Date: March 10, 2015 Penname: Gerald Gruezo
1. Introduce/describe yourself… - Hi. I'm Gerald Gruezo in real life and Gerald Gruezo in writing world. Grabe, pinaghirapan ko talaga isipin 'yang pen name ko. Hahahaha.
I'm 19 years old. Kasabay ng pag-iri ng nanay ko ay ang malalakas na paputok at maiingay na tugtugan at sigawan ng mga tao. Nasa pangatlong taon na ako ng pag-aaral ko sa kolehiyo, taking up the most noble profession in the world.
Mahilig akong kumain. Willing akong gumastos basta sa pagkain at libro. Bookworm rin ako. I started reading noong Kinder pa lang ako. Everytime na tatanungin ako ng pamilya ko kung anong gusto kong gift, libro agad sinasagot ko.
I sing, compose a song, and play a guitar. I also dance. Sobrang palabiro ako. Making people laugh is one of my best talent.
2. When did you start writing? - Nagsimula akong magsulat noong grade 6 ako dahil naging parte ako ng campus journalism namin. Pero nang kwento, nagsimula akong magsulat sa notebook ko ng mga tula noong nasa first year high school ako. Benefit ng pagiging feature writer ko. Hahaha. Sa Wattpad, noong nasa first year college ako. Noon, akala ko download-an lang ng soft copies ang Wattpad. 'Yun pala pwede yun para sa mga aspiring writers, at dun na nagsimula. "Kill For Love" ang unang istorya ko sa Watty. Isang mystery-thriller.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo? - Sa tadyang ng jejemon na gangsztah! HAHAHA. Grabe talaga ang hirap na pinagdaanan ko sa pag-iisip ng pen name ko. Imagine, Gerald Gruezo full name ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang Gerald Gruezo na pen name ko. Ewan, bigla na lang lumabas sa bibig ko noong tinanong ako ni Kuya Bill. Misteryo pa rin para sa akin kung saan ko hinugot ang pen name ko.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento? - Noong una kasi, PSICOM ang unang nagmessage sa akin. In-offer-an nila ako na gusto nilang ipublish ang Kulto ko as part ng dark rising. Kaso, ang problema, tatlong araw na bago ko nabasa yung message nila sa akin sa Watty. Tapos yung message naman nila sa akin sa Facebook eh nasa 'other' kaya isang linggo ko na bago nabasa. Kumbaga, nakumpleto na nila ang quota nilang writers sa DR kaya hindi na rin ako nag-insist.
Ayun, after noon, nagpasa ako ng manuscript sa LIB. Inabot ng 2 months. Nawalan na talaga ako ng pag-asa. Hanggang sa nag-follow up ako kay Ma'am Agnes. Tapos… Tapos sabi na approve na daw yung Kulto. Grabe, nagtatalon talaga ako noon tapos super pasalamat ako kay God. Lastly, may dalawang luhang tumulo sa mga mata ko. Oo, bilang ko! M-in-essage ko agad tita ko, tito, ninang at lola ko. Pati na rin yung mga best friend ko.
Then, contract signing. And voila! Writer na ako ng LIB. SOOOOBRANG SAYA!
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat? - Una, Lola ko na nagpalaki at nagmahal sa akin. Magaling kasi 'yun gumawa ng tula.
Pangalawa, Tita ko. Magaling 'yun gumawa ng mga istoryang pang-pocket book. Sinusulat niya sa mga malalaking notebook. Ako at si Lola ang reader niya. Well, super great fan kasi si Tita ni Martha Cecilia. Noong binagyo ang collection niya ng Kristine Series, binili agad siya ng tito ko ng bagong set. At ngayon may drawer siya na puro PB ni Ms. MC!
Pangatlo, si Ms. Martha Cecilia.
Pang-apat, yung mga kaibigan, kaklase at iba pang tao na naniniwala sa kakayahan ko.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly. - Dapat madaling-araw ako magsusulat. Napakaproductive ko kapag madaling-araw.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.) - Wala akong natatanggap na negative comments bukod sa ang tagal ko mag-update. Hahaha. Sorryna, daming gawain ee.
But, if ever magkakaroon ako ng negative comments, I will accept it. Gagawin ko yung motivation para mas mapabuti ako sa pagsusulat. Wala naman kasi silang masasabing masama kung walang mali sa ginagawa ko 'di ba? Accept those negative comments and be better!
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo? - Maging singer, na ang kakantahin ko ay ang mga kantang ako mismo ang nagcompose, katulad ni Taylor Swift. Tapos yung mga kanta ko, gusto ko Jessie J ang datingan. Yung may message talaga. Yung nakakainspire at natatouch ko yung heart nung mga nakikinig sa music ko.
9. Meron ka bang paboritong libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit? - The Hunger Games. Ang galing kasi at ang astig ng plot.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon? - Martha Cecilia - mga PB niya ang kinamulatan ko. Nakatulong iyon sa pagkukwento ko gamit ang 3rd person's POV.
Bob Ong - Impluwensya? Hmmm. Ewan ko. Ang galing lang niya.
10. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.) - Sa mga kwentuhan. Naaalala ko, nagsimula ang Kulto sa chismis na kulto daw yung isang samahan ng religious group sa school namin. Tapos yun na. Sinulat ko na.
Sa pagmumuni-muni, sa mga librong nababasa, at sa mga pelikulang napapanood.
11. Titles of your published and to be published book… - Kulto.
Sorry na, hindi ako peymus kaya maiintindihan ko kung hindi kayo pamilyar sa kwento kong iyan. Hahaha.
12. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga? - Kelan pa nagkaroon ng sexual organs si Wattpad para mabuntis sila? Para sa akin, choice nila ang nangyayari sa buhay nila. Choice nilang kumati ng maaga. Wag isisi sa ibang mga bagay ang pagbubukas nila ng kweba at pagpapapasok sa ahas!. Sisihin ang sarili dahil sa pagiging mapusok. Canestene cream, they want?
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo? - Something spiritual. 'Yung kukuha ako ng verse sa bible at gagawan ko ng one shots. Tapos, dystopian genre. Actually may naisip na akong plot sa dalawang iyan. Kaso, pinag-iisipan ko pang mabuti kasi gusto ko na perfect ang magiging produkto kapag ginawa ko iyan.
15. Payo mo sa mga aspiring writers? - Basa lang ng basa. 'Wag ikulong ng sarili sa mga wattpad stories. I mean, magbasa ka ng local at international books para mas lumawak ang kaalaman mo sa mundo na tatahakin mo. 'Wag susuko. Write, dahil gusto mo at hindi dahil uso.
And lastly, don't forget to thank God, dahil sa talent na binigay niya sa inyo.
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
De TodoKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^