Date: March 11, 2015
Penname: elitesigmabee
1. Introduce/describe yourself…
- Hello tao ako XD.
2. When did you start writing?
- I started writing, since n’ong may nabasa akong story na galing wattpad. Hindi ko kasi trip magbasa ng tagalog stories dati pero n’ong nabasa ko ‘yung sa kanya, nainspire na rin akong magsulat. Libangan at pang tanggal stress na rin.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Hinugot ko ‘tong penname ko sa acc namin sa isang laro na dragonest. Actually Sigmabee was from a friend of mine, a player of a lot of online games. And that account was hack, we change it to Elitesigmabee. Pero para sa baliw baliw na author na katulad ko para sa ‘kin, may halong PHYSIC at STATISTIC yan. Ang hirap iexplain may math at formula pa… Kasama na yung paborito kong insecto ang bubuyog, kaya mahal ako ni jollibee XD Pero joke ito talaga in broad way of explanation niyan hahaha XD “ELITE = BEST” + “SIGMA = SUMMATION” + “BEE = B graded person, o hard working person. Bee is the most hard working insect in the world to make themselves survive.” Yan lang, may halong research pa yan bago ko ginawang OFFICIAL penname yan hahaha XD
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Syempre masaya… Natutuwa at nagtatalon sa sobrang tuwa at sa sobrang tuwa, nasagi ko ‘yung upuan sa tabi ko gamit at tuhod ko. Masakit kaya… hahaha XD
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Hindi ko alam kung sino… eh. Para sa ‘kin nagsusulat ako for the rest of my life :D. I want to be happy sa ‘king pagsusulat, kasi life is precious at kahit anong oras ay puwede na ‘tong bawiin o kunin ni God ng wala sa oras. Hindi natin alam kung kailan at hindi ko rin alam kung saan. Ang inspirasyon ko sa pagsusulat ay ang buhay kong takot sa future. ‘Yun lang.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Nagbebelly dancing… Jjoke! Wala naman, ang kadalasan kong ginawa eh matulog, pagising type. :D Fresh kasi ang utak ko pagkagaling dream world, mas maraming naiisusulat na scene sa story :D
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Wala… hindi naman gan’on kaseryoso depende na lang kung ipluplug ang story mo na pangit. May gumawa na sa ‘kin ‘yun at P writer din siya, pero ‘yung negative na yun ginawa ko ‘yung inspiration para gumawa ako ng magandang story na WORTH READING AND DYING FOR.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Makapasok sa MICROSOFT, hahaha. Ito ang current goal ko ngayon, kaya hindi ako nakakapag-focus sa ‘king pagsusulat.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Soldier’s Return by Melvin Bragg. Una sa lahat, sci-fi ito at ito ang pinakapaborito kong libro sa lahat ng nabasa kong novela. Sa sobrang galing niya mag-3rd POV, naiisip ko na ako na nagsulat ‘yun, dahil kahinaan ko talaga ang 3rd POV writing, more on 1st POV lang ako.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Actually si Jose Rizal talaga eh. XD, Pero hindi ko alam kung bakit… para sa ‘kin malakas ang naging saltik sa ‘king pag-iisip ang Noli at El Fili niyang gawa, malakas din ang binigay na impluwensya niya sa ‘kin dahil sa ilang beses ko ng nabasa ang librong ito… Pero sa isinulat niyang novela, nag-iwan siya ng isang mensahe sa ating lahat na tumatak sa ‘ting mga pilipino. Kaya ako rin gagawa rin ako n’on. (‘Di ko alam kung kailan, siguro papabaril din ako sa bagong bayan. XD Pero joke lang ‘yan hah.)
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Actually kumukuha ako ng plot twist ko sa anime, at sa mga napapanood ko at mga nakikita ko sa paligid. Halimbawa, nahulog ang panty na nilabhan ng isang dalaga sa bintana at hindi sinasadyang nasalo ng isang guwapong binata kumakain ng ice cream at saktong nahulog iyong tinutukoy ko sa kanyang kinakain. Puwede ko ng gawin plot ‘yun, at gawan ng title. See everything we see ay puwede maging plot ng story…
12. Titles of your published and to be published book…
- Casanova’s Diary 1: Ice Casanova. (Ito pa lang yung akin, naging busy kasi sa school, ipapasa ko na rin yung Casanova’s Diary 2: Fire Casanova this vacation ulit XD)
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Hay na ‘ko wala akong paki, ginusto nila yan. Pero walang kasalanan si Wattpad dahil hindi nagsasalita si Wattpad o inuutos ni Wattpad na gawin ‘yun. Tanging baliw lamang ang naniniwala sa baliktad na meaning ng… “Humayo kayo at magpakarami.”
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- GORE, you why? Gore is more like a combination of Suspense and Horror; it’s a classic side genre that makes the readers puke nervousness while reading the story. (Pero ang genre ko talaga ay romance eh. XD))
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Being a writer is not a professionalism, by the way :D Kung aspiring ka, dapat may tiwala ka sa story mo at kung hindi maganda sa taste buds ng iba ang storyang ginawa mo. Don’t feel down, wag ka magmukmuk. Taposin mo ang story mo at gawin mo lahat ng makakaya mo para maipakita mo na ang story na ginagawa mo ay pinaghirapan kahit pangit sa mata ng iba.
- Pangalawa, confidence. Kailangan mo ng confidence sa gawa mo. WAG KANG MAHIYA NA IPAKALANDAKAN SA IBA ANG WRONG GRAMMAR AT TYPOS NG GAWA MO. You know why? No one in this world is perfect. Kung may magsabi sa iyong story ng mga ganito, ‘Ang pangit, hindi maganda ang daming wrong grammar nakakasuka basahin parang itinae lang ng aso ang kuwento niya.’ Hayaan mo lang promise, baka kasi siya kapag nagsulat perpekto no grammar errors even typos or wrong spelling. Baka kabisado rin niya ang dictionary at encyclopedia sa sobrang perfect mga taong ganyan. So hayaan mo lang… Continue to writing…
- Pangatlo, being a writer must respect all the writers. Don’t bash or hate co-writers why? Wala kang mapupuntahan kung kinaiinisan mo ang ibang writers na kagaya mo, baka sa basura ka lang damputin pagkatapos. Ang ibig sabihin, wala kang mararaming sa pagsusulat kung ‘yan ang tumatakbo sa isipan mo.
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
SonstigesKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^