Date: March 22, 2015
Penname: Imcrazyyouknow
1. Introduce/describe yourself…
- Hello! Ako nga pala si Imcrazyyouknow o kaya pwede niyo na akong tawagin sa Jacob or Syaoran kahit ano diyan ayos lang. Ahm, tahimik akong tao kapag feeling ko hindi ako belong, o sadyang mahiyain lang talaga ako pagdating sa personal. Madali rin naman ako pakisamahan hahaha. Smile lang kasi makukuha mo sa akin kapag hindi pa tayo masyadong close XD
2. When did you start writing?
- Nagsimula akong magsulat noong first year ako pero nong bata pa ako, nagsusulat na ako tho hindi siya yung mala-novel pero may drawing drawing na stick man XD Then nag-join ako sa wattpad nong April 2013 at don din ako nagsimulang magsulat sa wattpad.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Wait! HAHA. Di ko maisip kung paano, basta pumasok na lang siya sa utak ko dahil may crazy na word, go na ‘yon! HAHA. Nag-pop up na lang talaga siya sa utak ko noon J)
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Syempre tuwang tuwa, lol. Nagpasa ako noon ng tatlong story kaagad, sa wattpad inbox pa kami nag-uusap ni Miss A noon tapos sabi ni Miss A i-update na lang daw niya ako kapag lumabas na ang result. Naghintay naman ako ng ilang weeks then after no’n, sinabi na sa akin ni Miss A na approve na ang tatlo kong stories. Tuwang tuwa ako no’n at hindi ko mapigilan ang feels haha. Tapos ‘yon, nasundan pa ng isang story :D
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Actually, sarili ko lang ang nag-push na magsulat ako, tapos ‘yong mga taong inspirasyon ko at humugot ay sa family, friends at enemies XD HAHA.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Gumagawa muna ako ng outlines para tuloy tuloy ang flow ng story tapos kapag on the mode na ako sa pagsusulat hindi na mawawala sa tabi ko ‘yong pagkain dahil energy ko ‘yon sa pagsusulat XD Minsan kapag heartbreaking ang scene kailangan ng music para damang dama XD HAHA!
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Hindi ko na lang pinapansin. Minsan nakaka-ano ng feelings pero sige, go lang! Haha!
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Dati talaga gustong gusto ko mag-artista dahil pinupush kami dati ng tita ko na si Matutina kaya lang sobrang mahiyain kaya ayon, pero ngayon inaalok niya akong maging translator ng languages sa dubbing,’yong japanese/English to tagalog? Gano’n. Supervisor kasi siya sa dubbing. At ang isa pa, maging Chef :D
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Siguro ‘yong The Maze Runner o kaya Divergent, o ang taas ng level diba XD Hindi, bilib kasi ako sa mga author’s ng libro na ‘to kasi ang galing galing nila kaya nga na-inspired akong gumawa rin ng Dystopian story J)
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Si PeachXVision. Noong nabasa ko ‘yong 548 heartbeats niya, ang realistic lang kasi ng flow ng story niya at one time habang nire-reminisce ko ‘yong story na ‘yon (2012 ‘yon) nainspire niya akong magsulat ng lovestory kaya hanggang ngayon, I still remember those scenes in the book.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Minsan sa mga nakikita ko sa paligid ko and ‘yong iba naman kusang pumapasok sa utak ko then viola, may story ka na.
12. Titles of your published and to be published book…
- The Life Taker
- One Last Star
- It Was Only Just a Dream
- A Writer Damned Story
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Hindi tama na sisihin ang wattpad dahil sa mga kabataan ngayon na nabubuntis at nag-aasawa ng maaga. Meron ako kilala, ka-batch ko lang at naging partner ko pa sa stage play, hindi siya pala-basa sa wattpad or ebook pero may boyfriend siya at noong isang buwan lamang nabalitaan ko na lang na buntis na siya. Diba? Wala naman sa wattpad o sa content man no’n. Nasa tao pa rin ‘yon kung alam nila ang responsibilidad at limitasyon nila.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- I’ve tried many genre’s na pero yong Matured like hindi pa, wala ata akong balak dahil sa bed scene pa lamang, bagsak na ako XD Siguro Fantasy ang gusto kong masulat in the future.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- As for me, ang payo ko lang sa mga aspiring writers ay ipagpatuloy lamang ang pagsusulat dahil may good result din naman ‘yan in the near future basta tiwala lang sa story na sinusulat mo. Kung maging published author naman ang hinahangad mo, just wait for the right time dahil sabi nga nila, good things comes to those wait. So keep on writing and live with your imaginations :D
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
NezařaditelnéKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^