi. Kaya, sige, sya rin ang isa sa inspiration ko sa “heart.” I heart you <3.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Gusto ko sana tumalon sa tuwa. Gusto kong manadyak sa pagkabigla. Gusto kong magwala. Pero… tinatamad ako non. Pramis! Wala kaming internet ng tatlong araw noon. It was October 15 to 17. 18 na ako nakapagbukas ng fb. Dalawa ang evaluation ko noon. Pero ang isa lang ang inaabangan ko. Ang isa, hindi. Ang kaso, returned ang paborito kong istorya. Ano pa ang aasahan ko? Di nga pumasa ang paborito ko, ang hindi pa kaya? Hindi sa wala akong tiwala, pero… ganoon nga. Hihihi. Bukas ng notifs. Reply-reply sa mga comment. Accept ng mga frs. Bukas ng inbox. october 16 pa ang msg. May message si mam agnes. Una kong nabasa ang “approved.” binuksan ko. –Approved na ang story mong The Fake Proposal—Ngumiti ako. siyempre dapat chill lang. 4 years kong hinintay ang pagkakataon na yon, tapos chill lang ako. oo, may problema ako. sorry na. tapos, shrug lang. chill. “guys!” sigaw ko. “ano?!” sigaw ng kaibigan ko. “naiiyak ako,” sabi ko. Kahit hindi. “approved na raw ang story ko!” wala ka nang mababasang kasunod nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/34636280-288-k973953.jpg)
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
De TodoKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^