Date: 13 March 2015
Penname: hunnydew
1. Introduce/describe yourself…
- Babaeng lumalaklak ng fountain of youth kaya bebe fes pa rin, huehuehue.
2. When did you start writing?
- Grade 3. I started writing script-style before I was introduced to the narrative style in second year high school.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Katunong ng pangalan ko. Kasi ayokong ipagkalat ang tunay kong ngalan. Landlady namin nung college ang nagbansag sa’kin niyan. Akala niya kasi, Honey Dew daw ang pangalan ko, hahahaha. Ayon, iniba ko lang ang spelling kaya naging hunnydew.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Sobrang overwhelmed. Nasa work ako nun eh. Tapos ni-check ko yung wattpad account ko. May bagong message. Galing kay Ms. Agnes. Tas nung tinignan ko… nanigas ako. Tas nanginig. Tas pinagpawisan nang malamig at malagkit. ‘Kala ko nga matatae ako eh, hahahaha. There were series of conversation just to be sure it’s not a scam. So ayon. Overall, elated ako that time.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Actually, wala. Nagstart lang talaga akong mag-daydream sa mga crush kong member ng isang boyband. What if nakilala ko siya? Tas na-in love siya sa’kin, mga ganung keme, hahaha. Dahil sobrang kinikilig ako, sinulat ko na lang yung mga naiisip ko. Pero ngayon, bigla na lang may pumapasok na plot sa utak ko, or usually a new and interesting character. Tapos hindi niya ako tinatantanan kaya sinusulat ko na lang din ang kwento, hehe. Sino ang inspiration ko sa pagsulat? My mom. She was very much against me writing dahil nagpupuyat ako kakasulat noong bata pa ako. Take note, wala pang laptop nun… as in sulat-kamay sa kwaderno ang peg ko. As a matter of fact, she burned all the notebooks with my fanfiction huhuhu. But I think that was for the best. Kasuka-suka kasi yung mga sinulat ko noon hahaha. It turned out that she once submitted her own manuscript to a publishing house but got rejected and didn’t want me to experience the same thing. Pero ayun, tuwang-tuwa siya when I got the offer especially when the book was released in bookstores nationwide.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Daydream. Kuha ng pad/laptop. Pasakan ng headset ang tenga and put the playlist on shuffle. Magsulat hanggang sa masiyahan ako sa nasulat ko.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Okay lang sa’kin ang maka-receive ng negative comments. It’s easy to distinguish which is constructive criticism from just plain trolling. Normal lang na masaktan, pero I learned to see past that. Lalo na kung may point naman yung comment, and then learn and improve my work.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Maging singer or band member, hahaha.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Black Dagger Brotherhood Series ni JR Ward o kaya Percy Jackson series ni Rick Riordan at sempre Harry Potter series ni JK Rowling. I’m amazed by the fact that they managed to merge fantasy with reality…as in yung real life places ganyan. Tapos habang binabasa ko, lagi kong natatanong. ‘shems, ang galing! Naisip nila ‘yon! Sana ako rin makaisip ng gano’n in the future!’
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Mina V. Esguerra. Actually 2014 lang ako nagsimulang magbasa ng mga gawa niya. Sobrang na-hook ako kaya ngayon, automatic buy na lahat ng gawa niya kahit nga ebook pinapatos ko eh. The fact that she’s willing to help aspiring authors get to their dreams by giving helpful pieces of advice or facilitating writing workshops (halos lahat sinalihan ko)…made me realize that I won’t give up writing stories anytime soon. And then there’s Bob Ong. Gusto ko ang humor niya lalo na sa ABNKKBSNPL Ako.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- My own experiences. Pero karamihan, mga karanasan ng kaibigan, kamag-anak, kakilala, kaopisina. Minsan naman kapag may nabasa ako tas naisip ko, ano kaya kung ganito ang nangyari? O kaya may nakausap akong stranger na may something interesting.. tapos I’ll let my imagination run wild.. mga ganon.
12. Titles of your published and to be published book…
- The Match (self published; English)
- HATBABE?! Hindi Ako Tibo! Babae Ako, Babae! Entiendes?! (published; Book 1 of 2; informal TagLish)
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Hasty generalization. Parang sinabi na rin nila na hindi responsible ang mga readers para alamin ang tama at mali sa mga binabasa. Naniniwala akong choice nung taong may mangyari sa kanilang dalawa, ginusto man niyang mabuntis o hindi.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Fantasy o kaya thriller. Pwede ring mystery and action. Weakness ko yun eh.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Magbasa nang magbasa. Tapos, magsulat lang nang magsulat. They go hand-in-hand. Kung hindi ka mahilig magbasa, makikita ‘yan sa gawa mo. Once you have developed the habit of reading books, start writing. ‘Wag munang problemahin kung may babasa o wala. Isulat mo lang ang nasa puso at isipan. That’s always the first step and most of the times, the hardest. But if you are serious about writing (as in making it a profession and all), WRITE the RIGHT WAY sa umpisa pa lang, hindi yung bara-bara lang. The first step may be the hardest, but the next steps you will take will determine whether you are committed or not. I thank you. Bow.
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
РазноеKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^