A/n: Sorry guys kung ngayon lang po ako nakapag UD. Nagbakasyon ako sa Cavite eh. Back to the story na tayo.
Kirk's POV
Ilang araw din ang lumipas,,
Sa wakas nakarating din kami sa dapat naming puntahan. Marami kaming bansa na dinaanan bago kami makarating dito, marami kaming nakasagupa pero ngayon nandito na talaga kami.
"Sure ba kayong nasa California na tayo?" palinga linga pa si Janica. Andito kami ngayon sa rooftop ng isang building. Mahirap na daw kasing maglanding sa baba dahil makakakuha kami ng atensyon gawa sa ingay na dala ng elisi ng helicopter.
"Ayon dito sa GPRS ng helicopter California na nga toh" pagkumpirma ni Stephen.
"Oh ngayong nandito na tayo ano plano nyo? San tayo mag uumpisa?" nagkatinginan kaming lahat sa tanong ni Prince. Hindi namin gaanong alam ang lugar na toh. Hindi rin namin alam kung saan mag uumpisa.
In short wala kaming napag usapan about sa ganun.
"Maybe we need to find somewhere to stay first?" saad ni Josh na sinang ayunan naman naming lahat.
"Kuya nagugutom na ko" hinila ni Alonzo ang jeans ko.
"Sige Alonzo maghahanap tayo ng pagkain ok." nginitian ko sya at pinat ang ulo nya.
"Tara na guys" tawag samin ni Jeanne na dala dala ang grim reaper ni Earl.
Sumunod na kami sa kanila., nauuna si Stephen habang ako naman ang nasa hulihan.
Bumaba kami sa hagdan na gawa sa bakal, mukhang isa itong warehouse. Habang lumalayo ang nararating namin umiiba na ang amoy ng paligid.
"Kadiri naman oh! Amoy patay na daga" napahawak na si Janica sa ilong nya dahil talagang nakakasulasok na ang amoy.
"Anong lugar ba toh?" turan ni Prince.
"Mukhang slaughter house toh" tinuro ni Josh ang isang logo na may litrato ng baboy.
"Nice choice of landing" tinignan ng masama ni Prince si Stephen. Hayst wag naman sanang silang mag away dito.
"Prince tama na yan ok. Tara na." hinila ni Jeanne si Prince papalayo kay Stephen. Pagkababa namin ng hagdan isang pinto ang tumambad saming lahat.
"Buksan nyo na" utos ni Prince pero mukhang walang sinumang gustong buksan yun.
"Baka may biglang lumabas dyan" ani ni Janica.
"Be prepared na lang" hinawakan ni Stephen ang doorknob at dahan dahan itong pinihit.
Napalunok na lang ako ng laway habang napakapit sakin ng mahigpit si Alonzo.
Pagkabukas ng pinto, sumalubong samin ang kakaibang tanawin. Maraming nakasabit na karne ng baboy ang nakasabit kung saan saan. Nabubulok na ito sa katagalan na rin siguro na naka sabit labg ito dito.
May mga langaw na din sa paligid, kanya kanya kaming hawak sa aming mga ilong. Nakakahilo ang amoy na nilalabas ng nabubulok na karne.
"Nasusuka ako" reklamo ni Janica.
"Edi sumuka ka dyan. Arte tss" sinamaan ng tingin ni Jeanne si Prince at napaayos naman si Janica.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
