Date: March 11, 2015
Penname: Jaedel Mae Peralta (LIB), Jaedelicious (Booklat), JaedelMhae (Wattpad)
1. Introduce/describe yourself…
- Maingay, madaldal, haliparot kapag kasama ang mga kaibigan. Tahimim lang kapag di feel ang kasama. Madalas walang preno ang bunganga, kung anong naiisip ko bigla ko na lang sinasabi. Walangya din. Minsan walang pakundangan kong pinagtatawan ang kasabay sa jeep kapag nakakatawa talaga, may pag-turo pang kasama. Kadalasan lagalag. Di napirmi sa iisang course. TAMAD. SOBRANG TAMAD. Hanggang tatlong utos lang ang susundin. Ayokong napapagod. MATAKAW. Mahal na mahal ko ang pagkain.
2. When did you start writing?
- Nag-start ko magsulat nung 10 years old. Isa ako sa writer ng school publication namin. Kaso sa news writing ako nakalagay. Nag-start lang ako ng mga story talaga nung 11 na ko pero malapit ng mag-12. Power Ranger na may halong Encantadia. Hahaha. Pagpansensiyahan na. Paborito kasi eh.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Yung JAEDEL acronym yan (Jolly, Angelica, Eloisa, Divine, Ella, Leslyn). Pinagsama-sama ko yung first letter ng mga pangalan naming magb-bestfriend. Yung Mae galing sa realname ko. Yung Peralta ah apelyido yan ng crush ko na masarap bwisitin hanggan umusok ang bumbunan at sumigaw ng "Shut Up!" . Yung Jaedelicious kainartehan ko lang yan. Hehehe
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Nagulat ako siyempre, nakagat ko pa yung kamay ko na gamit ko sa pagkain, kumakain kasi ako nun. (Kain PG kasi, naka-kamay) Tapos nung binasa ko ulit ayun nagtatalon ako tapos sigaw ako nang sigaw. Namura pa ko ng tatay ko. Ingay ko daw. Bwitith. Basag trip. Hahaha. Tapos after ko magbunyi bigla akong nagduda kasi nagtext lang si Ms.A nun eh.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Ako lang. Siguro para talaga ako dito kasi nga bata pa lang ako nagsusulat na ko. Marami akong inspirasyon sa pagsusulat ngayon. Aira Ledesma, Andrea Almonte, Sonia Francesca, Sofia, Arielle, Keene Alicante. Puro tagalog romance novel writer talaga tinitingala ko, di kasi ako masyado sa English novel. Sila yung mga inspirasyon ko. Magaling kasi sila para sa akin. Inspirasyon ko rin ang bawat tao sa paligid ko, kahit hindi ko kilala.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Maghahanap ng story na hindi kagandahan at bubwisitin ang sarili ko. Kapag asar na ko magsa-soundtrip ako. Makikinig sa radio. Aabang ng mga hugot na kanta. Tapos habang nakikinig mag-iisip ng mga eksena at itatanim ko sa kukote ko na wag umisip ng nakakabwisit na eksena na tulad sa nabasa ko. (Pero minsan feeling ko may corny rin sa sinusulat ko. Hahaha. Feeling ko lang naman, feelingera ako eh). Tapos kapag nakapag-isip na ko derecho dutdot na ko sa phone habang nakikinig pa rin sa radio (Sa phone lang ako nagtatype)
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^