Alonzo's POV
( May POV na si Bunso hihihi )
Hi po! Ako nga po pala si Alonzo. Hehehe salamat kay kuya Author at binigyan na nya ako ng POV.
Ilang araw na din po ang lumipas at na nanatili pa rin kami dito sa magandang mansion na toh. ( bunso hotel yan ).
Ayos na din si kuya Prince bumalik na yung sigla nya. Lagi ko ba namang sinasayawan ng treasure ni Bruno Mars eh. Ou nga pala? Zombie na rin kaya si Bruno Mars?
Nakilala na din po namin yung mga nasa kabilang kwarto. Sina kuya Kurt, ate Shane at kuya Uvrie.
Nag uusap nga ngayon sina kuya Stephen at kuya Kurt. Ewan ko ba pero mukhang seryoso yung pinag uusapan nila.
"Alonzo, what to you want to eat?" nginitian ako ni kuya Josh. Sya yung pinaka close ko sa lahat.
"Am? Ano po ba meron kuya?" ilang segundo din syang nag isip at sumagot. "May canned tuna doon at corn tuna."
"Ano ba yan Josh pinapili mo pa talaga yung bata ah?" napakamot ulo na lang si kuya Josh sa sinabi ni kuya Prince.
"Kahit ano na lang po siguro kuye hehe" pinat ni kuya Josh yung ulo ko at pumunta na ng kusina. Tumingin naman ako doon sa bintana na tanaw yung city. Grabe pala dito.
"Alonzo, maganda ba?"tanong ni ate Janica. Hindi ako tumingin sa kanya at nakatuon lang ang atensyon sa tanawin sa labas.
"Hindi po eh" sagot ko. Ang panget na kaya ng view. Ang daming wasak na building tapos may mga kotse pang nakakalat sa daan.
"Panget? tsk paano ako mapapansin ni Stephen nito?" paglingon ko sa kanya inaayos ayos nya pa yung buhok nya.
"Ano ate-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dali daling umalis si ate Janica. Kala ko pa naman kasi yung view yung tinatanong nya.
"Oh? bunso bakit mukhang problemado ka? nilapitan ako ni kuya Kirk.
"Kasi po si-"
"Kirk pakitulungan naman ako dito oh!" tawag ni ate Jeanne. "Sandali lang bunso ah" at umalis na rin toh. Hayst kawawang si ako.
Bumalik na si kuya Josh galing kusina, may dala syang plato ng pagkain.
"Oh Alonzo, kain ng mabuti ah. Ubusin mo yan." nagpasalamat naman ako kay kuya Josh at nilantakan ang pagkain.
"Hinay hinay lang baka mabulunan ka nyan hehe" buti pa tong si kuya Josh hindi ako iniiwan.
Maya maya...
"Ano yun?" tanong ni ate Janica. May narinig kaming kalabog sa labas. Mga yabag ng mga paa.
"Nakalock ba yung pinto?" tanong ni kuya Stephen.
"Ou, bakit ano bang nangyayari?" tanong ni kuya Prince.
"Guys balik muna ako doon sa kabila ah." agad na lumabas si kuya Kurt. Hanggang makarinig na kami ng mga putok ng baril.
-----
Kirk's POV
Naalarma kami dahil sa mga putok ng baril. Lumabas pa naman si Kurt.
"Stay here ok, titignan ko kung ayos lang si Kurt" agad na lumabas din si Stephen.
"Ano na kayang nangyayari?" hindi mapakali si Janica.
"Things are getting weirder" dagdag pa ni Jeanne. Then suddenly some smoke enters our room from the vacant space under the door.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
МистикаThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.