Outbreak 1

1.9K 70 5
                                        

Kurt's POV

"Waaahhhh para tayong magbabakasyon!!!" pinatong pa ni kuya Neil ang mga kamay nya sa ulo at nahiga sa mahabang upuan kung saan nagsa sun bathing.


"Yup. panahong wala tayong makitang zombies sa paligid kundi puro tubig." sabi ni Shane habang tinatangay ng malamig na hangin ang mahaba nyang buhok.

"Pasalamat tayo may mga supply ng pagkain ang yate na toh. Kung hindi kailangan pa nating dumaong sa kalapit na bansa." inabutan ko sila ng tinapay na nakuha ko sa isang kahon.

"At marami pang supply ng gasolina. Siguro gagamitin na sana tong getaway vehicle ng may ari noh bunso." saad ni kuya Neil.

"Ang totoo nyan. Ako ang nag ipon ng pagkain at gasolina sa yate na toh. Nauna akong dumating dito bago kayo." napanganga kami sa sinabi ni Dianne. So kami pala ang sabit lang dito.

"But the owner of this yacht is my friend." singgit ni kuya Uvrie sa usapan.

"And I kill him ng naging zombie na sya." kalmadong sagot ni Dianne. Ang fierce nya parang tiger.


"Tsaka Uvrie sya naman ang kayang magpaandar nito eh. Magpasalamat na lang tayo sa kanya. Salamat Dianne hehehe" nginitian ni kuya Neil yung babae pero hindi sya pinansin nito.


Nag walkout si Kuya Uvrie dahil siguro sa sobrang badtrip. Pero tama naman talaga sa kuya Neil eh, we must thank her dahil ngayon safe na safe na kami at may pagkain pa.

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa kanya Dianne ah." tinanguan na lang nya si Shane. Si Shane naman sinundan na si kuya Uvrie.

"Bunso tara nga dito! " pinat ni kuya Neil yung space sa inuupuan nya. Lumapit naman ako sa kanya at umupo doon.


"Bakit kuya?" bigla nya akong inakbayan at binulungan.


"Parang magsyota yung dalawa noh? hahaha" nakiliti ako sa init ng hininga ni kuya Neil kaya napaiwas yung ulo ko.


"Ang dami mong alam kuya" sagot ko sa kanya.

"Bakit? hindi mo ba napaghahalataan yung dalawa?"


"One sided love lang siguro." napataas ang kilay nya sa sinabi ko.


Nang biglang mabaling ang atensyon namin sa dumaan na helicopter.

"Private helicopter yun diba?" tanong ko kay kuya Neil ng mapansin kong wala yung anumang bakas na ginagamit ng militar.

"Yup. Siguro mga survivors din ang sakay nun."


--------

Shane's POV

"Uvrie" tawag ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa malawak na karagatan.


"Why are you here?" annoyed na tanong nya sakin. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Nagagalit ka ba kay Dianne? o nagagalit ka sa sarili mo dahil hindi mo man lang nailigtas ang kaibigan mo." nakita ko syang bahagyang napayuko at napatikom ang mga kamay.

Last Breath: Zombie Rises IIMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon