IcePrince_18 (March 18, 2015)

191 6 0
                                    

 

Date: March 18, 2015

Penname: IcePrince_18

1.      Introduce/describe yourself…

-          Isang male writer na baliw at tamad mag-update.

2.      When did you start writing?

-          Nagsimula akong magsulat noong grade six ako. Sumali ako sa Wattpad noong 2012, 2nd yr ako no’n yun yung nagstart ako maguslat sa online.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          IcePrince_18….Ice  nakuha ko kay Queen Elsa, totoo 'yan. Prince dahil sa pogi nga ako. xD. 18 nakuha ko 'yan sa birthday ko J

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Siyempre masaya. Nakakaloko dahil after 3 months of waiting approved pala sa kanila 'yong story ko. Nakakanganga kaya, 'yung tipong mapapanganga ka talaga. Hahahaha.

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          Bumugaw? Hahaha. xD. Grabiti. Hahaha. Sino nga ba? Actually, 'yung nagtulak sa akin na magsulat is 'yung mga nabasa kong story book  noon.

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Nagsusulat sa papel. Yon muna tapos kapag nabuo ko na 'yung plot nagsusulat at nakikipagtitigan na ako sa Word.

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          Wala lang. Actually, thankful pa ako sa kanila. Kasi minsan, nalalaman ko mali ko.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          To be a singer. Oo, gusto ko maging singer. Totoo 'yun mga bh3.

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Wala.

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-          Bob Ong. Siya. Nakatulong siya sa akin para makapagsulat ng Humor books.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          Sa lahat ng experiences sa paligid ko.

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          She’s A Vampire

-          K.S.P.

-          Dangerous Kiss: Kiss Of The Black Cat

-          Cursed University

 

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Bakit? Kasalanan ba namin na malandi sila? Hahaha. xDD

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          SPG! Yeah. Gusto kong magtry, 'yung malafifty shades ba? Ganoon.

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Isulat mo 'yung gusto mo. Know yourself. Kaya mo 'yan. Be you. 

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon