Date: March 12, 2015
Penname: Cassandra Grace
1. Introduce/describe yourself…
-
2, When did you start writing? - Technically, I started writing when I was in 5th grade. Pero poems and essays ang focus ko noon. I was in 2nd year high school when I started writing a novel.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo? - I chose 'Cassandra' kasi masyado syang feminine. Fierce. At yun ang other side ko. Kapag nagsusulat ako, nagiging iba ang personality ko. Problema ko? Wag na mo nang alamin. Baka mabuang ka lang. Haha.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento? - Noong kinontak ako ng LIB, hindi ako agad naniwala. Ang unang reply ko nga noon, 'totoo po? Scam po ba to?' Pero syempre nung nalaman ko na legit naman pala, sobrang saya ko.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat? - wahahaha! Natawa ako dun sa bumugaw. Hahaha. Wala naman. Na-inspire lang ako sa mga book na nabasa ko. Yung tipong natapos ko na sya, pero dahil gandang ganda ako sa story, gusto ko syang dugtungan. Doon nagsimula ang lahat.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly. - Bago magsulat, dapat nakatutok sakin ang fan. Tapos, dapat komportable ako sa pwesto ko. At hindi pwedeng mawala ang earphones. Pero wala naman ang pinapatugtog. Nakasalpak lang sya sa tenga ko.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.) - Ginagawa ko silang motivations. And I always try to learn from them. Minsan kasi, totoo din yung negative feedback nila. Pero kapag papansin na negative comments naman, deadma lang. Napapagod din naman sila.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo? - Maging interior designer at architect.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit? - Yung book ni Bob Ong saka book ni Sidney Sheldon.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon? - Bob Ong and Martha Cecilia. Wagas ang lawak ng imagination nila. Natuto akong magsulat ng descriptive pero short story lang.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.) - Songs, true story (minsan) tapos hahaluan ko na lang sya hindi totoong pangyayari.
12. Titles of your published and to be published book… - Lady Taxi Driver (Published), Me and Mr. Arrogant, Dealing with Mr. Ice and The Handsome Jetsetter
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga? - toinks! Kelan pa nagkaroon ng sperm cells ang wattpad para makabuntis? Hahahaha! Nakakatawa lang. Hindi kasalanan ng wattpad at writers kung sadyang malalandi lang ang mga kabataan ngayon.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo? - SciFi and Horror. Sana.
15. Payo mo sa mga aspiring writers? - Wait for your own spotlight. Pinaghihirapan ang success. Hindi sya basta lang dumarating sayo. You have to prove that you are derserving for the opportunity that you are aiming for. Make a move and wait. Magbaon ka lang ng long patience. Good luck!
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^