Zombie 8

2.2K 86 2
                                        

Stephen's POV

Nakangiti lang sakin yung babae. Ang weird nya lang eh. Pinilit kong tumayo pero napailing lang ako ng kumurot ang mga sugat ko.


"Oh? dahan dahan lang. Hindi pa masyadong magaling ang mga sugat mo." sabi nung babae. "By the way I'm Dianne." inabot nya yung kanang kamay nya pero tinignan ko lang yun. Wala akong balak kamayan sya pero nagulat na lang ako ng kunin nya ang kamay ko at makipagshake hands.

"Oh? Dianne ginising mo ba sya? tsk tsk." isang lalaki ang pumasok sa kwarto na yun at may dalang trey ng pagkain.

"Hindi noh kuya. Nagising lang sya by himself." nagpout pa yung Dianne.


"Bro ako nga pala si Earl sya naman ang kapatid ko na si Dianne. Sorry ah? kasi kami ang may gawa nyan sayo." kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Sila ang may dahilan kung bakit puro benda ang katawan ko ngayon?

"Anong kami kuya? Ikaw lang noh.! Ganito kasi yan Mister. Nasagasaan ka namin, ikaw naman kasi bigla bigla ka na lang sumusulpot sa kalsada tapos ang dami pa zombies na humahabol sayo." Doon ko lang napagtanto yung mga nangyari.


"Nasan ba ko? Ilang araw akong walang malay?" nagkatinginan naman yung magkapatid.


"Well? Nandito ka ngayon sa bahay namin sa Quezon Ave. At tatlong araw ka na ding walang malay." Paliwanag ni Earl. Tatlong araw? sh*t!


"Ano nga pala pangalan mo? If you dont mind?" tanong ni Dianne. Ayoko namang magpakarude dahil in some case tinulungan pa rin nila ako. Pwede kayang pagka bangga nila sakin ay iwanan na lang nila ako sa daan at pabayaang makain ng mga halimaw na yun.


"I'm Stephen" maikli kong sagot.


"So Stephen, welcome samin hehehe" ngumiti ng malapad si Dianne sakin. At inabot naman ni Earl ang trey ng pagkain na dala dala nya.

--------


Josh's POV


"Kirk are you ok?" tanong ni Annie sa hindi mapakaling si Kirk. Si Annie pala yung babaeng may dalang frying pan.

"Wala ng sumasagot sa bahay. Dapat nasundo na ko dito ni papa pero  3 days na ang nakakalipas wala pa rin sila." napasuklay  na lang si Kirk sa buhok nya. Nakakaworry nga naman yun, nung nakaraang mga araw ang saya saya pa nya na makakasama na nya ang pamilya nya.

"Baka nagkaproblema lang?" sagot ni Jeanne. 


Napatungo na lang si Kirk, pero alam ko deep inside kinakabahan na talaga sya.


"Kailangan na pala nating maggrocery mauubusan na tayo ng supply." singgit ni Prince, mukhang inilalayo nya yung topic.


"Kaso wala tayong magagamit na sasakyan. Hindi naman tayo pwedeng maglakad lang dyan sa kalsada na puno ng zombies." mataray na turan ni Janica.

"Am? guys! pwede nating gamitin yung sasakyan ko." napatingin sila sakin. Mukhang hindi nila napansin yung sasakyan ko na nakapark sa likod ng bahay.


"How come na nandito sa inyo ang kotse mo?" curious na tanong ni Prince.

"Hindi ko naman kasi ginagamit yun kapag pumapasok. Naglalakad lang ako kasi malapit lang naman." biglang napatalon si Prince sakin.

"Buti na lang at mabait kang bata! Asan na yung susi?" wala na kong nagawa kundi ibigay yun sa kanya. Napailing na lang yung iba sa kinikilos ni Prince.


"Sinong gustong sumama sakin!" kinindatan nya yung mga babae pero hindi yun tumalab sa kanila.


"Ako na lang, tsaka pwede ba tayong dumaan ng bahay." napatayo na si Kirk at diretsong nakatingin kay Prince.


"Sige no problem"

---------

Prince's POV

Tahimik lang akong nagmamaneho ng kotse ni Josh. Katabi ko si Kirk na tahimik lang din. Papunta kami ngayon sa pinakamalapit na grocery store or kahit anong tindahan na makukuhaan namin ng supply.


Sa likod ng kotse ay ang pana ni Kirk at isang mahabang iron pole na nakuha namin sa likod bahay nila Josh. Sa labas naman ay marami pa ring mga halimaw na palakad lakad. Yung iba pa nga humahabol samin.

"Kirk, just think positive." Binasag ko yung katahimikan. Ramdam ko namang nag aalala pa rin sya sa pamilya nya. Lahat naman kami ganun eh pero syempre hindi ito ang tamang panahon para mapanghinaan.


"Hehe tama ka Prince. Pero hindi ko talaga maiwasang mag alala sa kanila." nginitian nya ako pero alam kong peke lang yun. Pinark ko na yung kotse ng makita ko yung Walter Mart. Kinuha na ni Kirk yung pana nya at ganun din naman ako.

Pagkalabas na pagkalabas namin hinawakan ko agad yung balikat nya.


"Alam ko, dahil ganun din naman ang nararamdaman naming lahat. Pero wag kang papatalo sa pakiramdam na yun. Dahil ikakapahamak mo yan." pinat  ko yung balikat nya at nauna na kong malakad papasok ng Walter Mart.


Naramdaman ko namang sumunod sya sakin. At nagpasalamat pero ng makapasok na kami sa loob nanglaki bigla ang mga mata ko.


Bakit sya nandito?

--------++++++------

A/n: Guys comment kayo at vote para mapabilis yung UD ko. hehehe Salamat.

Last Breath: Zombie Rises IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon