Zombie 23

1.9K 67 8
                                        

Stephen's POV

It's been a week simula ng nawala sina Roppie at Earl sa namin. Humiwalay sa grupo namin si Dianne. Sinubukan namin syang pigilan pero mukhang buo na ang desisyon nya.

Pero bago sya tuluyang umalis ay may sinabi sya sakin.

"Kung mananatili tayong malakas sa lahat ng hagupit ng buhay. Ay muli tayong magkikita"

Nginitian nya ako nun, at pinagkatiwala kay Jeanne ang grim reaper ni Earl.

Si Josh naman ay nagsuffer ng mild injuries dahil sa pagsabog na ginawa ni Arjane. Nabalian sya ng braso at kaunting sugat sa katawan.

Balik na rin ako sa orihinal kong grupo. At ngayon ay nakatira na sa bahay nila Josh.

"Kuya Stephen!!!!" biglang tumalon si Alonzo sa kamang hinihigaan ko. Yumakap sya sakin at para bang may sinusumbong. Sa may pinto ay nandoon si Prince.

"Hoy bata ka halika nga dito!!!" lalapit na si Prince ng magtago sa likod ko yung bata.


"Ayokong sumama sayo!!! Your bad!" nagsalubong ang mga kilay ni Prince na lalo namang kinasiksik sakin ni Alonzo.


"Hoy! Prince yang bata na naman ang napagtitripan mo dyan. Tignan mo tuloy nagising na si Stephen." hinila ni Jeanne ang tenga ni Prince na ininda naman ng binata.


"Naglalaro lang kami ng bata eh" nakakatawa lang ang mukha ni Prince dahil sa pagtitiis sa sakit ng pagkakahawak sa tenga nya.


"Kanina pa naman ako gising Jeanne." nginitian ko sya at ganun din sya.


"Tara na nga Prince!!! At ikaw naman bumaba ka na at makapag breakfast, kayo ni Alonzo" hinila na ni Jeanne si Prince palabas ng kwarto.


Inayos ko na ang higaan ko at sinama na si Alonzo sa baba para makapag agahan.


Doon ay nagkukwentuhan sina Annie at Josh sa lamesa habang sina Kirk at Kier ay nag aabang ng news updates sa tv network na nakita nilang bukas.


"Stephen!!! I cook you something for breakfast!" Lumabas sa kusina si Janica na naka apron pa.

Hinila nya agad ako papunta sa lamesa at pinaupo. Naglapitan naman ang iba samin at nakiisyoso kung ano ang niluto ni Janica.


Sa gitna ng lamesa ay may isang round stainless lead at ng buksan nya yun.


"Wow nice" ewan ko kung sino na nagsabi nun dahil tutok na tutok ako sa breakfast na hinanda sakin ni Janica.


Dalawang sunny side up na itlog at dalawa ding piece ng bacon sa baba. Para syang nakasmile sakin.

"Do you like it?" tanong sakin ni Janica.

"I like it!!!" sagot sa kanya ni Alonzo at nagtawanan na ang iba.


Nginitian ko si Janica at nagsalita.

"Yes I like it. Thank you" pinaghirapan nya yun kaya dapat ko lang yung maappriciate.

Bigla nya akong niyakap na muntikan ko ng ikatumba. Nakakamiss yung ganitong buhay, yung normal lang at hindi tulad doon sa labas ng bahay na toh kung saan ay impyerno.

"Hoy!! Alonzo naubos mo na yan?" napakamot na lang si Kirk at ng tignan namin si Alonzo ay nagulat pa yata sya sa ginagawa. Nilalantakan na nya yung luto ni Janica.


"Wwwwaaaaahhhhh!!!!"

------

Kirk's POV

Sakay ng kotse ni Josh ay muli kaming nakipagsapalaran para kumuha ng supply namin sa bahay.

Si Prince ang nagdadrive habang katabi ko si kuya Kier at si Annie ay katabi ng driver seat.


Ayaw pa nga sana naming isama si Annie kaso nagpumilit dahil kailangan daw ng mga babae ng volunteer dahil mali mali naman daw ang mga kinuha namin ni Prince dati. Kulang daw sa ganyan, walang ganito. I really can't understand girls thing.


"We going to get some medicine din for fever and cold etc. Mahirap makipaglaban kapag may sakit." remind samin ni kuya Kier. Sya ang pinaka kuya namin sa grupo ngayon.


"And we also need more rice dahil ang lakas kumain ni Prince" saad pa ni Annie na kinatawa namin ni kuya Kier.


"Ako pa ah? Si ano kaya? Si-? Si Alonzo sya yung malakas kumain dyan eh." depensa ni Prince.

"Sinisi mo pa yung bata!" nagsimula na silang magbangayan. Napatingin na lang muna ako sa labas ng kotseng sinasakyan namin. Kakaunti lang ang mga gumagalang zombies sa kalsada. Mataas na din ang sikat ng araw.

"Ang weird noh? ang konte lang ng mga zombies sa daan." mukhang napansin din ni kuya Kier.


"Diba dapat good news  yun? Hindi tayo masyadong mahihirapan." sagot ni Annie.

Tumigil na yung kotse sa harap ng isang convinience store. Dala ang mga armas namin, ay pumasok na kami sa store na yun.


Tahimik lang ang buong lugar na nagdadala sakin ng kakaibang pakiramdam.

Hinampas ni kuya Kier ang dala nyang pala sa pader. Ilang beses nya yung hinampas hanggang may maglabasan ng mga zombies.


"Rrraawwr" ungol samin ng mga zombies.

Naunang kumilos si Prince gamit ang bakal na tubo nya, isa isa nyang pinaghahampas ang mga halimaw.

"Annie stay back ok?" tinanguan ni Annie si kuya Kier.


May mga naglapitan na samin kaya kumilos na rin si kuya Kier. Ewan ko ba pero parang mas dumadami sila kaysa kanina.

Hindi pa kami nakakalayo ng entrance nito pero ang hirap na. Hindi naman ganun kalaki ang convinience  store na toh pero ang dami nyang laman na zombies.

Hanggang......


"Rrrraaaawwwwrrr" napaupo pa si Annie ng makita ang higanteng halimaw na tumambad samin.


Tulad ng nakalaban namin ni Prince dati.


Napaatras si Prince at ganun din si Kuya Kier.

Mukhang its my time para kumilos. I just need to aim at his head.

Inayos ko na ang pana at palaso ko ng biglang sumigaw si Prince.

Pinaghahampas pala ni kuya Kier ang malaking halimaw.


"Kuya!!! It's no use umalis ka na-" kumalat ang dugo sa sahig. Napatulala kaming lahat sa mabilis na pangyayari.

Humiwalay ang ulo ni kuya Kier mula sa kanyang katawan.


"AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!"

---------


A/n: Sayonara Kier.


Vote and comment for fast UD.

Last Breath: Zombie Rises IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon