Date: March 12, 2015
Penname: RhodSelda
1. Introduce/describe yourself…
- Simple hard working girl. As in hard worker na hindi na nakakatulog. Joke.
2. When did you start writing?
- When I was eleven year old. Pero ang mga kuwento ko ay pambata at mga anime character. Hahaha.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- In my real name. Problema ko? Hirap akong matulog sa gabi.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Nawindang ako. Naluha ako sa sobrang tuwa at natulala ako ng halos kalahating oras. Hahaha. Hindi kasi ako makapaniwala noong una.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Wala namang nagtulak sa akin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakakabuo na ng istorya sa isang kaperasong papel. Siguro masasabi ko na insperasyon ko sa pagsusulat ang buhay meron ako. Wala akong mapagsasabihan ng hinaing ko kaya sa pagsusulat ko na lang ikinukompisal ang saloobin ko. Natuklasan ko kasi na sa tuwing lumuluha ako habang nagsusulat ay naiibsan ang paninikip ng dibdib ko buhat sa dagok na tinatamasa ko.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Una; bago ako haharap sa computer para magsulat ng kuwento ay nag-brainstorming ako mag-isa. Binubuo ko muna sa isip ko ang buong kaganapan na gusto kong mangyari sa kuwento ko bago isulat. Isinusulat ko muna sa kaperasong papel ang mga karakter, lugar at kung anu-ano pa para hindi ko makalimutan. At para tuluy-tuloy ang pagsuuslat ko.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Inuunawa kong mabuti ung komento bago ako nagre-reak. Saka ko babalikan ‘yong bahagi ng kuwento ko kung saan nakatukoy ang komento. Dinadamdam ko ang negatibong komento. Oo. Pero mayamaya ay wala na iyon. Saka ko ulit babasahin ang kuwento ko at suriin ang mali na tinukoy at itatama iyon. Hindi ako nagpapaapekto sa negatibong komento, bagkus ay doon ako humuhugot upang paghusayan pa ang aking talento.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Marami akong pangarap maliban sa pagsusulat. Gusto ko talaga maging tanyag na visual artist. Hehe. Pero ang totoo, magmula noong bata ako gusto ko na talaga maging General ng AFP, o mas mababa roon. Gusto kong humawak ng baril at maging bihasa sa pakikipaglaban para sa kapayapaan ng bayan. Charot! Totoo po iyon.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Pet Cemetery. Dahil sobrang gusto ko ang story, gusto ko ring makagawa ng ganoong uri ng istorya. Siguro dahil gusto ko ring bumuo ng sarili kong mundo kung saan kaya kong hawakan ang mga pangyayari. Gusto kong makagawa ng imposible at bigyang laya ang isip ko na lumawak. I love horror/mystery stories.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
-Si miss Hellen Meriz and Andrea Almonte, MC. Ang mga kuwento nila ay hindi ko nakakalimutan. Sa mga kuwento nila ako natoto ng maraming bagay sa larangan ng pagsusulat.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Sa mga napapanood kong movie pero kadalasan sa mga actual na nagaganap sa totoong buhay. Sa mga naririnig kong kuwento o mas mainam na sabihin kong nakabase rin sa aktuwal na karanasan ko sa buhay.
12. Titles of your published and to be published book…
- Alab ng puso
- Bartenders Series 1: RUM
- Bartenders Series 2: GIN
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Ang masasabi ko lang, tayo ang nagdadala ng buhay natin. Kung mahina ang kapit natin sa ating sariling paninindigan ay magugupo tayo ng tukso.
- So kailangan lang nilang maging open minded. Nasa tao lang ‘yan kung magpapaapekto siya sa imahenasyon niya. Lahat naman tayo ipinanganak na may pag-uunawa. So gamitin na lang siguro. Try nilang mag-explore.
- God Bless na lang sa kanila J
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Gusto kong magsulat ng istorya na makatotohanan. Gusto kong sumulat ng istorya na umaayon sa realidad, sa mga aktuwal na kaganapan sa mundo. Gusto kong magsulat ng istorya na may temang naayon sa mga magigiting nating mga sundalo na hindi natatakot magbuwis ng buhay alang-alang sa kapayapaan. Para kahit sa nobela lamang ay mabigyan ng hustisya ang walang humpay na digmaan hindi lang sa ilang bahagi n gating bansa kundi sa ilang bansa na mas madalas ang giyera kumpara sa pagkakaisa.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Huwag silang matakot sa critics sa halip magpasalamat sila kung may pumupuna sa gawa nila dahil iyon ang magdadala sa kanila sa itaas na bahagi ng pagsusulat. Sulat lang nang sulat at basa lang nang basa, research lang nang research. Ilagay mo ang iyong puso sa iyong isinusulat hindi lang utak. Kapag disidido kang matoto, hindi ka basta-basta sumusuko. Harapin mo ang takot mo. Huwag kang mailing na ikumpara sa gawa ng iba ang gawa mo, nang sa gayon ay makita mo kung ano ang kaibahan mo. Panindigan mo ang estilo mo sa pagsusulat dahil kapag alam mong orihinal mo iyan ay diyan ka makikilala. Huwag masyadong kunin lahat ng ideya sa gawa ng iba para hindi malimitahan ang estilo mo. Gawing orihinal ang lahat na gawa mo. Kahit mahirap magpiga ng utak, sige lang. Mas masarap makabuo ng isang kuwento na alam mong mula iyon sa katas ng sarili mong utak. So ayon. Good Luck!
![](https://img.wattpad.com/cover/34636280-288-k973953.jpg)
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
РазноеKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^