Date: March 11, 2015
Penname: C.C.
1. Introduce/describe yourself…
- I’m C.C. and I’m nice and innocent. (hahahaha)
2. When did you start writing?
- Nuong high school ako pero dahil napakatamad ko, hindi ko naman natapos. And then I started writing again after ko mag-graduate sa college. Hayon, nakatapos din at salamat sa diyos, na-publish sya.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- I love the anine CODE GEASS. ‘Yong name doon ng bida na girl ay C.C. Yong may kulay green na buhok. Ang cool niya.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- LIB e-mailed me after typhoon Yolanda. At dahil walang ilaw dito sa amin, kailangan ko pang i-charge ang lappy ko para mabasa ang mga emails ng LIB. Saka hindi ako naniwala nuong una. Haha. Tapos nung nabayaran ako, sabi ko, ay totoo pala. Akala ko kasi joke lang. And when my book got published, naiyak ako. Haha. Teary eyed.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Si Ms. Sonia Francesca at Marian Reign.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Aayusin ko muna ang font style at font size tapos magsusulat na ako. Hahaha
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Masakit na makabasa ng negative comments pero hindi naman maiiwasan ‘yon e. Kapag may ganoon, binabalewala ko nalang kasi ako lang ‘yong masasaktan kung papatulan ko pa. Ang ginagawa ko, nagta-thank you nalang ako.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- To be a Fashion designer
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Yes. Heartless Romantic by Marian Reign. Nasa story na ito ang lahat ng hinahanap ko as a reader. Basta. No comment kasi speechless ako sa book na ‘to ni M.R.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Sonia Francesca. Na impluwensiyahan niya ako sa genre na romcom. Ang gaganda ng mga gawa niya. Same as Marian Reign. Magaling ang dalawang ‘to para sa akin. Super wow ang mga gawa.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Wala akong inspirasyon. Haha. Basta naiisip ko nalang. ‘yon.
12. Titles of your published and to be published book…
- Published: Falling for Mr. Man Whore and Forbidden Romance
To be published:
- Falling for Mr. Stranger
- Falling for Marlon Aiken
- Falling for Mr. Flirt
- Falling for Mr. Bouncer
- Falling for Ms. Model
- Falling for Shannon (Field Romance),
- ACU SERIES 1: Blue Valen book 1 and 2,
- ACU SERIES 2: Sky Valen, Mr. Whatever.
- To be published under RED ROOM: One night with my boss
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Ang kalandian, hindi dapat naninisi ng iba. Kasalanan mo ‘yon kasi ibinuka mo.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
-I already did. From romcom to erotic-romance.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Sulat lang ng sulat. Kaya niyo yan. Aja!
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
De TodoKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^