MeriKuriLuXi (March 20, 2015)

125 4 0
                                    

Date: March 18, 2015

Penname: MeriKuriLuXi

•         Introduce/describe yourself…

•         . There's nothing much about me... I think. I'm really into anime, Kpop, Jpop, Jrock and Kim Jaejoong. I'm small and chubby. I'm a piglet who likes to draw. BS Psychology student.

•         When did you start writing?

•         I'm a wattpad writer since December 16..3 years ago.

•         Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

•         Hinugot ko ang pen-name ko sa favorite kong kanta ni Kwon BoA na Meri Kuri which means Merry Christmas. Ignore the LuXi thing, dinugtong ko lang yan sa di malamang dahilan.

•         Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

•         Syempre masaya kaya lang sabi ng mga kabarkada ko ang dami daw naglilipanang di naman talaga publisher so after a month ata or two saka lang ako nagreply at nag-confirm since naka-chat ko si ate Elle Strange. Pagka-confirm nya non may dumagsa ang bulong ng id at superego ko at yeah, tinanggap ko na sa sarili kong ipa-publish ang book ko. lol

•         Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

•         Wala talagang nagtulak, nanadyak o bumugaw sakin. Sadyang badtrip lang talaga ako noon sa bestfriend ko kaya nagsulat ako. I don't know why pero nung nagta-type na ko, imbis na puro kaimbyernahan ng bida ang sinusulat ko puro kakirengkengan na nya nai-type ko.

•         Inspirasyon ko sa pagsusulat? Matatawag bang inspirasyon ang mga teacher kong kung ano anong words ang sinasabi tas magpa-pop nalang sa utak ko ang storyline? haha. Well, kadalasan sila nagbibigay ng idea sakin pero feeling ko mga koryano talaga ang inspirasyon ko. I mean, si Jaejoong at ang EXO + Super Junior.

•         Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

•         Habang nasa school, natutulog ako then pag may narinig akong kakaibang words, isusulat ko o kaya phrases. Pag-uwi ko, matutulog ulit ako saka maga-update, sayang din yun baka mapanaginipan ko ang mangyayari sa storyline. lol  Habang naka-upo, type lang ako ng type.. kakaen.. manunuod... tipong galawan ng tamad na estudyante.

•         Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

•         SYEMPRE MERON! yung mga taong magmumura pa tapos sasabihin bitin, o kaya mag-update daw ang kupad kupad ko daw. Edi sila magtuloy! dejk. Madalas di ko pinapansin pero minsan sarcasm ang sagot ko with smiley face. mwahhahaha.

•         Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

•         Manga artist, Animator, painter anything with drawing and food.

•         Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

•         Harry Potter. Wala lang, di ko kasi maisip na nag-iimbento ako ng mga chants and spells. Ang weird kasi nun diba parang gumagawa ka ng sarili mong bokabularyong ikaw lang nakakagawa then sisikat. ASTIG MAEN! <3

•         Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

- Filipino writer's? Not really a fan pero I LOVE Stallion series. OMG! Nakaka-inspired magsulat pag kinikilig hahahah.

•         Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

•         Yung totoo? Sa cr. Habang nakaupo o naliligo biglang may magpa-pop na storyline sa pader then tada! ayun na.

 

•         Titles of your published and to be published book…

                   "He's my Husband! Secret lang"

 

•         Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

Para sakin, di dapat ginagawang dahilan ang wattpad para sa mga kasalanan ng kalandian nila. Una sa lahat, ang wattpad ay karaniwang pinamumugaran ng mga writers na malikot ang imagination. Nasa sakanila yun kung isa-sabuhay nila yung mga pantasya/kathang isip ng iba. DI FAIRYTALE ANG LIFE. Di dapat idamay sa kire nila ang wattpad.

 

•          If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

                     Fantasy. Realistic(tipong pang-telenovela).

 

•         Payo mo sa mga aspiring writers?

Keep writing! Malay nyo pagdating ng araw maging bilyonaryo kayo dahil sa isang notebook na puno ng imaginations nyo. :3 Wag kayo mag-quit sa mga gusto nyong gawin.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon