Zombie 10

2.2K 85 7
                                    

Jeanne's POV

"Jeanne are you ok?" agad akong nilapitan ni Annie ng marinig ang nabasag na baso. Naghuhugas kasi ako ng dirty dishes ng biglang dumulas sa kamay ko yung baso.

"Ayos lang ako. Salamat Annie." nang pupulutin ko na yung basag na baso bigla kong naalala si Prince.

"Jeanne nagdudugo yung daliri mo." napatingin ako sa daliri kong dumudugo na. Inalalayan akong tumayo ni Annie at dinala sa sala. " Dito ka lang ah? I will get the first aid kit." at tumakbo na sya papunta kung saan.

"Anong nangyari?" tanong ni Josh.

"Wala toh? hehe nasugat lang ako sa nabasag na baso."  sagot ko dito. Lumabas si Janica mula sa kwarto at lumapit din sakin.

Dumating na si Annie dala dala ang first aid kit. At dali daling nilinis ang sugat ko. Napangiwi ako sa hapdi ng alcohol ng ibuhos yun ni Annie sa sugat ko.

"Nasaan na kaya sila Kirk? Ilang oras na din silang wala ah." Turan ni Janica habang nakatingin sa wall clock. Doon ko naisip ulit si Prince, sana ayos lang sila.


"Yan ok na." natapos na pala si Annie sa paglilinis ng sugat ko at nilagyan nya yun ng band aid. Nagpasalamat ako sa kanya at akmang babalik na sana sa paghuhugas ng pigilan nya ako.

"Ako na tatapos nun. Magpahinga ka muna dito." She smile at me at pumunta na sa kusina.


Muli na lang akong umupo sa sofa at napatingin sa telepono sa hindi kalayuan.

Ilang beses na naming tinatawagan ang mga pamilya namin pero wala namang sumasagot. I hope that their safe.


Nag uusap naman si Josh at Janica sa may harap ng tv. Nakakita kasi si Josh ng bukas na estasyon at hoping na makakuha doon ng balita sa paligid namin at status ngayon ng Pilipinas.


"The World Health Organization declares the epidemic in the Philippines is severe. But the government said that it will be undercontroll by the next few weeks. Everyone is warned to avoid direct or indirect contact to the infected people. Stay at home as possible, but if it is neccessary to go outside please dont get contact to infected people.

The list of evacuation sites that the government facilitates are flashing under the tv screen. "


Yun lang yun? Tumayo bigla si Janica at mukhang inis na inis.

"Like what I expected. Hindi sila maglalabas ng balita na tunay na kalagayan ng bansa." - Janica

"They will never do that. Mas lalong magkakagulo at mahihirapan ang gobyerno kung magpapanic ang lahat. Even na ang totoo malala na talaga ang sitwasyon." - Josh.


Tama nga naman si Josh doon. Kapag nagpanic ang lahat, matutulad lang sa nangyari sa Academy. Mas maraming mamamatay.

Nabasag ang saglit na katahimikan ng biglang magring ang telepono.

-------

Prince's POV


Tumumba sa sahig ang katawan nung malaking zombie. Nakabaon pa sa ulo nya ang isang palaso na nanggaling kay Kirk.

Pinilit kong makatayo kahit na iniinda yun ng katawan ko. Nilapitan ko si Kirk na mukhang hindi makapaniwala sa nagawa nya.


"Diba sabi ko sayo tumakas ka na? Pano kung hindi mo yun natamaan? Edi napahamak ka!" muntikan na nyang isakripisyo ang buhay nya sa katulad kong hindi naman worth it.

"Napatay ko naman diba? Kaya wag ka ng magbunganga dyan. Tsaka hindi ko ugaling mang iwan ng kaibigan sa ere." napangiti na lang ako sa sinabi nya. Kaibigan? lihim akong napangiti.

"Good job bro. Pero tumayo ka na dyan kung ayaw mong pagfiestahan ka ng mga halimaw na yun." turo ko sa mga zombies na papalapit na samin.


Nginitian nya lang ako at tumayo. Pinulot ko yung iron pole na dala ko kanina. Napatingin pa ko sa katawan nung malaking zombie. Sh*t pano lumaki ng ganya yan? Sinenyasan na ko ni Kirk na umalis na kaya nagsimula na kaming tumakbo para maghanap ng makukuhaan ng pagkain.

We outrun the zombies at pumasok sa isang grocery store. Salamat naman at may pintuan yun kaya sinara namin at hinarangan ng kung ano ano.


Sa loob ng grocery store, ang tahimik lang. Sa bandang likod may patay sindi na flourecent light. Maglalakad na sana si Kirk para kumuha ng supply ng pigilan ko sya. Hinampas ko ng iron pole ang sahig kaya nagawa ito ng ingay. At ilang saglit lang.


"RRAAAAWWWWRRR!" dalawang zombies ang sumugod samin. Nakauniform pa sila na mukhang dito sila nagtatrabaho.

Hinampas ko ng sobrang lakas ang ulo nung unang zombie na lumapit samin. At pinana naman ni Kirk sa ulo yung isa.


"Sorry Miss." pagsosorry ni Kirk habang binubunot ang palaso nya sa ulo nung babaeng zombie.

"Tatlong piraso na lang pala yang palaso mo? Tignan na lang natin kung may archery story dito o kaya Weaponry ng makakuha tayo." Sabi ko sa kanya habang naghahanap ng pwedeng lagyan ng mga supplies na kukunin namin.


"Sige. By the way Prince." napatingin ako sa kanya. Nakatalikod sya sakin.

"Ano yung sinabi mo kanina na wala ka ng pamilyang babalikan?"


Muling nagflashback sakin kanina yung nakita ko. Kilala ko yun, si Daddy yun. Pero Zombie na sya. At anong ginagawa nya dito?


Sya na lang ang natitirang pamilya ko. Ngayon pati sya nawala na sakin.

"Wag mo na yung pansinin. Ang isipin mo yung supplies at kung paano tayo dito makakaalis ng buhay." tinignan ako ni Kirk at ngumiti. Pero halata sa mga mata nya ang lungkot. Ayokong kinakawaan ako ng ibang tao. tss.

Nakakita ako nga garbage bag at binuksan ko yun. Doon ko nilagay lahat ng supplies na kailangan namin. I put some can goods, chips, dried goods tulad ng isda, pusit at iba pa. Naglagay naman si Kirk ng isang sakong rice na ewan ko ba kung pano namin mabubuhat mamaya. Mineral water, sodas at cup noodles.

Pagpunta namin kung saan nakalagay ang mga gamot kumuha kami ng mga medicine for fever, cough at cold. Nang mapansin naming ang dami ng laman ng garbage bag kumuha si Kirk ng cart at inilagay namin doon ang mga nakuha na namin. Nang masatisfy na kami at macheck na andito na lahat including personal hygiene stuff ay tumungo na kami sa entrance na punong puno ng kung ano anong hinarang namin.


Tinanggal namin lahat yun at dahan dahang tinulak ang cart palabas ng grocery.


The coast is clear. Kaya walang imikan nagsimula na kaming maglakbay sa kahabaan ng Walter Mart.


Nang mapalingon kami sa ingay na nanggagaling sa hindi kalayuan.

------+++++++------

A/n: Vote and comment para mapabilis po ang update. Salamat.

Last Breath: Zombie Rises IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon