Prince's POV
Bata pa lang ako, iniwan na kami ni mommy.
Pinagpalit nya si daddy sa ibang lalaki. What a slut.
Isang Manalili pinagpalit nya? Such an airhead. Wala akong paki kung nanay ko man sya. Simula ng iwan nya kami dahil sa ibang lalaki hindi ko na sya kinikilalang ina.
"Prince, Wag kang magtanim ng galit sa loob mo. Dahil darating ang panahon kakainin ka ng galit na yan at yan mismo ang magpapahamak sayo."
Yan yung laging sinasabi sakin ni lolo Rupert nung mga panahon na depress na depress si Daddy dahil sa pagkawala ni Mommy.
Pero pano ako hindi magtatanim ng galit sa mommy ko? Pinagpalit niya kami?
Kaya pinapangako ko na hindi ako magseseryoso sa babae. Hindi ko sila hahayaang masaktan ako at iwan tulad ng ginawa ng ina ko.
Girls are toys. Tapos.
------------
I'm Prince Andretti Manalili. A famous cassonova. (wink).
Maraming babae ang nagkakandarapa sakin. Ang daming gusto kong syotain.
Until I meet this lady. She's different from others. Napaka masayahin at palaban.
Jeanne Lucero.
Sya ang unang nagsabi sakin na mapapatino daw nya ako? Hahaha I found her more interesting ng sinabi nya yun. Kaya ito kami we are dating and officially on. Sa harap lang ng mga tao. But they didn't know na kasunduan lang yun.
Mapapatino? Isang Manalili mapapatino nya? Oh come on.
"Babe kailan ba tayo,.... alam mo na." sabay kindat ng malanding babaeng ito. Patuloy lang sya sa pagkiskis ng dibdib nya sa braso ko.
"Babe, baka macar jack ako nyan ni Jeanne. Alam mo naman yun magaling humawak ng arnis. Kawawa naman ako." nagpout pa ko sa harap nya.
"Ikaw naman kasi eh., bakit ba pumayag kang maging gf yun? Pwede naman ako. Ibibigay ko sayo ang gusto mo." bigla akong napalunok ng laway sa sinabi ng babaeng toh na hindi ko nga maalala ang pangalan.
Nang biglang may magsalita sa speaker.
"Students be calm and evacute the school premises. Again stay calm- " huh? anong meron?
Tapos nasundan yun ng sigaw ng saklolo.
Nagpanic na agad ang mga tao sa paligid.
"Babe whats going on?" hindi ko na sinagot yung babae sa tabi ko ang alam ko lang kailangan kong mahanap si Jeanne.
"Prince sandali!!!" rinig kong tawag sakin nung babae.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa classroom nila Jeanne. Naalala ko yung kwento sakin ni lolo Rupert.
Stay calm, focus your mind and hit their heads.
Ang daming nagtatakbuhang mga estudyante. They are running for their lives. Hindi magandang idea ang salubungin ang mga nagpapanic na estudyante. Then I remember my grandfather's story when I was a child.
Deadly people walk on Earth and eat fresh flesh.
Pumunta ako sa likod ng TLE room kung saan nakatanim ang isa sa pinaka matatandang puno doon.
Ito yung nasa story ni lolo. This tree. Napalingon ako sa likod ko. Sh*t ang daming mga zombies na papunta sa direksyon ko. I climb the tree as fast as I could. Nakahinga na rin naman ako ng maluwag ng makaabot na ko sa tuktok. Mula sa sanga ng puno na kinalalagyan ko tanaw mula dito ang ibang bahagi ng campus. Ang daming nagsisigawan, nagtatakbuhan.
It must be end of the world?
Sa hindi kalayuan nakita ko si Jeanne kasama si Mr anti-social. Stephen Sarmiento.
Agad ko silang pinuntahan, tinawag ko yung gf ko. Sinabi nya na kasama nga nya si Stephen that is really obvious. Nagpasalamat na rin ako kay Step dahil sa pagsama kay Jeanne. I dont know pero alam kong napalapit na rin sakin ang babaeng toh.
Dinala ko sila sa punong dinaanan ko kanina. Kita sa mga mata ni Stephen ang pagkagulat.
"Step, whats the problem?" tanong sa kanya ni Jeanne. But he just shake his head.
Bumaba na kami sa puno, mukhang nag alisan na yung mga zombies na nandito kanina. Napansin ko ring may dala si Stephen na base ball bat at Jeanne naman ay isang walis tambo.
At ako? wala kahit anong dala.
Naalala ko lang, may kapatid si Stephen na third year eh. Nakita nya na ba yun?
"ui diba may kapatid ka? Nakita mo na ba?" nakita ko yung paghigpit ng kapit nya sa base ball na hawak nya. Bigla namang hinawakan ni Jeanne ang kamay ko. Mukhang alam ko na.
"Sorry" sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Alam ko yung feeling na maiwan. At talagang masakit yun.
Kung nanunuod ka ng zombie movies, malalaman mong sensitive ang mga halimaw na toh sa ingay. Kaya ito kami ngayon looking for a way out without making any kind of sound.
"Kainis naman oh. Kala ko ba hindi hahayaan ng gobyernong makapasok ang virus dito sa Pilipinas? Eh ano toh?!"
Nakarinig kami ng isang babae sa loob ng isang kwarto. At dahil nacurious ako sinilip ko sya. Sh*t si Janica Buhain toh eh. One of the hottest girls in town. May hawak syang raketa na puno na ng dugo. Tennis player nga pala toh.
"Please Miss wag ka ng maingay baka puntahan tayo dito ng mga halimaw na yun." napatingin naman ako doon sa lalaking nagsalita.
Oh? Si Josh Santos toh ah? Ang pinaka mabait na estudyante daw dito sa BPA. Pwe mukha kasing anghel ang mukha. Tsaka ano naman mapapala nila sa tulad ni Josh? Mas gwapo naman ako sa kanya at ang boring kaya na may kasamang malapit ng maging anghel. Pero kainis ah. ang swerte nya dahil kasama nya si Janica sa iisang kwarto.
Biglang may humila ng tenga ko kaya napa aray ako.
"Ikaw talagang lalaki ka. Hanggang ngayon babae pa rin ang inaatupag mo." hawak hawak pa rin ni Jeanne ang tenga ko. Ang sakit ah.
"Sorry na sorry" hindi pa rin nya tinatanggal yung kamay nya sa tenga ko. Sadista talaga tong babaeng toh. Ouch.
"Sino yan?" binuksan ni Janica ang jelusy na sinisilipan ko kanina. Ang ganda nya talaga.
"Stephen?" napabitaw na si Jeanne sa tenga ko ng tawagin ni Janica si Stephen. Magkakilala sila?
"Pwede pong makisingit? kasi ano?" napakamot pa si Josh sa batok nya.
"Yung mga zombies sinisira na yung pinto."
-------++++++++-------
A/n: Sorry sa late update. Hit the star.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
