Soju (March 14, 2015)

363 26 2
                                    

Date: March 14, 2015
Penname: Soju


1. Introduce/describe yourself…
-Ako si Soju. Twenty-four years old na ngayong taon ng 2015. Proud probinsiyano mula sa lalawigan ng Quezon. Trip ko ang panonood ng horror at gore movies, kaya nakahiligan ko na rin ang pagsusulat ng ganoong genre.

2. When did you start writing?
-Noong twelve years old ako. Nag-stop kasi ako sa school dahil sa tamad talaga ako mag-aral (pero 'wag akong gagayahin kasi bad yun at pinagsisihan ko na ang pagbubulakbol at pagtigil ko sa school). Siyempre, dahil wala ako sa school, naiinip ako madalas. Hanggang sa makakita ako ng notebook at ballpen. At doon ko sinulat ang first ever story ko na "Inggit". Horror siya at di ko akalain na mapupuno ko ng stories ang 90 leaves na naotebook na yun. (Nagkwento talaga, eh!)

3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
-Sa isang alak sa Korea. Dahil sa adik ako dati sa Koreanovela (ngayon, slight na lang ). Problema ko? Hindi pa ako nakakainom ng soju. Huhu!

4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
-Sobrang saya tapos hindi makapaniwala. Kwento? That day, nag-post ako sa Wattpad at Facebook account ko na titigil na ako sa pagsusulat. Tapos, itong si Maxinejiji, biglang nag-PM sa akin sa FB. Ni-recommend daw niya ako sa LIB. (Ewan ko ba, tuwing susuko ako sa pagsusulat, palaging gumagawa si God ng paraan para magpatuloy pa ako. Haha!) Hindi ko pa kilala noon si Maxine, so, akala ko parang nang-ti-trip lang siya. Sabi ko na lang: ‘OK. Salamat’. Kunwari excited. HAHA! Sinearch ko muna siyempre kung may LIB na publishing chu chu, pero wala akong nakita sa Google at Facebook. (Bago pa lang kasi LIB noon kaya wala pa silang FB page yata.) Doon na ako nagduda na joke lang iyong sinabi ni Maxine. Pero biglang nag-PM si Miss Agnes. Tapos, nag-usap kami at na-confirm ko naman na taga-Precious Pages talaga sila. Magpasa daw ako ng tatlong story sa kanila. Akala ko hanggang doon lang pero nagulat ako nang alukin nila ako ng dalawang taon na kontrata bilang exclusive writer ng LIB. Obvious naman na pumayag ako at sa ngayon, hindi naman ako nagsisisi sa naging desisyon ko. At salamat kay Maxine, kasi kung hindi dahil sa kanya, wala ako ngayon sa LIB. The End.

5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
-Actually, sarili ko lang talaga, eh. Naiinggit lang ako noon sa mga nagsusulat sa Wattpad. Nakiuso lang hanggang sa minahal ko na ang Wattpad at ang pagsusulat. Pero ngayon, isa na sa inspirasyon ko ang mga matiyagang nagbabasa ng stories ko at sarili ko pa rin ulit.

6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
-Unang-una, magdadasal muna. Humihingi ako ng gabay sa Kanya. Tapos, before akong magsulat, iniisip ko muna iyong eksena. Iniimagine ko ng severe para kapag ita-type ko na, dire-diretso na lang.

7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
-Dati, sinasagot ko talaga. Nagagalit ako tapos hurt na hurt. Pero ngayon, hindi na. Nasanay na ako saka naisip ko rin na hindi naman lahat ng tao magugustuhan sinusulat ko, so, normal lang na may magbigay ng negative comments sa stories ko. Saka ginagawa ko na lang na inspirasyon ang mga iyon para galingan ko pa sa susunod.

8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
-Maging chef. Tutal mahilig naman ako kumain, dapat mahilig din akong magluto. HAHA! Saka, gusto ko rin talagang magluto. Pwede bang isa pa? Gusto ko rin iyong magta-travel lang ako. Pero, saka na iyon kapag marami na akong pera. Iyon ay kung dadami ang pera ko. HAHA!

9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
-Meron akong paboritong libro. Marami sila pero never kong inisip na sana ako na lang ang nagsulat.

10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
-Si Bob Ong. Pilit kong ginagaya dati writing style niya pero bigo ako. Bob Ong is Bob Ong. Ang naging impluwensiya niya siguro sa akin ay 'yong pagsusulat ng istorya na hindi malayo sa realidad. (Sus! Puro horror nga alam mo, eh! ) Saka si Lola Camilla din. Malaki ang impluwensiya ng mga stories na sinulat niya sa akin lalo na yung mga comedy/ humor.

11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
-OK. Sa atin-atin lang ito, ha… Saan nga ba? Sa paligid. Period.

12. Titles of your published and to be published book…
-PUBLISHED (Patayin Sa Kilig Si Barbara, School Trip, Almost A Cinderella Story, Size Matters)
TO BE PUBLISHED (School Trip 2 (This March yata.), Dara Kara, Breaking Up With My Wife, School Trip X3M)

13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
-Mag-isip sila. Walang anekwaboom ang Wattpad! Hindi 'yan nakakabuntis! Saka nasa tao na rin iyan, eh. Isa pa, kahit noong wala pa at hindi pa uso ang Wattpad, marami na ang kabataang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga kaya wag silang gano’n. Wag isisi sa Wattpad ang lahat. Hindi iyan si PNoy. Kahit noong panahon ng mga lolo at lola natin, uso na ang early pregnancy.

14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
-Iyong novel length heavy drama, erotic at sci-fi. Sa ngayon kasi, iyan ang hindi ko pa nasusubukan at alam ko na talagang nahihirapan ako sa mga genre na iyan.

15. Payo mo sa mga aspiring writers?
-Magsulat lang kayo nang magsulat tutal libre naman iyan. Kung sa tingin mo, walang nagbabasa ng stories mo, nagkakamali. Ikaw ang magiging reader ng sarili mong story. At bilang reader, dapat masiyahan ka sa nababasa mo. Kaya magsulat ka ng story na makakapagpasaya sayo at magugustuhan mo.Huwag mo munang isipin na dapat magustuhan ng iba ang sinusulat mong story. Magsisimula kasi sa’yo ang lahat kaya dapat magustuhan ng sarili mo iyong sinusulat mo. (Magulo at walang sense yata sinabi ko. HAHA!) Wag din mahiyang mag-promote kung gusto mo talagang may makakabasa ng sinusulat mo pero in a nice way naman ( Sorry, sabaw ako ngayon. Lagi naman yata. Basta, yun na yun! Sulat lang nang sulat at 'wag kakalimutan na magbasa.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon