Xavier John Ford (March 24, 2015)

267 18 1
                                    

Date: 3/24/15

Penname: Xavier John Ford

1.      Introduce/describe yourself…

-          Xavier John Ford is the name. Pero pen name lang iyan. 19 years old. Cavite. 5’8”. Let’s not talk about the weight (LO). Kayumanggi. Walang bisyo. Aral tulog simba lang.

2.      When did you start writing?

-          When I was still in elementary days. I used to write fantasy stories back then (with a theme of Power Rangers. LOL) at the back portion of my notebook tapos babasahin ng mga classmates ko.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          Unang pen name ko talaga if my mind could still be able to remember it was DarkSorcerer. Pero dahil nabuburyo pa ako sa mga comment ng ibang readers ng, “Update po, MISS author” pinalitan ko at ginamit ko yung character name ng action story ko na si Xavier John Ford. I find it cool. Yung XavierJohnFord nahugot ko lang sa kung saan. Yung ‘Xavier’ sa x-men na kalbo na Charles Xavier yata iyon tas yung John Ford diyan lang sa kanto, basta doon talaga. LOL

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Gulat talaga ang initial reaction ko nung makatanggap ako ng PM from LIB. I mean, my action story was really a mess that time. Though, I’m not discouraging my story but hell yeah, nangangapa pa ako sa pagsusulat noong sinusulat ko yung story ko na iyon. Maraming grammatical errors (kasi di pa kami bati ni English) at maraming typos. Tapos, I contacted Ms. Agnes after a month yata yun from the day na nag-PM sila. Then we talked and boom, welcome LIB. And yeah, I am happy to be part of this family, di lang halata pero seryoso yan. Kahit wala pa yung book syempre.. LOL

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          Sino nagtulak? Wala. Ginusto ko lang na pangpalipas oras kapag hindi busy at walang net. Inspirasyon? Yung mga author sa mga binabasa kong libro sa ngayon.

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Sa medaling araw ako madalas magsulat e kaya kapag wala o meron akong mood sa pagsusulat:

o   Kain muna at pakabusog.

o   Hilamos muna.

o   Magbabawas, kasi mas nakakaisip ng scene habang nagmumuni muni ka habang… ehem. Yon! Hahaha seryoso effective iyan. LOL

o   Dala ng tubig

o   Kain ng Chocolate habang nagtatype

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          Realtalk? Napapasabi nalang ako ng “Ah, okay,” sa sarili ko. Kung di naman masyadong offensive yung pagkakasabi e. Besides mahaba ang pisi ng pasensya ko. H’wag lang sasagarin dahil madali namang mag-adjust na h’wag nalang magsulat via online. At dahil madali akong mag-adjust, kayang kaya ko namang itama kaagad ang sarili kong kapintasan sa pagsusulat o sa story ko at iimprove iyon offline. Less emotional stress pa.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Ang makapagpatayo ng sarili kong business nang magamit ko ng husto ang degree na kinukuha ko sa college.

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Bakit ko kailangang isipin na ako nalang sana ang nagsulat no’n kung pwede ko namang higitan ang ginawa niya? Naisip ko lang naman. Hahaha!

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-          Bob Ong. Wala namang impluwensya sa kasamaang palad. Gusto ko lang yung mga gawa niya.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          Minsan sa paligid lang. kapag action ang ginagawa ko, nagbabasa ako at nanunuod at doon ako humuhugot ng inspirasyon o ng mood na magsulat. LOL

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          Gangster vs. Assassin (Soon to be published)

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Ang laking kalokohan. Kung sakaling mas tumaas lang ang standards ng babae sa lalaki ang pag-uusapan aba iyon, baka pwede pa.

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          Horror, Vampire, Werewolf na genre siguro.

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Isipin mo muna at tanungin sa sarili mo kung bakit, kanino at para saan ka nagsusulat? Madali lang ang magsulat. Puhunan mo lang ang utak. Goodluck!

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon