Zombie 2

2.5K 107 13
                                    

Stephen's POV


Naglalakad kami ng mabilis ni Jeanne.

Hawak hawak nya pa rin ang kamay ko.

Nakakadiri yung mga nakikita namin sa hallway.

Mga lamang loob, dugo at patay na tao.

May mga sumusugod saming zombies pero hinahampas hampas lang yun ni Jeanne ng kahoy ng walis tambo sa ulo.


Ou nga pala Arnis champion tong kasama ko.


Jeanne Lucero isang babaeng kampyon sa paggamit mg arnis.


"Step why are you idling in this kind of situation?" bulong nya pero sapat ng marinig ko.


Hindi ko na lang sya pinansin at hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

Nakakita ako ng martilyo na may dugo. Nakakalat lang yun sa sahig, mukhang naiwan toh ng isang estudyante.

Dinampot ko yun at humarap kay Jeanne. Nginitian nya lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.


Paglabas namin sa fourth year building mas karumaldumal ang nasaksihan namin.

Puno ng sigawan.

Puno ng dugo at lamang loob.

Maraming nakikipaglaban sa mga zombies.

Maraming gustong makaligtas.


"Kuya!!! buti na lang at ayos ka lang." nilapitan kami ni Cedric na may dugo pa sa uniporme. Sa kanang kamay nya ay may dala syang baseball bat.


"San mo nakuha yang baseball bat na yan?" tanong ko sa kanya.

"Ah? ito ba? Binili ko. Lagi ko tong dala simula ng mapanuod natin yung balita sa tv." nagpeace sign pa sya sakin.

Parang sya lang yung masaya na nagkaroon ng outbreak.

"Mamaya na yan. Lumabas na tayo ng school." tinanguan na lang namin si Jeanne at dali daling tinungo ang gate ng school.

Pero mukhang hindi yun magandang ideya.

Punong puno ng mga tao ang gate ng Blue Pegasus Academy. At dahil maraming tao, marami na ding zombie doon.

"Hindi tayo pwedeng makigulo dyan."  napahawak si Jeanne sa chin nya na tila ba nag iisip.


"Remember lolo Melvin's story kuya. Pumunta yung mga estudyate sa rooftop. Tara pumunta tayo doon." ou nga pala yung kwento ni lolo.  Agad na naming tinungo yung rooftop.

Maraming mga zombies ang nasalubong namin. Ang galing ni Jeanne dahil marami rami din syang napabagsak na mga zombies gamit yung walis tambo.

Ganun din si Cedric habang binabasag yung mga bungo ng halimaw gamit ang hawak na baseball bat.


Magpapahuli pa ba ako? durog ang noo nila tuwing hahampasin ko sila ng martilyo.

Were running as fast as we could.


Para kaming mga tauhan sa isang zombie movie. Running for our lives.


"Mauna na kayo dali!!!" biglang himpas ni Jeanne ng malakas yung zombie na nakaharang sa may hagdan papuntang rooftop. Third floor din ang building na toh kaya mahabang habang takbuhan toh.

Kaso hindi namin inaasahan ang sumunod na nangyari. Biglang may zombie na nalaglag mula sa itaas at nahulugan nito si Cedric.

"CED!!!!!"


"Uuurrgggh" nabitawan nya yung baseball bat na hawak nya ng sumalampak sila ng zombie sa sahig.

Agad ko namang sinaklolohan ang kapatid ko. At hinampas ng martilyo yung ulo ng zombie.


"Ced ayos ka lang?" sh*t may kagat sya sa balikat. Tumingala ako sa itaas., mukhang galing yun sa second floor ng building.


"Tara na" inakay namin si Cedric hanggang makarating na kami sa pinaka tuktok.


Sinara namin yung pinto at hinarangan ito ng mga spare chairs and tables na nakatambak dito sa rooftop.


"Kuya hehehe. Mukhang game over na agad ako. " bigla syang umubo ng dugo.

Alam ko ang nais nyang ipahiwatig pero ayaw yun tanggapin ng utak ko.


"Ano ka ba Ced. Hindi ka magiging tulad nila." naiiyak na kong niyakap sya pero bigla nya akong tinulak.

"No kuya. You know the zombie rule lolo Melvin always said to us before. Ones your bitten, its game over. " he gave me a weak smile. Nakatingin lang samin si Jeanne na naluluha na rin.


Muli na naman syang umubo ng dugo. Parang isang tabong dugo yung lumabas sa bibig nya. Lalapitan ko sana sya pero hinarangan nya ako ng kamay nya.


"Kuya promise me makakasurvive ka ah." napatango na lang ako habang patuloy na umiiyak. Bakit? bakit si Cedric pa? Sya na lang ang natitira sakin.

"Kuya Kill me now hanggang nasa katinuan pa ko." nanlaki yung mata ko sa request nya. Hindi ko kayang gawin yun.


"Cedric alam mong hindi ko kayang gawin yun sayo." bigla nya akong niyakap at bumulong.

"Sorry kuya sa pagpapasakit ko ng ulo mo. Mahal na mahal kita. I will guide you from heaven, kasama sila Daddy at sila Lolo Melvin." humiwalay na sya sa pagkakayakap at binigyan ako ng malapad na ngiti.

And then he suddenly jump off from the rooftop.

-------+++++++------

A/n: Maagang patayan ba? Sorry mga kwis ganyan yung takbo ng story natin eh.

Vote and comment mga kwis.

Last Breath: Zombie Rises IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon