PulaPatootsy (March 12, 2015)

248 6 0
                                    

 

Date: 3/12/15

Penname:  PulaPatootsy

1.      Introduce/describe yourself…

-          Hiiii. My name is Allysa paula R tolentino, Im 16 yearsold (Char pang gradeschool na introduce your self XD) PulaPatootsy po! Pinaka batang Dyosa ;)

2.      When did you start writing?

-          Nagsimula akong magsulat noong grade 5 pa lang ako sa likod ng mga notebook ko

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          yung pen name ko? Ahm na wrong type ako dapat 'PaulaPatootsy' pero nakalimutan ko yung a kaya naging 'PulaPatootsy'

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Noong chinat ako ni Maam Agnes sinabihan ko pa syang loko loko akala ko kase scam eh pero nung naconfirm ko na totoo grave iyak ko nun sa sobrang tuwa

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          Inspirasyon? Yung mga nagbabasa ng mga story ko nung sa notebook ko palang sinusulat. Sabi nila bakit hindi ko daw ipost sa wattpad at nang ipost ko naging successful naman.

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Ahm. Wala. Basta haharap na lang ako sa laptop ko at magtatype magugulat na labg ako may update na ako

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          Gustong gusto ko ang mga negative comments hahaha. Kasi feeling ko maraming naiinggit sa akin Chos XD hindi namab ako masyadong apektado peymus na ako kasi may haters at bashers ako XD

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Gusto kong maging artista,dancer,singer hahahaha. Saka maging asawa ni Christian Grey

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Sana ako na lang ang sumulat ng FSOG huhuhuhu

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-          Si HYSTG kasi simula nung napublish ang DNP nangarap din ako na mapiblish ang mga story ko kaya nagsulat ako sa wattpad.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          Sa mga kaklase ko. Saka naisip ko lang ang mga plot pero yung mga charaxters ko sa mga kaklse ko

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          I Accidentally Married A Gangster published na bumili kayo ah hhah. At hopefully mapublish din ang iba ko pang story magpapasa muna ako kay Maam

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Kung makapagbintang sila. Vakit yung wattpad ba yung nagbubuntis sa inyo? Sa wattpad ba kayo nakikipag ano at grave kayo manisi? Nasa sa inyo din yan kung maglapabuntis kayo o hindi. Dapat matutu kayong mag control hindi puro yun lang ang nasa isip nyo maging open minded kayo ayaw nyong sisihin ang sarili nyo kaya wattpad ang sinisisi nyo

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          Horror at SPG haha. Hindi ako makagawa ng ganyan story may naiisip na akonv plot pero di ko magawa gusto konggawing wholesome pero di ko alam kung pano hahah

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Sa mga aspiring writers dyan. Wag kayong magmadali may mga oras na magiging successful din kayo at wag kayong atat. Gumawa kayo ng stories dahil passion nyo yan hindi para ipagyabang sumikta at mag inggit. Gawa lang kayo ng gawa malay nyo isang araw nakapag publish narin kayo.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon