Josh's POV
Hindi na tulad noon ang bahay ng mawala sina kuya Kier at Annie.
Ang tahimik ng lahat kahit si Prince na naturingang maingay ay wala ng kibo ngayon.
Si Kirk hindi na lumalabas ng kwarto ng mga lalaki. Wala na ring ganang kumain at kadalasan pa umiiyak na lang bigla.
Napaka bigat ng atmosphere ngayon dito. At wala na din kaming supply ng pagkain. Walang gustong magvolunteer na kumuha. Kung may magvolunteer naman ay pinipigilan sila ng mga babae.
"Josh ayos na ba yang pilay mo?" tanong sakin ni Jeanne. Kasalukuyan ko kasing inaayos ang benda ng napilay kong braso.
"Medyo ayos na. Hindi na gaanong masakit." sagot ko sa kanya. Pababa naman ng hagdan si Stephen dala dala ang baseball bat nya.
"Hey? where are you going?" lumapit sa kanya si Janica.
"I'm going outside to look for food. Nagugutom na yung bata ano tutunganga lang tayo dito?" mukhang napipikon na sya.
"But it's dangerous outside? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Prince? Their are giant zombies out there!!!" pagpigil sa kanya ni Janica. Pero parang hindi naman natitinag si Stephen.
"Nakaharap na ko ng tulad nun dati ng kasama ko pa sila Dianne at Earl. The only solution to it is to avoid it. Besides hindi man tayo mamatay dahil sa mga halimaw sa labas. Mamamatay naman tayo sa gutom!" dumiretso na si Stephen sa pintuan ng habulin na naman sya ni Janica.
"If that so, sasama ako sayo!" pumunta sya sa attict namin at ng lumabas sya dala na nya ang electric insect killer namin. Yung parang tennis racket yung itsura. "Josh can I borrow this? Nakita ko sya sa attict nyo ng minsan maghalungkat ako doon." napatango na lang ako kay Janica dahil parang may choice pa ko diba?
"Sasama din ako. Na sa akin ang grim reaper ni Earl. Malaki ang maitutulong nito." pagvovolunteer din ni Jeanne.
"Hindi ka sasama sa kanila." hinawakan ni Prince ang braso ng dalaga. Mukhang magkakaroon na ng away ah?
"Prince is right. Magstay ka lang dito." nagsalubong ang kilay ni Jeanne sa sinabi sa kanya ni Janica.
"You stay here also Janica. Ako na lang ang aalis mag isa." - Stephen
"But-"
"No more buts Janica." tuluyan ng lumabas si Stephen ng bahay. Hinawakan ko ang balikat ni Janica at nagsalita.
"Ako na lang ang sasama sa kanya. I will make sure na hindi na sya mahihiwalay sa group natin." tinanguan ako ni Janica at hinabol na sa labas si Stephen.
"Stephen! Sasama ako sayo."
"No, injured ka pa. Don't worry kaya ko na toh." papasakay na sya sa kotse ko ng dali dali akong pumasok sa backseat.
"I insist. Hehehe." napailing na lang sya sakin. Alam kong gusto nya din ng makakasama.
Pinaandar na nya ang sasakyan ko. Habang pinapanuod ko ang mga zombies na pagala gala sa kalsada. Yung iba humahabol pa samin.
------
Shane's POV
Nakaupo kami ngayon sa sofa habang si Kurt ay nakatayo sa harap namin na para bang maglelecture.
Katabi ko si kuya Neil at katabi naman nya si Uvrie. Nakakainis hindi pa rin kasi nya sinasabi sakin kung bakit nya niligtas yung lalaking yun.
"This is may theory about the virus. But first I will discuss the different kinds of zombies para alam natin ang mga halimaw na kakaharapin natin." panimula ni Kurt.
"First! Crawlers. Yung mga zombies na gumagapang dahil wala na silang lower body or nacrash ang mga binti nila. Sila ang pinaka madaling zombie na patayin at takasan but if you are foolish enough. At hindi sila mapansin ay pwedeng makagat ka nila sa binti mo o sa paa. " - Kurt.
"Are you lecturing us about zombies? Kung ganun doon muna ako sa kwarto ko." walang kagana ganang tanong ni Uvrie.
"Kuya Uvrie naman eh. Kailangan nyo tong malaman kasi kayo palagi ang kumukuha ng supply natin." nagpout na si Kurt samin na alam kong hindi kayang tanggihan ni Uvrie.
"Sige na bunso ipagpatuloy muna hehe" - Kuya Neil.
Nanatiling naka upo na lang si Uvrie sa sofa at muling nakinig kay Kurt.
"No. 2 is the walkers!! Sila yung common types ng zombies. Kaya hindi ko na eelaborate. No. 3 is the runners. Rare types sila ng zombies mukha lang silang normal zombies kaso kapag nagkahabulan na ay mas mabilis silang kumilos kaysa sa mga regular zombies. The best way to deal with this kind of zombies is to avoid them." runners ah? nakakita na ko nyan dati. At ganyan ang pumatay sa mga magulang ko.
"The 4th is the spitter. Rare din ang isang toh pero napaka panganib. Nagkakaroon ng chemical reaction sa loob ng mga tiyan nila na nagiging acid. Dinudura nila ito at umaabot din ng ilang centimeters ang layo. The acid that they spit can inffect and burn epidermis."
"Spiiters? parang nakakita na ko nyan. Kala ko nga buntis na zombie lang kasi malaki ang tiyan nila. Tapos bigla na lang syang nangdudura." saad ni kuya Neil.
"Thats right. Ang kaibahan kasi nito sa ibang zombies in appearance ay blowted ang mga tiyan nila." dagdag pa ni Kurt.
"5th is the giants. Sila yung klase zombies na nakaharap nila kuya Uvries. Malaki ang katawan nito at mahirap patumbahin. Nangyayari ito sa tuwing nag cocontinue ang mutation ng virus sa loob ng katawan nila."
"What is their weakness point?" tanong ko kay Kurt.
"Same as the other zombies. The head. Mabagal naman ang mga giants kaso malakas sila." sagot ni Kurt.
"Can we just continue? para makapasok na ko sa kwarto ko?" iritableng tanong ni Uvrie.
"Ok ok. The last in my list is the most rare but most dangerous types of zombies. This is the radio active zombies. Hindi nyo makaclassified ang mga tulad nila dahil hindi naman nakikita ang radio active waves na nilalabas nila. Pero kadalasan sunog ang balat nito o kaya makikita sa mga lugar na malapit sa mga power plant." tumayo na si Uvrie at pumasok na sa kwarto nya. Napabuntong hininga na lang si Kurt.
"And what is your theory about the virus?" tanong ko sa kanya para isipin naman nyang andito pa kami ni kuya Neil.
"My theory is....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
The virus is evolving"
-----------
A/n: Vote and comment for fast UD.
BINABASA MO ANG
Last Breath: Zombie Rises II
ParanormalThe new generation of zombie survivors. Can they manage to survive from the outbreak? or will they be one of the Flesh eaters.
