Bling Girl (March 11, 2015)

316 14 4
                                    

INTERVIEW WITH THE LIB WRITER

Date: 03/11/15

Penname: Bling Girl

1.      Introduce/describe yourself…

-Annyeong! Louise a.k.a Bling Girl po! 20 years of age and currently taking BSECE sa New Era University. Isang tamad na manunulat at mas tamad na estudyante. Hahaha! Joke!

Isa po akong babaeng mahilig madaydream nang nakanganga, magpalaboy laboy ang isip at maglagalag ang imagination. Sa itsura naman, wag ‘nyo nang alamin. Basta may tanda ako sa noo. Kapag tiningnan nyo, magiging mesirable kayo. Mwehehehe!

2.      When did you start writing?

-2 years ago. Medyo late ko nang nalaman na may “talent” yata pala ako. Hahaha!

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-Buti nahalata mo. Buti na lang tinagalog kita. Pizzzz. *clears throat* Sa kili kili ni Kai ko hinugot! Wahahah! Serious na nga! Sa isang kanta ng B1A4. Isang araw nag-scan ako ng mga bagong download na kpop songs ko at nadako (wow lalim!) sa kanta ng B1A4(Korean boy band) na “Bling Girl”. Habang pinapakinggang ko, feeling ko ako ang kinakantahan nila at…ang ganda ko. Kaya ayun! POOF! Yun na yon. Gusto ko lang mafeel na maganda ako. Kahit sa feeling lang pumayag na kayo!

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang palad ko. Para akong aatakihin. Hindi ko alam kung naeexcite ba ako o ano. Basta ‘yun ang initial reaction ko. Minessage kasi ako ‘non ni Ma’am Agnes about nga sa story ko. Tapos, pini-em ko si ate aine_tan para itanong kung legit ba (syempre di pa rin ako makapaniwala ‘non eh). Sabi niya legit daw. Ayun na. May nagpaparty na sa buong katawan ko.

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-Tinamaan ako ng bola sapul sa mukha kaya natauhan ako. Maluha luha pa ako sa sakit.Tapos gusto pa nilang ihagis ko pabalik sa kanila yung bola?! Ha! Mukha nila!

Haist! Ano ba yan! Natatawa ako sa mga tanong!

(Ito na. Seryoso na.)

Marami eh. Mostly mga napapanuod, nababasa at napapakinggan ko. At syempre, hindi mawawala yung mga taong nasa paligd ko (Ikaw ba naman ang tumira na sa sampung probinsya, tingnan lang natin kung mawalan ka pa ng inspirasyon).

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

Inom ng maraming tubig. (Para clear ang mind) ►Jingle. (Mahirap ibalik ang mood kapag naputol  dahil sa tawag ng kalikasan) ►Kuha ng snacks sa ref (kung meron) ►Harap sa laptop. ►Patay ng internet (mabilis akong madistract) ►Pasak ng earphones. ►Tingin ng pictures ng mga characters kung sino man ang involve sa chapter na itatype. ►Type ng story. Pag nawala na ako sa mood, tuloy lang. Edit na lang kapag nakamood na ulit. Maritwal talaga ako bago magsulat. :3

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-Wow! For evaluation pa ba bago ipublish? Haha! :D

Konti pa lang ang narereceive kong ganon eh. Hahaha. Siguro dahil hindi rin ganon karami ang comments ng story ko. Pero sa totoo lang, oo, may impact din naman sa akin. Natutuwa ako syempre kapag constructive. Lalo na yung mga readers na minsan lang magcomment pero talagang sapul. Maiisip mo, may point nga siya!  Naitatama ko na ‘non ang mga mali ko. (Most of the time, si mama ko ang nagci-criticize ng work ko. Lalo na sa GRAMMAR .) Pag medyo out of line naman o nakakasira ng mood na yung comment, kibit balikat na lang. Wapakels ang peg ko. Nalilimutan ko rin naman kasi sa pagdaan ng mga araw.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Maging Engineer. Course ko siyempre. Hahaha!

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-Silk and Stone ni Deborah Smith. All time favorite ko yon. May kalumaan na siya at medyo malalim ang mga words. Gusto ko yung approach ng romance ng story na yon. Ang daming complications and obstacles sa family at paligid nilang dalawa simula bata palang sila. Pero hindi non pinigilan mag-bloom ang love sa pagitan nilang dalawa.

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-Hmmm. Mas madalas akong magbasa ng English novels eh. Pero I think si  kuya Marcelo Santos at kuya Ramon Bautista. Hahaha! More on reality kasi sila about sa isinusulat nila. Tapos ayon sa roommate ko, kamukha “raw” ni Kai si kuya Marcelo. Hihihih! Sa influence naman, siguro yung approach nila at way nila ng pagsusulat. J

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

- Katulad ng nabanggit ko sa itaas, sa mga napapanuod, nababasa, napapakinggan at mga taong nakapaligid sa akin. Yung first story ko, na mapa-publish na nga ngayon, galing ‘yon sa grade 5 crush ko. Siya yung una kong naisip noong unang beses kong i-try magsulat. FYI po. Nakamove on na ako doon! Sadyang  nakiliti lang imagination ko nang maisip ko ang nangyari noon. Nakabuo ako ng isang plot dahil doon.

12.  Titles of your published and to be published book…

-My Crush, My Love, My Fiancé ♥

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-Eeeehhhh… Nasa tao po ‘yon. Kung paano nila hinahandle ang mga nababasa nila. Everyone has their own perspective. Wag silang maghahanap ng masisisi sa mga bagay na in the first place, ginusto nila, without thinking the consequences. Kasi sariling choice nila ‘yon. Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili nila.

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-Fantasy, romance. Lagi kasi akong comedy, teen fiction at drama eh. Actually, may naisip na ako. Medyo kinukumpleto ko na lang yung plot sa utak ko. Bwahahaha!

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-Sulat lang ng sulat. Hay, gasgas na at palaging nasasabi. Pero yan lang talaga ang key. Try lang ng try. Wag mawawalan ng pag asa dahil konti ang reads o votes. Ako, dati, sobrang saya ko na dahil sa 94 reads ng first 5 chapters ko (babaw ng kaligayahan! :D). Pero sa totoo lang po, muntik na talaga akong sumuko dati, pero ipinush ko lang. Hahaha. Walang taong nasa tuktok ngayon ang hindi nagkamali at nabigo dati. Ang pinaka-importane sa lahat, kahit anong marating mo, laging magpakumbaba.  J

Just play with your imagination. ^_~ 

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon