Date: March
Penname: EvanLee24
1. Introduce/describe yourself…
‘Yo! Evan Lee here! (Real Name: Emmanuel Lim Song.)
-Not sure sa half kung ilan, but Korean at Chinese. (Both Side sa Grandfather.)
-Pogi. (Sa paningin ng nanay ko.)
- Mayabang. (Kaya galit sa kapwa mayabang.)
-Masama ang ugali (Lalo na sa mga kaibigan.)
-Suplado. (Sa mga taong ayaw ko!)
-Dakilang gastador (One day billionaire.)
-101 percent tamad. (Proud ako!)
2. When did you start writing?
- Simula no’ng nag kinder ako! Haha! De joke year 2012.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang pen name mo? Ano ang problema mo?
- No’ng nagsimula ako sa wattpad, virus009 talaga ang pen name na ginagamit ko. Parati kasing nagka-karoon ng virus ‘yong computer namin tuwing nagsasaksak ako ng flash drive then, ayon. Wala na talaga ako’ng maisip na pen name kaya dinugtong ko na lang ‘yong Birth date ko na 09. Then the day before ako pumirma sa LIB ay nanunuod ako no’n ng Fabulous Boys, then nakita ko ‘yong isa sa mga cast doon na Evan Yo ang pangalan. Tapos feeling ko lakas maka-guwapo ng Evan kaya ‘ayon na lang ang sabi ko’ng gagamitin ko. Tapos nilagyan ko na lang ng surname na Lee. ‘Yong number 24 naman ay friendsary namin ng mga kaklase ko noong college.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Nag-PM sa akin si Ms. Agnes, then tinatanong kung complete na raw ba ‘yong story ko. If yes, ay ipasa ko daw sa email niya, then ang sinabi ko ay “Oo, kumpleto na po.” pero ang totoo ay hindi pa talaga tapos ang story ko no’n na Behind My Boxer, na kilala niyo ngayon as Destiny. Yeah, hindi naman nila alam kung tapos na o hindi kaya ayos lang na sinabi ko iyon!
Want to know why? Simply because, ayan na ang pagkakataon ko’ng makapag publish ng book. Natural lang na i-grab ko agad-agad iyon. Kung kaya naman tinapos ko kaagad ang BMB / Destiny para ma-publish na siyang book. Ha-ha! Tapos no’ng nabasa ko na ‘yong email ni Ms. A na okay na raw, ay sobrang natuwa ako. Nagpasalamat kaagad ako kay God dahil tinupad niya na ang gabi-gabi ko’ng panalangin. Nakulitan na siguro! Haha!
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Sa totoo lang di ko naman hilig ang pagsusulat ng story. Oo mapanggawa ako ng kuwento, pero never ko’ng nakita ang sarili ko na sumulat ng libro. Ghost town pa no’n ang wattpad ay nagbabasa na ko ng mga story. Tapos naisipan ko’ng gumawa ng story kaya lang ang baba ng reads kaya tinamad ako! Haha!
Ang impokrito lang ng mga taong sasabihin nilang hindi mahalaga ‘yong reads. In the first place, kaya ka nga nagsulat ay para maipamahagi ang kuwentong likha mo sa iba. Kaya mahalaga ang reads para sa akin, lalo na kung mataas! Pero dahil na rin sa mga kagaguhan ng mga kaklase ko ay sinipag ulit akong magsulat at gumawa ng panibagong kuwento. Sinuportahan nila ako at sila ang mga naging unang mambabasa ko!
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Hindi ko na papahabain pa ang sagot ko ditto. Simple lang naman ‘yan, eh! Kusang gagana ang utak mo sa update, sipag lang ang kailangan. Ako kasi ‘yong tao na may motto na, “Mag-a-update ako kung kailan ko gusto!”
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Tatawa lang ako. Tapos maya-maya iiyak na! Haha! De joke, maramdamin ako’ng tao. Well, hindi lang halata, pero kahit gano’n ay tinatanggap ko ‘yong mga critic nila sa akin at sa story na ginawa ko. Tapos hindi ko kakalimutan ‘yong mga pinagsasabi nila sa akin at isusumpa ko sila isa-isa! Yap! Isusumpa talaga! Gusto ko’ng kainin nila lahat ng sinabi nila patungkol sa akin at sa story ko, tapos darating ang araw na isa na sila sa mga taong hahalik sa paa ko. Seryoso ‘yan.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Hindi ko pinangarap na maging writer. Naiingit lang naman talaga ako sa mga nagsulat at nakapag publish na ng book! No’ng bata ako gusto ko talaga ay maging doctor. Pero sa ngayon, ang pagiging VJ talaga ang gusto ko!
9. Meron ka bang paboritong libro na minsan ay naisip mo’ng ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- May mga paborito ako’ng libro, pero never ko’ng naisip na sana ay ako na lang ang nagsulat ng gano’n. Kasi kaya nga ako nagsulat ng story dahil ‘ayon ‘yong gusto ko’ng mabasa sa isang istorya.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Bob Ong. Wala siyang impluwensya sa akin. Basta gusto ko lang ang story niya.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Mga kaklase ko no’ng college. Ang Tropang Abnoy---Leo, Jenny, Joice, Ruel, Dory, Anne, Joseph at Christine. Silang walo ang mga inspirasyon ko.
12. Titles of your published and to be published book…
- Destiny. (Published. Bumile kayo!)
- Body Weapon. (Inspired in Naked Weapon)
- Heart of Mine Season One. (‘Yong season two wala, natatamad ako’ng mag-edit.)
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Edi wow!
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, ano’ng klaseng istorya ang isusulat mo?
- Gusto ko’ng makagawang Sci-Fi, Horror at Gender Bender, pero sa tingin ko hindi pa ngayon ang right time para doon, maybe someday. Hindi ko pa kasi kaya, focus muna ko sa romance kahit na ubos na ang kilig ko sa katawan.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Wala.
![](https://img.wattpad.com/cover/34636280-288-k973953.jpg)
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^