Penguin20 (March 29, 2015)

172 9 1
                                    

Date: March 28, 2015

Penname: Penguin20

1.      Introduce/describe yourself…

-          Reynald John Hernandez… Philippines! Jk. Mas kilala ako rito sa wattpad bilang Penguin20. Proud Otaku and proud J-pop fan, J-pop ka? Apir! Magkakasundo tayo ng matindi-tindi.

2.      When did you start writing?

-          December 2013. Wala talaga sa lahi namin ang pagiging writer pero mayroong mga storya na nag-inspired sakin na gumawa. Hindi naman ako nagsisisi sa landas na aking piniling tahakin ngayon xD

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          Penguin is my favorite animal and 20 is my birthdate. Ang lalim ng pinanghugutan, ang hirap isipin niyan.

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Masaya kasi LIB talaga ang gusto kong company na maghawak sakin lalo na’t nasa LIB ang mga kaibigan kong writers at mga writers na hinahangaan ko ng sobra-sobra. Nasa computer shop ako no’n nung nalaman kong approve na ang story ko, gusto kong batukan isa-isa yung mga nagdo-dota kaso baka ma-gangbang ako xD

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          My boredom. Wala naman kasi akong ginagawa kapag summer so gumawa na lang ako ng storya, kahit humuhulas sa pawis dahil ang init eh Masaya naman lalo na’t may mga taong nakaka-appreciate ng mga gawa ko

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Kailangan nasa mood muna ako, then inoobserbahan ko lahat ng tao sa paligid at umiiral ang pagkatsismoso ko kakapakinig sa mga convo nila then do’n ako magsisimula bumuo ng mga scenes. Paputol-putol akong magsulat kasi madalas wala ako sa mood… Ang pinakamagandang oras para sakin kapag magbe-brainstorming ay sa gabi at nakahiga sa duyan tapos titingin sa mga star, Ang relaxing kasi ng atmosphere kapag ganun.

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          I always say na lang sa kanila “Ngayon basher kita pero balang-araw magiging follower din kita”. Noong una talaga natakot ako pero nasanay na rin naman, ginawa ko na lang inspiration ang mga bashers ko para magsulat pa ng mas maganda so that sila na mismo ang magui-guilty.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Gusto kong maging isang illustrator kaso hindi ako matuto-tuto. Pangarap ko kasing magdrawing ng mga animes tapos ngayon pangarap kong ako na lang sana nagdodrawing ng mga book covers ko. Pag-aaralan ko ‘yan :D

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Battle Royale by Koushun Takami, sobrang nakaka-amaze kasi yung mga gore scenes sa story niya na yun. Siguro kaya ako naghorror dahil gusto kong higitan yung gawa niya.

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-          HaveYouSeenThisGirl, kasi habang nag-iikot ako sa bookstore best seller pa yung book niya. Dahil nakita ko na Wattpad yung story niya, doon na ko nagstart magwattpad tapos after a couple of months nagsulat na rin ako.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          Sa mga game shows, Fanfic trailers, then yung mga naeexperience kong mga bagay. Ginagawa ko na lang exage ang pagkakanarrate ko para mas maging okay sa mga readers.

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          Death Game: Battle For Lives

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Kalandian nila ‘yon at h’wag nilang isisi sa wattpad, kakabasa nila ‘yan ng erotic stories. Akala ba nila na kapag nag-make love sila eh kasing ganda rin ng mga stories na nababasa nila sa wattpad? Hindi napupulot si Mr.Grey kung saan-saan. Magtino rin pag may time.

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          Gusto kong mag fantasy, feeling ko kasi ito ang pinakamahirap na genre kasi kailangan nito ng napakalawak na imahinasyon para mai-narrate ng maayos ang mundong gusto nilang ipakita, kaya sa mga Fantasy writers saludo po ako sa inyo.

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Sa tingin ko kailangan mo lang ng motivation, utak, kasipagang tunay. Wala akong maipapayo masyado kasi kahit ako ay natuto lang sa mga karakter kong ginawa. Your own characters will teach you the things that you wanted to be.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon