Date: 03/11/2015
Penname: Hopelessloner
1. Introduce/describe yourself…
- Sooo, my penname is Hopelessloner. Lorren Dominguez in real life. I’m 17 young, 2nd year college at TSU taking up Bachelor of Arts in English. Isa akong babae, lol. Pasensya naman, minsan kasi akala nila lalaki ako dahil sa pangalan ko lalo na kapag di pa nila ako nakita. Haha. Ano ba ba? Hm, college na ako pero kinulang sa height. Nananawagan po ako baka may gustong magdonate. Chos. Birthday ko ay sa September 14 pa. Debut ko ‘yon, oo invited kayo hanapin niyo nalang ako sa Tarlac. Haha. Puro biro anyway, introvert ako. Halata naman sa penname. Hindi ako palalabas, mas gusto ko pang humiga habang nagbabasa kesa maglakwatsa. Tahimik. Hindi ako pala-imik kapag ‘di ko close pero madaldal din naman ako. May takot sa Diyos. Mahal ko magulang at mga kapatid ko. ‘Yong tipong ayaw ko ng tumanda at forever nalang kaming magkakasama. Kaso, wala palang forever. Ge.
2. When did you start writing?
- Third year high school, sa notebook pa no’n. Nakagawa ako ng sobrang cliche’ na story as in tapos mga kaibigan at crush ko characters. Haha. Tapos huminto na no’ng fourth year sa kadahilanang mas gusto kong magbasa no’n kasi nakilala ko na si watty, sooo no’ng first year college na ako August 2, 2013 sumali ako sa wattpad then August 07, sinulat ko ‘yong kauna-unahang story ko sa wattpad which is ‘yong soon to be published ko.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Sa tadyang ni Eba. Chos. ‘Yong hopeless, nabasa ko somewhere tapos nacute-an ako. Haha. Weird but true. Then ‘yong loner ay sa pangalan ko, iscramble mo lang makukuha mo plus introvert ako sooo it suits me.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Alam mo ng masaya ako so hindi ko na sasabihin na masaya ako. Haha. Napasigaw ako sa excitement no’ng nabasa ko na approved na at the same time nanginig kamay ko sa kaba habang pinakita ko sa parents ko. Blessing ‘yon soooo yeah, thanks God.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Naniniwala ako sa kasabihin na kapag tahimik kang tao, malawak imahinasyon mo kaya kapag wala akong ginagawa marami akong naiisip na mga eksena at mga linya. Kaya inapply ko sa pagsusulat. Hihi.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Wala naman, depende lang siguro sa mood. Pero, minsan matutulog nalang ako tapos biglang akong sisipagin kaya ayon laging puyat dahil sa pag-gawa ng update. And yes, madalas madaling araw ako nagsusulat.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- So far wala pa namang akong natatanggap na negative comments bukod sa mga typos na nakikita nila madalas. Haha. Pero kung magkakaroon man, smile nalang. Opinyon nila ‘yon e. Respeto lang pero kung harsh masyado, isako na. Dejk. Gawin ‘yong inspirasyon para mas maimprove pa ang skill sa pagsusulat.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Magkaroon ng stable na trabaho kapag kagraduate ko.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- A place in time ni Ate Jessica Concha. Sobra akong naapektuhan no’ng story na ‘yon, as in. Nagluksa ako ng mga ilang araw at minahal ko talaga ‘yong mga characters sa story niya, lalo na si Terrence.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Si Ate Jessica ulit at si Inay Kyra, nainspire akong magsulat dahil sa kanila. Isa sila sa mga dahilan kung baki ako sumubok magsulat. Hihi.
-
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Minsan napapanuod pero madalas bigla nalang papasok sa isip ko habang naghuhugas ako ng pinggan.
12. Titles of your published and to be published book…
- Who’s the real psycho? (To be published)
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Lol lang. Hindi kasalanan ng wattpad ‘yon, kasalanan nila ‘yon dahil marupok sila. Hahahaha.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Nag-all around the world na nga ata ako. Haha. Natry ko na ang mystery/thriller/horror meron na rin akong teen fiction, drama, sci-fic na may halong action. Siguro, comedy naman (kahit madalas wala akong sense of humor) at fantasy na rin.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Write because you want it and it’s your passion; don’t write because you want attention or something. God bless!
![](https://img.wattpad.com/cover/34636280-288-k973953.jpg)
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
РазноеKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^